Kahel
RETROUVAILLES—(French) the happiness that fills your heart when you meet someone after a very long time.
Tuluyan nang nakatulog si Drake sa hita ko. Nakataob sa dibdib niya ang libro habang mahina siyang humihilik. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Ang maganda niyang buhok na maayos ang pagkakasuklay habang nakadikit sa luma kong uniporme.
"Ahas?" ani ko. "Imposible. Mas maganda pa panigurado ang shampoo na gamit nito kesa sa binibili ko kay Aling Bebang."
Sa lalim ng mga iniisip ko ay hindi ko na napansin na hinahaplos ko na ang buhok niya. It's so soft and silky. Halatang pangmayaman. Mayroon pala siyang widow's peak na ngayon ko lang napansin kahahawi ko sa kaniyang noo. Bahagya siyang napatigil sa paghilik. Napangiti siyang bigla habang nakapikit pa rin. Inalis ko agad ang kamay ko.
"Baby, ituloy mo," nakagiti niyang saad. Tumagilid siya at humarap sa tiyan ko. "Itong buhok ko rin sa likod, ayusin mo."
Minsan nang naikuwento sa akin ni Tita Cherry, ang mommy ni Drake, na hirap sa pagtulog itong unico hijo niya. Nababalitaan ko rin kay Victoria na laging abala ito sa mga modeling jobs at iba pang trabaho sa kumpaniya nila.
Ang totoo niyan ay hindi ako naniniwalang nanggaling siya sa acting workshop kaya siya nawala ng isang linggo. Panigurado, lumipad na naman mula sa ibang bansa ang spoiled brat na ito.
Gigisingin ko na sana siya para makaunat ako nang may biglang nahulog na papel sa kaniyang likod na bulsa.
"Paris ticket?" bulong ko. Tatanungin ko na sana siya nang muli siyang humilik sa harapan ko.
Napatingin ako sa aking relo. Wala naman na akong sunod na klase. Ayos lang naman siguro na pagbigyan ko siya dahil isang linggo niya akong hindi pinagtripan.
"Bahala na nga."
Lumipas ang ilang minuto at hindi ko magawang galawin ang hita ko at baka magising siya. Nabuburyo na ako sa loob ng dark room at hindi ako sanay na walang mapag-abalahan.
Kinapa ko ang aking bulsa. May naramdaman akong malabot. Pabilog na mga goma. Nagliwanag ang mukha ko.
"He-he"
Meron akong naiwang mga lastiko sa bulsa ko na lagi kong itinatabi sa trabaho ko sa S.M. Ito ang ginagamit kong pantali ng mga perang papel sa counter ng mall.
"Tignan nga natin kung ahas talaga iyang buhok mo," pabiro ko pang sabi kahit alam ko namang imposible magkatotoo ang sinabi ni Lance.
Nagsimula akong mag-eksperimento sa buhok niya. Kinakabahan pa ako noong una kung gagalaw ba ang mga ito. Pero walang nangyari. Panay ang aking kalikot na parang naglalaro ng bahay-bahayan sa binatang katabi ko.
Huli na nang mapansin kong nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko. Itinali ko ang mga buhok niya hanggang sa magmukhang porcupine ang hairstyle niya.
Bigla siyang humikab, "Sorry, napasarap ang tulog ko."
"Okay lang-" Pinipigilan kong tumawa dahil sa itsura ni ungas. Nagmukha siyang batang babae na grade 3. Mas maganda pa siya kay Lila. "Wala ka bang pasok?"
"Pagod pa ako, e." Bumangon siya at umupo sa tabi ko. Pareho na kaming nakasandal sa salamin ng dark room. Idinantay niya ang ulo niya sa aking balikat. "Can I sleep more?"
Hinayaan ko lang siya. Kinuha ko ang cell phone ko ang kinuhaan siya ng litrato.
Tinatawanan ko ang mukha niya na kuha ko.
"Hey, is that-" Nakangiti na siya sa gilid ko. Nakatingin siya sa akin habang gulo-gulo pa rin ang buhok niya. Inilatag niya ang kamay niya sa harapan ko. "Let me see that, Kahel."
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon