Kahel
Nagising ako sa amoy ng mantikilya at bawang mula sa labas ng bintana.
"Ang lakas naman maka 90's anime nito," saad ko. Nakadapa pa ako sa kama at tanging sando lamang ang aking suot. Hinahangin ang kurtina habang bukas ang bintana. "Maliwanag na sa labas?"
I put on whatever Drake has been insisting I wear since last night, bughaw na tuxedo na pinatahi pa niya sa isa sa mga empleyado nila. I stepped out of my room.
"He wants people to be presentable," rinig kong bulong sa gilid ko.
"Lance?" bulalas ko. "Nasaan si Matthew?"
In front of me is Lance, wearing his traditional butler uniform. Abala ito sa pag-aayos ng kanyang bow tie habang nakaharap sa salamin.
"Chill, nandoon sa kabilang kuwarto, tulog."
I immediately ran to the room behind him. Ang sarap ng tulog ni Matthew, nakadapa while butt naked.
Agad akong napalabas at nakapikit pa ang mata ko.
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong ni Lance.
"Nakahubo si Matthew." Napalunok ako. Umiwas ng tingin si Lance. I noticed na mukha siyang naiilang sa sinabi ko. "Teka, hindi ba sa iisang kuwarto lang kayo?"
"Oo, pagsabihan mo nga iyang kaibigan mo!" he said. He immediately combed his hair. Nilagpasan niya ako kahit may nakatayo pang buhok sa ulo niya. "He insisted on being naked last night, dahil hindi raw siya sanay matulog ng may damit."
I grinned. Sumasayaw pa ang mga kilay ko. Nilapitan ko si Lance at mukha pang kengkoy akong nakanguso.
"So, saan ka natulog?"
"Sa sofa..."
"Ows?"
"K, alisin mo nga 'yang iniisip mo!"
"Ito naman, nagtatanong lang." Ako naman ang humarap sa salamin. Inayos ko ang aking antipara sabay sukbit ng necktie ko.
Nilapitan ako ni Lance. Inayos nya ang pagkakasoot ko nang bigla ko siyang nginitian. "This felt like the JS prom, didn't it?"
"Don't mention that school again," he grunted. "Tuwing naalala ko iyon, bumabalik lahat ng atraso ko sa 'yo."
Nginingitian ko lang siya. I'm just giggling while he's been pouting while fixing my collars. Come to think of it, I'm just happy that he is okay now. And actually, sa itsura namin ngayon, habang inaayusan niya ako, mas close na kami kesa noong kami pa.
"Anong oras tayo, aalis?" Mat's familiar voice creeped outside the room.
Sabay kaming napalingon ni Lance. Nakatayo sa pinto ng kuwarto si Matthew habang kinakamot ang mga mata nito. His hair is all puffy, his eyes closed, and his tool is dangling between his legs.
"Matthew Rodriguez!" sigaw ni Lance.
Napapikit naman ako ng mata ko.
Sinugod siya ni Lance at hinatak pabalik sa loob ng kuwarto. Natatawa na lang akong nakatayo sa labas habang naririnig ang pagbabangayan nila. Lalo na ang boses ni Matthew na halatang pinaparinig sa akin ang mga biro niya.
"Nakita mo naman na ito kagabi, Lance" Matthew shouted. "Sinubo mo pa nga!" he added.
"Kingina ka Rodriguez, sige magkalat ka pa ng chismis at hindi kita sasamahan sa ball. Literal na maninigas ka rito!"
I was laughing outside dahil ramdam ko ang ugat sa leeg ni Lance kakasigaw sa roommate nito.
Pero bigla akong nagtigilan, naalala ko ang ball. Napamasahe na lang ako ng aking sintido nang maalala ko ang plano naming apat.
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon