Kahel
RATIONALIZATION—Isang uri ng defence mechanism upang maprotektahan ang ego ng isang tao. In Tagalog, pagdadahilan. Minsan, kapag naiipit tayo sa isang sitwasyon na hindi natin gusto o kaayaaya, may mga rason tayong ibinibigay to justify why we are in such situations. Or... in some scenarios... to escape them.
"Hindi nga puwede, Robinson," naiiritang tugon sa akin ni Mr. Castuera. Sinimulan na niyang itaktak ang stapler sa lamesa niya. "Ilang beses ka bang inire, bakit ang kulit mo?"
Nakatayo ako sa harapan niya. Sa likod ko ay sina Lance at Matthew na parehong nahihiya dahil sa suot nilang P.E. uniform. Bilang bagong transfer sa paaralan, wala silang ibang pagpipilian kundi ang tanggapin ang natitirang maliliit na shorts— the only ones left for new students such as them to wear. Masikip, hulmang-hulma ang kung anumang bagay na tinatakpan nila sa kanilang harapan.
"Pero, sir. Payag naman po si Matthew na siya na lang ang kapareha ko."
"Hindi dapat si Rodriguez ang tinatanong mo." Hinawi ako ni Mr. Castuera upang tignan si Lance. "Valderama, papayag ka ba?"
Agad kong nilingon ang ex ko. Nanlilisik pa ang mga mata ko upang sindakin ito.
Pero nakayuko lang si gago.
"Hindi po."
Buwiset talaga!
"Then, that settles it. The three of you, get out of my office and discuss with your partners how you'll work on the task."
"But..."
"No buts, Robinson. Sumunod ka o ibabagsak kita."
Marahan akong tumalikod. Naunang maglakad sa akin sina Lance at Matthew papunta sa pinto.
"Hoy, kayong dalawang transferee," sigaw ulit ng teacher namin. Napahinto kaming tatlo. "Mag jogging pants kayo next time, bakat na bakat ang mga talong ninyo, istorbo sa klase kanina."
Nakita ko kung paano biglang namula ang balat ng dalawa. Sabay nilang pinahaba ang mga t-shirt nila.
"Tsaka isa pa Robinson," natatawang tawag ni Mr. Castuera. "Make sure that Valentino has an excuse letter next week. Pang ilang absent na niya ito. Pagsabihan mo iyang boyfriend mo."
"He is not my—"
"He is not his boyfriend!" sigaw ng dalawang kasama ko bago pa ako matapos.
Natawa si Mr. Castuera sa reaksyon namin. Iwinasiwas niya ang kanyang kamay para bugawin kami palabas ng kuwarto.
"Halika nga rito." Hinatak ko si Lance papunta sa sulok pagkalabas namin ng opisina. Natulala maging si Matthew sa ginawa ko. "Mat, mauna ka na. Kakausapin ko lang ito."
"Sige, just shout if you need help." Sinimulang patunugin ni Mat ang mga kamao niya. "My fists have been itching to meet his face since last year."
Dinala ko si Lance sa ilalim ng hagdan. Tahimik lang si gago. Isinandal ko siya sa pader habang idinadantay ang mga kamay ko sa dalawang gilid niya upang hindi siya makatakbo.
"Well, now you want to talk?"
He was smiling. That familiar one-sided smile na may ganang makipag angasan sa akin.
"Anong problema mo, bakit ayaw mong makipagpalit kay Mat?"
Sinimulan niyang hawakan ang isang kamay ko, akmang aalisin ang pagkakakulong ko sa kaniya.
"K..."
"You won't get a way, gago!"
"Sino ba ang nagsabing gusto kong tumakbo?" Natanggal niya ang pagkakadantay ko. Hinawakan niya ang isa kong braso at hinila niya ako paakyat sa hagdan.
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon