Kahel
NEPOTISM BABY—ito 'yung tawag sa mga anak mayaman. Mga taong pinalad dahil sa tamang petchay lumabas. Most of the time, they don't even have to work anymore. Things are already provided for them at birth. Minsan ay naiingit ako sa kanila. Pero madalas ay nagpapasalamat ako dahil I learned to be independent because of being born poor. Gaya ngayon.
Tuyong isda ang ulam. May dilis at itlog na maalat sa gitna ng lamesa. Nanlilisik ang mata ko kay Drake habang puro scrambled egg lamang ang nilalantakan niya. Hindi ko pa rin matanggap na sa kuwarto ko siya matutulog. Ilang araw na akong hindi nakauuwi rito at mukha na naman niya ang makikita ko. Kailangan ko siyang mapalayas sa kahit anong paraan.
"Ma! Sabi ni Drake, hindi raw masarap ang luto mo!" biglang kong sigaw.
Napanganga sa akin si gago. Puno pa ng kanin ang kanyang bibig. Hindi agad siya makapagsalita. Panay siya iling habang kinukuha ang tubig ko upang makalunok. Agad kong itinago ang baso ko kaya mabilis siyang nabilaukan. Inabutan siya ni Kuya Kalim ng juice na agad niyang tunungga.
"Hindi po iyon totoo, tita," pagtanggi ni ungas. Umuubo pa ito habang nagkalat ang mantika sa kanyang pisngi. "Nakalimang kanin na nga po ako, e."
"So bakit itlog lang ang tinitira mo? Hindi ka kumakain ng tuyo? Ang arte mo talaga, Valentino."
Hindi siya sumagot. Napanguso lang siya habang nakatitig sa harapan ko. Natatawa naman si kuya sa tabi niya. Si Lila naman ay abala sa pag-ubos ng paborito kong dilis dahil alam niyang nasa iba ang atensyon ko.
"Isa ka pa!" bulyaw ko kay Lila. "Ginawa mo nang kanin ang isda!"
"Kahel, tama na 'yan," saway sa akin ni mama. Lumabas ito galing kusina at naghain ng isa pang plato ng itlog at dilis. "Hayaan mo lang silang kainin kung ano ang gusto nila."
Sabay akong dinilaan ni Drake at ni Lila. Nag-apiran pa sila na parang natutuwa sa sinabi ni mama.
"Aray!"
Sinipa ko si Drake sa ilalim ng lamesa. Nilakihan ko siya ng mata na agad nagpatiklop sa kanya. Nang nasigurado kong nakabawi na ako ay bumalik na ko sa sinangag ko. Nakangiti kong nilantakan ang luto ni mama na minsan ko na lang matikman sa isang buwan.
"Nasaan na ang kapatid mo, Drake?" tanong ni mama. "Sabi ni Lila sa akin kahapon, may kapatid ka raw na babae?"
"Nakutita, pinaiyak ni Kahel noong isang araw."
Ako naman ang naubo. Bumabawi talaga si gago. Kukuha rin sana ako ng maiinom nang makita kong nasa harap na ni ungas ang lahat ng baso.
"Sabihan ba naman niya si Vitoria na ayaw niya sa mga bakla," dagdag pa ni Drake.
Agad akong tumayo at nagpunta sa kusina. Tinungga ko ang galon ng tubig bago pa ako maubusan nang hininga. Sinamantala ni ungas ang pagkakabilaok ko upang ikuwento niya sa pamilya ko ang lahat ng nangyari sa play.
Pagbalik ko sa sala ay nakatingin silang lahat sa akin. The look of disappointment in their eyes as they watched me return to my seat. Except for Drake. Nakangiti lang si gago habang nilalantakan ang pangalawang plato ng itlog.
"Why would you say that, Ed?" tanong ni Kuya Kalim. Umiiling lang ito habang nakayuko sa plato.
"Hayaan mo na Kalim. Napagsabihan ko naman na rin iyan kahapon," dagdag ni mama. Hinawakan niya ko sa ulo sabay pahid sa buhok ko. "I'm sure Ed has his reasons."
Her words were always comforting. She always understands me, no matter what. I never told them about the bullying in high school. Hindi ko na gustong dagdagan ang iniisip nila tungkol sa social anxiety ko mula noong kabataan ko.
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon