Chapter XXI: Kaibigan

867 53 60
                                    

Kahel

KAIBIGAN—The definition of a friend is too subjective. Some consider those who correct their mistakes to be their friends. Some refer to friends as those who let them make their own mistakes. Iba-iba ang kahulugan. Depende sa tao. Para sa akin, ito ang mga taong maasahan mo. Those people who would stand up for you through thick and thin.

Sino nga ba ang maituturing kong kaibigan ko?

"So, do you wanna sleep on the right side of the bed or the left side?" nakangiting tanong ng ungas na si Drake.

Pareho kaming nakatayo sa paanan ng kama. Pinapatuyo ko ang basa kong buhok dahil katatapos ko lamang mag-shower.

Siya naman ay may tuwalyang nakasabit sa kaniyang balikat habang may iniinom na dalawang lata.

"Anong iniinom mo, Valentino?"

"Pineapple juice."

Napapikit ako. Napakamot ako ng aking noo. Nakarinig ako nga binubuksang candy. Tinignan ko siya ulit. May isinusubo siyang dalawang piraso.

"E, iyan?"

"Snowbear candy."

"Tangina ka talaga, Drake!"

Sinumulan ko siyang tadyakan pero naiiwasan niya ang mga sipa ko.

"Ano bang iniisip mo?" tumatawa niyang tanong. "Buong araw akong walang kain at ito lang ang laman ng drawer ko."

Tinigilan ko na siya. Kahit alam ko naman talaga kung para saan ang mga iniinom at kinakain niya.

"Hindi 'yan effective," bulong ko.

"Effective saan?" He's still in denial.

"Hindi tatamis ang katas mo."

"Wait, how did you know these things?"

I'vre read abnout those stuff. But he doesnt need to know that. Napabuntong-hininga ako. Dumiretso ako sa sala. Nakasunod lang sa akin si Drake habang binubuksan pa niya ang isa niyang pineapple juice.

"Come on, Kahel. How did you know?"

"Basta!"

"Hindi ako makakatulog nito, paano mo nalaman?"

Walang laman ang ibang drawer niya. He was pestering me with questions. Hindi niya ako tinitigilan hanggang sa magpanting na ang tainga ko.

"Because hindi lang ikaw ang fuck boy na kakilala ko."

"Ha?"

Binalikan ko ang mga drawer. May nakita akong pasta. "My ex, was a fuck boy. He used to drink that too, a lot."

"Your ex?"

"Yeah, my good for nothing ex named—"

Natigilan ako nang biglang nag-ring ang doorbell. Iniwan naman niya akong bigla para buksan ang pinto na siyang nagpaligaya sa akin. Binalikan ko ang mga aparador. May nakita akong pesto at tuna.

"Here," sabi ni Drake. Nakabalik na siya sa kusina. Hawak na niya ang bag ko. "Hinatid ni Alfred number two from Ocean Park."

"Ilapag mo lang diyan." Hinarap ko siya. Bitbit ko ang ilang pasta, tuna at pesto na tila naghahakot sa kusina niya.

"Oh, you want those? Sure, you can take them home."

"Gago! Nagugutom na ako. Magluluto ako."

"Ang daming pagkain sa ref, mahal." He smiled as if sinasadya niya 'yung huling sinabi niya.

Napakagat ako ng labi. Inalog ko ang aking ulo. Hindi ko pinansin ang huling salitang binanggit niya. "Bakit ngayon mo lang sinabi na may pagkain ka sa ref, unggoy?"

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon