Kahel
ORANGE—the color you get when you ccombine yellow and red. It's the color of my three most favorite things: the orange citrus fruit, fire, and the best of all, the sunset.
***
In the midst of chaos, I heard a thud.
Kusang bumagsak ang katawan ko. I was facing upward. All the hisses in my head started to fade. Ang berde at mga pulang liwanag sa aking paningin ay kusang naglalaho. Everything seems clearer but is starting to blur at the same time.
But something is wrong. My sight seems to have gotten worse. Ang lahat ay mas lalong lumalabo habang unti-unti akong nawawalan ng malay.
In front of me is Drake. Nakadapa na siya sa sahig habang nakaharap sa direksyon ko. Mula sa tagiliran niya ay naaninag ko ang pulang likido mula sa kaniyang katawan.
I started reaching for him.
Muhka siyang natutulog. I reached out my arms to his feeble body.
Magkasalubong ang mga kilay niya. Gusto kong patagin.
He looked so worried, dahil sa mga nasaksihan niya kanina.
Ano nga ba ang nangyari?
Wala akong maalala.
All I know is that while we were both on the floor, I was trying my best to move closer.
To touch him.
To stop his bleeding.
To make him feel not alone.
Just like when we were kids...
***
Naalala ko pa ang lahat. Nasa Tarlac ako noon. Kalagitnaan ng tag-araw, buwan ng Abril. Niyaya ni Senpai Kyosuke si Kuya Kalim na maglaro ng basket ball. Si Lila naman ay isinama ni Mama sa trabaho at iniwan nila akong mag-isa sa tahanan namin.
Nang mapansin kong wala ang kuya ko na dapat bantay ko, tumakas ako sa bahay. I headed to the first place I knew my mom would go every time she left home.
Sikat sa bayan namin ang pamilya ng mga Valentino. Mayroon silang malaking mansion sa tuktok ng burol na napalilibutan ng bakod na kulay ginto. Minsan nang nakuwento sa akin ni mama na dati siyang nagtratrabaho pa ra sa patahiaan nila until she became a full-time housewife.
Napadaan ako sa plaza. Nakita ko sina kuya Kalim at ang mga barkada niya.
Balak ko sanang makipaglaro ng batuhang bola sa mga bata sa kanto pero ilang silang lahat sa akin dahil sa dalawang dahilan.
Una, kakaiba raw ang kulay ng mga mata ko. Malayo sa mga mata ng mga kapatid ko. Ang aking mga mata ay kumikislap tuwing lumulubog ang araw lalo kung kulay kahel ang paligid.
Ikalawa, kakaiba ang kulay ng aking balat dahil nga may lahing dayuahan ang tatay ko. Hindi gaya ni Kuya Kalim at Lila na minana sa aking ina ang mga balat nila.
So I decided to keep on walking. Iniwan ko ang mga bata sa plaza na abala sa paglalaro.
I went up the hill.
Bilang minsan lamang makalabas, tuwang tuwa akong naglakad patungo sa magandang bahay na tanaw mula sa maliit naming baryo.
In less than an hour, I found myself in front of a golden gate. Sobrang taas ng pader na nakapalibot sa bahay na yari sa marmol.
Sa harapan ko ay mga rehas na kulay ginto. Sapat lamang ang ang mga siwang nito upang makita ko kung gaano kaganda sa loob. Sapat lamang ang espasyo sa pagitan ng mga bakal upang pagkasyahin ko ang payatot kong katawan.
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon