Chapter VII: Masochist

1.2K 94 62
                                    

Kahel

MASSOCHIST—ito 'yung nga taong gustong laging nasasaktan. They find pleasure in pain. It's not a term specifically used in sex. It can actually be referred to by anyone. Gaya na lang ng mga taong paulit-ulit ba bumabalik sa mga ex nila kahit ilang beses na silang nasasaktan.

Tirik na ang araw sa labas. Madaling-araw na ako nakatulog kakaisip sa kausap ko sa telepono kagabi. Kinapa ko ang aking cellphone. Sa screen nakalagay ang nine missed calls ni ungas. Mayroong alas-dos ng madaling araw at mayroon ding alas-singko.

Sa sobrang puyat ko, nakalimutan kong isirado ang bintana ng kuwarto. Lumilipad ang kurtina papasok sa loob at umaalingasaw ang amoy ng tanim naming ilangilang sa labas ng bahay. Medyo maliwanag na ang sikat ng araw senyales na tanghali na ako nagising.

Tinignan ko ulit ang cell phone ko upang i-subtract ang oras nang huli naming pag-uusap sa kasalukuyang oras. Kadalasan kong binibilang ang oras ng tulog ko. Doon ko kasi pinagbabasehan kungmatutuwa o mabubuwisit ako ngayong araw.

"Apat na oras! Tangina ka talaga, Drake."

Muli akong nagtaklob ng kumot. Ako naman ang tumulong maghugas ng plato kagabi, kaya siguro ay ayos lang na si Lila naman ang maghanda ng almusal kasama si mama.

Nakarinig ako ng parang tunog ng kumpol ng nga ahas. Mabilis akong napabalikwas. Pagtingin ko sa labas ay hinahangin lang pala ang mga dahon ng puno, creating that hissing sound.

"Oh? Nandito ka rin? Wala bang tao sa inyo?"

Narinig ko ang boses ni mama mula sa bintana. Papikit na ulit ako nang umalingawngaw ang pamilyar na nakakainis na tawa. Ang halakhak ng taong pumuyat sa akin kagabi.

"Hi, tita. Puwede po bang dito muna ako makitulog? Nakalimutan ko po kasi ang susi sa bahay namin at nakabakasyon din po ang mga katulong."

Si ungas!

Mabilis akong napabalikwas. Para akong ninja na tumalon sa kama patungo sa pinto. Napakagat ako ng labi habang pinagdarasal na ipagtabuyan ni mama ang masamang espiritong nais pumasok sa bahay namin.

"Oo naman, Drake. Ikaw pa ba. Hindi ka na iba sa amin. Alam ba ni Kahel na darating ka."

Ma, may bahan 'yan. Ano ba!

"Opo, puntahan ko na po siya sa taas."

Buwiset!

Sinigurado kong kandado ang pinto bago ako bumalik sa kama ko. Nang makahinga ako nang maluwag ay umupo na ako sa kutson.

Alam ni mama at ng mga kapatid ko ang ugali ko. Buhat nang madukot ako noong kami ay mga bata pa, madalas na akong magkandado ng pinto. Sa tuwing naka-lock ako sa loob, nasanay na silang iniiwan akong mag-isa dahil mas napapanatag ako sa ganoon. Being alone was my coping mechanism. Sa sitwasyon ko ngayon, sa oras na malaman ni mama na nag-lock ako, paniguradong sa ibang lugar niya patutulugin si ungas.

"Ah, tita. Puwede pong pahiram ng susi. Sabi kasi ni Kahel sa telepono kagabi kunin ko raw ang susi sa inyo at sira ang pintuan niya."

Punangina ka talaga, Valentino! Napakasinungaling mo!

Napatingin ako sa buong kuwarto. Nagkalat sa mga pader ang larawan ng modelong hinahangaan ko. Isa-isa ko silang pinag-aalis. Para akong batang mangiyak-ngiyak dahil halos mapunit ko na ang iba. Inisip ko na lang na mas malala ang pang-aalaskang aabutin ko kung sakaling makita niya ang mga ito.

Ilang minuto akong tulala sa pinto. Yakap ko ang mga poster na pinilas ko mula sa mga pader. Hinihingal pa ako habang nag-aabang ng kulansing ng susi na magbubukas sa aking pintuan.

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon