Chapter XXXIV: Pegasus

636 52 34
                                    

Kahel

PEGASUS—a winged horse in Greek mythology, usually represented as a white stallion. Poseidon, as horse-god, sired him, and the Gorgon Medusa gave birth to him.

Pareho na kaminig nakagapos ni Drake. May piring ang aking mga mata. Amoy malansa ang buong paligid. Sa paligid ko ay nakakarinig ako ng alon. Ramdam kong gumegewang ang buong paligid. Para kaming nakasakay sa barko.

"Kahel, are you okay?" rinig kong tawag ni Drake mula sa kaliwa ko.

"Ayos lang ako," saad ko. "Ikaw? Sinaktan ka ba nila?"

Hindi siya nakasagot. Sunud-sunod ang kanyang ubo. Naalala ko ang sakit niya at ang malalang maghing dulot nito.

"Tulong!" I screamed. "Hindi siya puwede rito. May sakit si Drake!"

Nakarinig ako ng bumubukas na pinto na tila yari sa bakal. Kasunod noon ay mga yabag na tumakbo sa puwesto ko.

"Manahimik ka nga!" sabi ng isa sa kanila. "Mabubuhay pa itong kasama mo hanggang dumating ang pera namin!"

Kasunod noon ay mga halakhak. Pero rinig ko pa rin ang ubo ng kababata ko. Halatang wala silang ginagawa at tinititigan lamang itong sumpungin ng sakit niya.

Mabilis silang umalis sa tabi namin. Agad akong gumapang patungo sa inuubong bata hanggang sa maramdaman kong magdikit ang mga balikat naming dalawa. Naramdaman ko siyang nakadapa.

"Drake, hinga ng malalim!" bulalas ko.

Isinungkit ko ang baba niya sa aking balikat upang tulungan siyang mapaupo. Buong puwersa ko siyang inalalayan hanggang sa masigurado kong nakasandal na siya sa posteng nasa likuran namin.

Unti-unti nang humihina ang mga ubo niya.

"Thank you, Kahel."

"Don't worry. Paniguradong may tutulong sa atin."

Biglang ang may lumapit tao sa amin.

"Pare, wala nang piring itong isang bata!"

"Ha? Pano niya naalis iyan? Hindi ba sabi ko sa inyo takpan niyo nang mabuti!"

"Baka naalis kakaubo niya? Kanina pa siya nadapa diyan sa sahig!"

"Mga wala talaga kayong kuwenta!"

Gusto ko na ring alisin ang piring ko. Pero nakagapos ang mga kamay ko. Ramdam kong patakbo na silang lahat sa puwesto namin upang takluban ang ulo ng kasama ko.

"Teka lang po, hindi ba ikaw iyong barangay tanod na bumibisita lagi sa bahay namin?" rinig kong tanong ni Drake.

Mabilis akonog kinabahan. Sa mga inosente niyang tanong na iyon ay alam ko na ang kahihinatnatnan naming dalawa.

"Takpan niyo ang buong ulo niyan!"

"Boss, paano 'to? Nakilala na niya tayo?"

"Kasalanan niyo itong lahat!" Kasunod noon ay nakarinig ako ng kaluskos. "Ilaglag niyo na ang mga bata. May pakunswelo naman na tayo!"

"Hey! Tito Martin made that statue! Give it back!" bulalas ni Drake.

"Drake," bulong ko. Iniharang ko lalo ang katawan ko sa kaniya. "Huwag mo na silang lalong galitin. Baka totohanin nila ang pagtapon sa atin."

"Anong totohanin?" halakhak ng isa sa kanila. "Itatapon talaga namin kayo."

Mabilis silang lumapit sa amin at kinalagan kaming dalawa.

Mabilis na nagsitayuan ang mga balahibo ko. "Huwag po, parang awa niyo na."

Kasunod noon ay malalakas na halakhak. Iniwan nila kami ni Drake sa sulok kasama ng estatwang pinipilit abutin ng kasama ko. Alam nilang wala naman kaming tatakbuhan sa lugar na pinagdalhan nila sa amin.

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon