Kahel
SOCIAL SKILLS—this refers to the ability to connect to other people using one's communication skills, charm, and other factors that would establish a network.
Wala ako niyan.
Kahit nagtratrabaho ako sa mall ay minsan, si Annie pa ang tinutulak ko na lumapit sa mga customer para i-assist sila. I started working at the mall's back end. Sa una ay puro ako desk job at pagbibilang ng inventory hanggang sa mapromote ako.
Isa pa, kung mayroon akong social skills, sangkatutak na siguro ang mga kaibigan ko. Pero madalas, pinipili ko ang mga pinakitutunguhan ko. I like to talk to people with the same social status as me. Naiilang kasi ako makipag-usap sa mga mayayamang estudyante o katrabaho. Una, baka hindi ko afford ang mga trip nila. Sapat lang ang kinikita ko pambayad sa tuition at ang sukli ay ipinapadala ko pa kay Mama. Ikalawa, hindi ko sila trip. May sarili silang paraan ng pakikipag-usap na ewan ko kung saan nila nakuha.
Gaya nitong si ungas. Ang galing mag-Ingles. Nakatuon sa kanya ang atensyon ng lahat habang panay ang paliwanag niya sa video na ginawa namin.
"So before anything else, Kahel here will not be speaking much because he is not feeling well," paliwanag ni Drake.
Nakabusangot ako sa kanya habang magkatabi kami sa harapan ng buong klase. Naka P.E. uniform kaming lahat. Orange ang suot naming t-shirt at shorts naman ang aming pangibaba
"Anyare, sa'yo Robinson?" usisa ni Mr. Castuera. Hindi lang siya ang nakatitig sa akin. Maging ang buong klase ay nakangiti sa amin ni Drake habang pinapanood kami.
"Napagod lang, Sir. Kakatakbo para sa project," tugon ko.
Biglang napataas ang isang kilay ng guro namin. "So kasalanan ko kasi nagpaproject pa ako?"
Takte talagang bibig 'to. Wala talaga akong social skills. Ipapahamak pa ako ng pagiging too honest ko.
"Hindi naman sa gannon, Sir—"
"Naulanan po kasi iyan kahapon," singit ni Drake. Wagas ang ngiti nito habang kinikindatan ang sangkaterbang estudyante sa harapan niya. "Nadiligan lang po."
Bigla silang nagtiliaan. Maging ang P.E. teacher namin ay biglang natawa. Nakatingin na silang lahat sa akin habang humahalakhak.
Tangina ka talaga Drake, may araw ka rin sa'kin.
Aambahan ko na sana siya ng hampas sa likod nang bigla niyang pinaandar ang video namin. Namatay ang ilaw at nagsimulang i-play ng projector ang project namin sa aming likuran.
"This video is a parody of some famous porn site," paliwanag ni gago. "Familiar ba kayo sa Czeck Hunter?"
Nagtawanan silang lahat.
Napataas ako ng kilay. Hindi ako pamilyar sa tinutukoy nila. Napatingin ako sa likuran ko. Sa video ay makikita akong tulog habang nirerecord ni Drake.
"Would you do it for 500 pesos?" sabi ng boses ni Drake sa video.
Hindi ako sumasagot. Mahimbing pa rin ang tulog ko.
"How about for 1000?"
Nakapikit pa rin ako sa kama. Makikita sa video na hinawakan ni Drake ang ulo ko at pinagalaw patagilid na tipong hindi sumsangayon
Lalong nagtawanan ang buong klase.
"Ang mahal mo naman," sabi ni ungas sa video. "Fine, here's 5000."
Biglang ang next clip ay ang mukha ko na tumatakbo sa soccer field. ' Yung itsura ko habang hindi ko alam na sa akin pala nakaharap yung camera na hawak ko habang nirerecord ko si Drake. Ang laki ng ilong ko, naka zoom-in ang mata ko, kita pa gilagid ko habang tumatakbo.
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon