Chapter XX: Dead Air

849 50 22
                                    

Kahel

DEAD AIR—ito ang tawag sa biglaang katahimikan habang nag-uusap ang dalawang tao. Kung wala nang masabi ang dalawang taong nag-uusap, tanging patay na hangin na lamang ang umiikot sa pagitan nila. It can sometimes be referred to over the phone when the person on the other line has nothing else to say.

Parang ako. Nakatayo sa labas ng dormitoryo, walang masabi dahil nakalimutan kong kasama nga pala ng gamit ko ang susi ng gate namin.

"Bakit hindi ka pa pumasok?" tanong ni Drake. Nakasandal siya sa kotse niya habang tinititigan ako sa tapat ng dorm.

Sinusuklay niya ang kaniyang buhok makabawi man lang sa malaki niyang eye bags at sa suot niyang pajama. Isa-isa na niyang inaalis ang mga sticker sa damit niya na binili niya mula kay Annie.

"Naiwan ko sa locker ang susi ng dorm," tugon ko.

"Wala bang bantay ang dorm ninyo at hindi ka puwedeng papasukin?"

Napakamot ako ng ulo. Nilingon kong muli ang entrada. Napatingin ako sa lumang gusali sa harapan ko. Kung sa tutuusin ay papasa nang haunted house sa mga horror films itong dormitoryo. Isang ihip na lang siguro ay liliparin na ang isang dinding nito dahil sa anay.

Mumurahin lang ang dorm na nakita ko. Tipong papasa na siguro itong bedspacer sa sobrang simple nito. Wala akong choice. Kailangan kong magtipid para may pambili ng gamit sa paaralan.

Nilingon ko si Drake.

"Pampaayos nga ng butas sa kisame walang pampagawa ang may-ari, pampasuweldo pa kaya sa bantay?"

"Ha?" Hindi ako narinig ni ungas. Kumukuha siya ng damit mula sa trunk ng kotse upang palitan ang pantulog niyang pang-itaas. He removed his shirt at tumambad na naman sa harapan ko ang maskuladon niyang katawan.

Mabilis akong napatalikod.

"Wala, umuwi ka na. Hihintayin ko na lang ang butler mo."

Nakarinig ako ng kaluskos sa likod ko. Halatang may kinakalikot si Drake.

"Patay," bulalas niya.

"O, bakit?"

"Nakalimutan kong sabihin kay Alfred number 2 ang adres mo."

"E 'di, i-text mo na." Nilingon ko siyang bigla.

Itinaas niya ang cellphone niya. "Kaya nga... patay."

"Anong patay, ungas?" Nagsisimula na naman akong mairita sa kaniya.

"Patay na cell phone ko. Lobat na."

"Ulol! Full bat pa 'yan kanina. Kung ano-ano pa pinapatugtog mo sa kotse!"

"Oo nga Kahel, low battery nga!"

"Tangina mo! Alam ko na ang binabalak mo. Kilala na kita Valentino."

"Ano na namang ginawa ko, Robinson?"

"I-charge mo iyan sa loob ng kotse mo. Namoka, Drake. Alam ko na kung saan papunta 'yang binabalak mo."

Nakangiti lang sa akin si ungas. Kagat niya ang kaniyang mga labi at pinipigilan ang kaniyang mga tawa.

"Wala akong charging cord."

Sinungaling ang puta!

Malamang iyon 'yung kinakalikot niya kanina. Itinago o baka itinapon niya sa malayo.

"Ah, basta! Dito lang ako. Maghihintay na lang ako ng ibang tao na baka late ding umuwi."

"Kahel, suggestion ko lang—"

"Naku, naku. Ayan na tayo sa mga suggestion mo."

"Bigla ko lang naisip."

"Bigla mong naisip, your face!"

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon