Kahel
CLOUT CHASER — mga taong gagawin ang lahat para sumikat. As in lahat, even the pettiest of things. Maging magpanggap bilang ibang tao. Kadalasan ay gumagawa sila ng mga bagay na huwad para sa ikaliligaya ng mga taong nakapalibot sa kanila. They do this for the sake of validation, for self gratification, to please others, and for a sense of belongingness.
Minsan sa ginagawa kong pagpapanggap ay hindi ko alam kung isa nga ba ako sa kanila. Sa totoo lang ay ayaw ko ng atensyon. Gusto ko huwag mapansin. Ayaw ko ng gulo. Gusto ko ng tahimik na buhay sa bagong paaralan ko.
"Kahel, ayos ka lang?" bati ni Victoria nang dumating ito sa tagpuan namin.
"Ah, oo naman! Nandyan ka na pala!"
Bumalik ang diwa ko nang iwinasiwas ni Victoria ang kamay niya sa mukha ko. Nginitian ko siyang bigla. Napatingin ako sa aking relo, eksaktong alas sais ng gabi. Sa totoo lang ay first time kong makipag-date sa isang babae. Hindi ko na naisip mag-research kung ano ang kadalasang sinasabi ng isang lalaki sa mga babaeng ka-date nila. Hindi kasi ako makapag-sip nang maayos kahapon habang pinuputakte kami ni Drake ng chismis sa group chat kagabi.
"Kanina pa ako nandito. May problema ka ba?"
Napagpasyahang kong itikom na lamang ang bibig ko. Mas maigi nang wala akong masabing mali. Nginitian ko lang ulit si Victoria. Napakamot ako ng aking ulo bago naunang naglakad sa kanya.
"Tara na," yaya ko.
"Tignan mo ito, hindi mo man lang ba pupurihin ang itsura ko?" bulalas ni Victoria. Agad niyang hinawakan ang kamay ko. Napaharap akong muli sa kanya.
Pinagmasdan ko siyang maigi. Mula ulo hanggang paa. Napansin ko ang bago niyang hairstyle. Ang kulot niyang buhok na halatang bagong salon at mga brand ng treatment na ginamit sa buhok niya.
"Bagay sa iyo ang mahogany highlights with burgundy sa edges."
Ang makapal niyang make-up na maayos ang pagkaka-contour.
"Tapos, gusto ko 'yong pagkaka-blend mo sa ilalim ng cheekbones mo. You look sexy."
Maging ang sleeveless niyang damit na pinaghalong magenta at cornflower blue.
"Bagay sa iyo ang suot mo," dagdag ko. "Sa aisle number two mo iyan nabili ano. Near the lingerie section?"
"Ha?" Nakanganga si Victoria sa harap ko. "Bakit ang dami mong alam tungkol sa mga pambabae. Don't tell me you're—"
Tangina talaga Kahel. Sa lahat ba naman kasi ng mayaya itong genius na ito pa.
"Chick boy kasi ako!" halakhak ko. "Madalas akong isama mag-shopping ng mga dati kong girlfriend. 'Tsaka, hindi ba sa mall ako nagtratrabaho?"
"Ows?" pagtataka ni Regina. "Hindi mo pa nga sinasabing maganda ako today, eh."
Tanginang 'to! Inisa-isa ko na nga.
"Palagi ka namang maganda," nakangiti kong sambit. Napakamot ako ng sintido. "But yeah, you look extra special today."
Kinagat ko ang ibaba kong labi. Siningkitan ko ang aking mata. Inangasan ko ang aking tayo habang marahan ko siyang kinindatan.
Nakita ko kung paano mamula ang mga pisngi ni Victoria. Mabilis siyang napatalon sa akin at niyakap ako. Nagatatalon siya sa harap ko habang ramdam ko ang malambot niyang dibdib sa aking harapan.
"That's more like it!" bulyaw ni Victoria.
Nakangiti lang ako sa kanya pero nakatayo na lahat ng balahibo ko. Mukhang gusto ring lumabas ng kinain ko kaninang tanghali pabalik sa aking bibig. Nanginginig ang kalamnan ko habang nililingkisan niya ang aking braso. Para akong robot kung maglakad patungo sa theatre.
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon