Kahel
F*CK BOY—parang si Drake. Ito ang tawag sa mga lalaking walang magawa kundi maghanap ng makaka-one night stand. Naalala ko na naman ang itsura niya. Ang nakakainis niyang ngiti habang binabanggit ang pangalan ko sa mikropono.
"Asa ka pa, ulupong," bulong ko habang nagmamadaling maglakad.
Siyempre tumanggi ako sa trip ni Drake. Wala akong panahon para sa kalokohan niya. 'Tsaka, knowing that hot bachelor of the famous Valentino brand, hindi siya pumapatol sa lalaki. Lalo na sa closet gay na kagaya ko.
Napakamot akong bigla nang maalala kong muli ang ginawa niyang pag-anunsiyo sa mall kahapon. Lalo akong nainis nang maalala ang mga taong nag-video sa amin habang nagpapalakpakan silang lahat.
Ito na nga, dahil sa balahulang trending na video namin sa mall, ayaw akong tantanan ng mga ibang usiserong panay tanong sa akin sa trabaho simula kahapon. Akala ko ay mas ayos na kapag nasa paaralan ako. Pero heto ako ngayon, kanina pa pinagbubulungan, at usap-usapan sa loob ng kampus.
I took the day off from work. Naglalakad ako sa hallway patungo sa pinakaligtas na lugar na alam ko. Nakasuot ako ng itim na hoodie upang makaiwas sa kakaibang titig ng mga tao. Bakit ba kasi naimbento ang mga smart phones at lahat na lang ay kailangan i-video?
"Good afternoon, Raylleen," pagbati ko sa paborito kong librarian.
Bihira lang ang may nakakaalam sa tunay kong kasarian—si Annie na katrabaho ko at ang ilan sa aking mga kaibigan. Kung hindi siguro ako kilala ng mga kausap kong dalaga, iisipin nilang pinopormahan ko sila. Isa na rito si Raylleen. Kaharap ko siya ngayon sa kanyang lamesa. Ibinaba ko ang pandong ko, kinindatan siya bago ko inilagay ang dalawa kong daliri sa aking baba upang magpapogi sa kanya.
"Hey!" bulalas agad ni Raylleen. Napakalakas ng boses nito. Ang laki tignan ng kanyang mga mata dahil sa kapal ng suot niyang salamin. Kulot ang kanyang buhok at medyo may katabaan ang kanyang katawan. "Kahel, my baby!"
"Shhh!" sabay-sabay na pagsaway sa kanya ng mga estudyante. I like hiding in the library. Dito ako madalas pumunta kung gusto ko ng ganap na katahimikan. Kakaiba kasi ang silid-aklatan namin. Baliktad. Ang librarian ang maingay at palaging sinasaway ng mga estudyante.
Napatingin ako sa pader sa likuran ni Raylleen kung saan naka-display ang pangalan ng aming paaralan.
"Olympiada," bulong ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ako nakapasok sa pinaka prestihiyosong paaralan sa loob ng Intramuros. Nahahati sa dalawang class ang paaralan namin. Ang mga mayayaman na pera ang basehan ng grades at kaming mga scholars na sa talino lamang kumakapit. Kaming mga scholars lamang ang madalas rito sa silid-aklatan.
Gusto ko sa library, walang panahon ang mga estudyante rito para sa social media. Hindi nila pag-aabalahang panoorin ang trending video namin ng gagong si Drake sa mall habang niyaya ako nitong manood ng sine at pinapalakpakan kami ng mga tao.
"Same old?" tanong ni Raylleen. Mabilis ko siyang tinanguan.
"Do you have the key?" bulong ko kay Raylleen. Inabot ko sa kanya ang palad ko sa ibabaw ng tore ng mga libro sa kanyang harapan.
"Yes," hagikgik niya. Pinilit niyang bumulong dahil sumasama na naman ang titig sa kanyan ng mga estudyante. "So, did you go out with him yesterday?"
"Who?" Kunyari ay hindi ko alam ang tinutukoy niya.
"Kay Mr. Perfect Valentino." Napakagat siya bigla ng labi habang inaabot ang susing kailangan ko.
Umiling lamang ako.
"Buti naman, alam mo naman baka pinagtritripan ka lang niya gaya ng iba niyang ka-fling sa school."
"Oo nga eh, naubos na ata ang mga babaeng estudyante kaya ako na ang isusunod," tugon ko.
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon