Chapter XXXV: Chances

646 38 12
                                    

Kahel

CHANCES—evolution of events in the lack of any apparent design.

Maraming buwan ang lumipas. I was saving enough money to go to France. The last time I checked with Tita Cherry, Mr. Pegasus lived there. He holds the secret to this pair of eyes that I got from him when my father and Tito Sebastian visited him for a cure for Drake.

Ilang buwan na akong nagtratrabaho while meeting my school requirements. I'm at the mall on Mondays, Tuesdays, Wednesdays, and Saturdays. Then, I'll be in Poseidon Ocean Park on Sundays as their resident merman.

"Sabi naman sa iyo, sagot ko na ang pamasahe mo," nakabusangot na reklamo sa akin ni Drake habang nakaupo siya sa rim ng tank na nilalanguyan ko. He was wearing his football uniform. "Tutal naman, I'll be there too for the Le Ball."

He was talking about the Ball event ng mga sikat na pamilya sa buong mundo kung saan ang mga bachelor at mga bachelorette ay magsasama-sama. Minsan ko nang narinig ang tungkol doon habang kausap nya ang nanay niya sa loob ng kotse.

"No way, ungas," umiiling kong sagot. Pinilit kong itinaas ang paa niyang nakasawsaw sa tubig ng aquarium. "Problema ko 'to, dapat ako ang umayos."

"Alam ko naman iyon, baby." Nagpanting ang tenga ko. Hindi pa nagiging kami pero panay na ang tawag niya sa akin ng salitang iyon. "Kaya lang kasi, wala ka nang oras para sa ating dalawa."

He put his legs back in the water. Naiirita kong inalis muli ang mga ito.

"Anong ating dalawa ang pinagsasabi mo, Valentino?"

"Dalawa! Tayo, ikaw, at ako. Mag-jowa."

"Kailan ba naging tayo, Drake?"

Hindi niya ako sinagot. Iniwasan niya ako ng tingin. Halata sa reaksyon niya na naiinis na siya sa ilang buwan na pagtanggi ko sa relasyon namin.

It's not that I don't like it.

I wanna fix myself first.

Ayokong nasatabi ko siya sa oras na sumpungin na naman ako ng pagiging Gorgon ko. That's why I've been doing my best to find a cure for whatever curse I have.

Muli niyang ibinalik sa tubig ang mga paa niya. Gusto talaga niya akong inisin makabawi lang sa pag-deny ko ng feelings ko for him.

He made a splash on the water with his feet.

Nanadya na ata talaga si gago.

"Ang kulit mo, itaas mo ang paa mo, Drake!"

"Ayoko nga! Not until you agree that I'm your boyfriend."

Pinipilit kong iangat paalis sa tubig ang mga paa niya. Pero ramdam ko na ang lakas ng katawan niya na nilalabanan ako.

Below him is two-floor-deep water and even though he knows how to swim a little now, kinakabahan pa rin ako tuwing naalala ko kung paano siya nalunod sa bangka noong mga bata kami.

"Drake!"

"Ayoko!"

Napayuko siya sa akin. Ang nakabusangot niyang mukha ay nakatitig sa basa kong mga mata. I was staring directly into his eyes habang unti-unting pumapantay ang mga kilay niya. In his eyes, I can see my reflection: a worried boy trying his best to keep this guy safe. Then it seemed that everything was turning green.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko. Hindi iyon nakaligtas kay Drake.

"There you go again, Kahel. Look at me!"

He held my head as if forcing me to look him in the eye. Pinipilit ko pa ring umiwas habang tinitikom ang bibig ko. It has been months since the incident at school. Sinuswerte siguro talaga ako at never na akong sinumpong mula noong araw na iyon.

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon