Kahel
APHRODISIAC—foods that increase the sexual urge. Pampalibog na kadalasang kinakain ng mga elderly people who are having a hard time having sex. Some known aphrodisiacs are dark chocolates, wine, oysters, other seafood at marami pang iba. Minsan kong nabasa iyon sa isang libro.
Seafoods? May nalilibugan sa seafood? Inalog ko ang ulo ko habang tumatakbo.
Narating ko ang bahay na nakakatakot. Para sa iba ay mukha itong palayso. Gawa sa marmol ang labas. Kulay puti at berde ang pintura na parang laging bago. Kung tutuusin ay kasing laki ng Olympiada ang manision ng mga Valentino. Mas malaki pa nga ang lupain nila kung ikukumpara sa buong Intramuros. Napapalibutan ng bagong tabas na tapestry at mga bulaklak na halatang hindi basta-basta makikita sa Pilipinas.
"Para sa ikatatahimik ko."
Napalunok ako ng lawa. Hawak ko ang dalawang gintong rehas ng gate ng mansion habang para akong paslit na nakadungaw sa loob. Medyo may kalayuan ang pinakamalapit na bintana. Siningkitan kong maigi ang mga mata ko upang siguraduhin kung nagsasabi ng totoo si ungas na walang ibang tao ang sa bahay nila.
"Sinungaling talaga!"
Sa master's bedroom ay may nakita akong silweta ng isang babae. Nakatayo na tila may hawak na telepono. Palakad-lakad ngunit tila para siyang lumulutang dahil sa liit at bilis ng kanyang mga hakbang.
Napatingin ako sa doorbell. Pipindutin ko na sana nang mapansin kong may gulamaw na CCTV camera sa itaas.
"Hi," bati ko. Kumaway pa ako. Mas maigi nang makita ako ng kung sino mang bantay kaisa mapagkamalang magnanakaw sa tahanan ng mga Valentino.
"Master Kahel?" tanong ng pamilyar na boses mula sa speaker na katabi ng CCTV camera. May katandaan na ang tono at medyo magaspang.
Inalala ko ang pangalan ng taong nagsasalita. Minsan nang naipakilala sa akin ni Drake iyon noong mga bata pa kami.
Sabi ni ungas dati, kapangalan ng butler nila ang butler ni batman.
"Al–" Nasa dulo na ng dila ko at pilit kong inaalala. "Alfred?"
"Ikaw nga," tugon ni Alfred. Biglang naging masayahin ang tono nito nang makumpirmang ako ang kausap niya. "Kayong dalawa lang ni Master Drake ang tumatawag sa akin niyan."
Biglang bumukas ang gate. Mabagal at nakakatuwang pagmasmandan habang tumitiklop sa harapan ko na parang origami na gawa sa bakal.
"Pasok po kayo! Gusto niyo po bang tawagin ko si Miss Victoria?"
Bigla akong kinalibutan. Medyo sumakit ang pisngi ko. Naalala ko ang ginawa niyang pagsampal sa akin sa labas ng theatre.
"Naku huwag na!" Sinensyasan ko siya sa CCTV. Hininaan ko ang boses ko para walang makarinig sa akin mula sa mansion. "Alfred, puwede ba akong humingi ng favor?"
"Master Kahel—"
"'Tsaka huwag mo na akong tawaging Master. Hindi mo naman ako amo."
"Pero utos po iyon ni Master Drake simula noong mga bata kayo."
Ayan! Si ungas na naman ang may pakana. Noong huling pumunta ako rito ay dinukot ako sa mismong kinatatayuan ko ngayon.
"Anyway," pag-iba ko sa usapan namin. "Nasaan ka ba? Puwede ba tayong mag-usap nang personal? May pakiusap sana ako."
"Hintayin niyo po ako sa lobby."
"Ah, eh. Doon sana sa hindi makikita ni Victoria o ng kung sinumang nasa mansion ninyo."
Natigilan si Alfred. Rinig ko ang mahina niyang ubo na tila nag-iisip ng susunod niyang isasagot.
"Sa garden na lang po Master Kahel. Malapit sa gazebo na puno ng sunflowers."
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon