Kahel
FRENCH—the language of love. Matagal ko nang gustong aralin 'to pero wala akong oras. Pangarap ko kasing makapunta sa Paris at magpa-picture sa Eiffel Tower. Naalala ko na naman ang lugar na iyon habang nakatingin ako sa magandang kotse sa harap ko. Malamang yari sa France 'to.
Drake was staring at me from the driver's seat. Nakatayo lang ako sa labas habang nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako sa kanya. Ang sasakyang dala niya ay sports car na pula. Bagong modelo at mula sa isang sikat na brand. High-end ang exterior, maging ang interior ay hindi patatalo.
"Your car is too fancy," naiinis kong puna. Napakamot ako ng sintido. "Masyadong agaw ng atensyon."
"Do you want me to change cars?" Nakataas pa ang kanyang kilay na tila seryoso sa tanong niya. "Mayroong ibang sports car ako sa mansion, papalitan ko na lang kay Alfred."
"Dinamay pa si Alfred ampotek. Mag commute na lang kaya tayo?"
"Hindi puwede. Sayang ang porma natin," masungit niyang tugon. Nagsimulang magsalubong ang kanyang mga kilay habang nagkukuyakoy na sa puwesto niya.
Sa wakas mukhang naiinis na si gago. Kaunting asar ko pa rito at tatamarin rin ito na gumala pa kami.
"'Tsaka hindi mo pa sinasabi kung saan tayo pupunta," saad ko. Umupo ako sa upuan katabi ng puno. "May mga assignment pa akong hindi natapos kahapon."
"Kapag hindi ka sumama, babagsak ka sa P.E. class," diretso niyang sagot.
Napatayo ako sa upuan. Mabilis akong kinabahan. He used two of my most hated words in one sentence.
"Bagsak? P.E.?" pagtataka ko. "Anong ibig mong sabihin, ungas?"
"Kailan ka ba huling nag-check ng GC natin?"
"GC? Aling GC?"
"'Yung fanbase natin."
"Fanbasde? Ulol, kailan tayo nagka-fanbase?"
"'Yung GC sa Humanities. 'Yung Procreation/Recreation group."
Tangina. 'Yung group chat namin sa Humanities ang tinutukoy niya.
Sa inis ko sa GC na 'yun ay nakalimutan kong naka mute nga pala ito. Mabilis kong inilabas ang cell phone ko. Agad kong tinignan ang mga mensahe. Halos lumuwa ang mga mata ko.
"Takte, ano 'to?"
"Record our selves daw sabi ni Mr. Castuera. Kailangan naglalaro ng sports while wearing anything but sports wear."
"The hell? Bakit ganoon?" Ang lakas talaga ng trip ng teacher namin. Paglalaruin kami ng sports pero iba dapat ang suot. Last time, pinag-jackstone niya kami sa gitna ng SM.
"Ewan ko riyan. Para ata maiba."
Kinakabahan na ko. Aligaga na akong nakatayo habang iginagala ang mata ko kung saan may pinakamalapit na basketball ring.
"Kailan deadline nito, Drake?"
"Bukas."
"Ungas! Bakit ngayon mo lang sinabi?"
Nagsimula siyang tumawa. Pinaandar na niya ang makina ng sasakyan habang kinakawayan ako.
"Sabi naman sa iyo wala ka nang no choice, e. Tara na dali, puntahan natin ang soccer field sa kabilang bayan."
Tinitigan ko siya ng masama. Itinago ko ang cell phone ko. Padabog akong sumakay habang hindi inaalis sa kanya ang tingin ko.
"Plinano mo ito, 'no?"
"Anong plano pinagsasabi mo, labo?"
"Sinadya mong huwag sabihin kahapon para mapilitan akong sumama sa'yo."
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon