Good bye
Samantha's POV
Hanggang ngayon iniisip ko parin siya, dalawang linggo na ang nakalipas simula nang tapusin ko na ang relasyon namin. Pero hanggang ngayon nasa isip ko parin siya, nasa puso. Gusto kong makalimot. Gusto kong mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko. Gusto ko mag move-on. Gusto kong kalimutan ang lalaki na sumira ng puso ko. Ang kaisa-isang lalaki nag sinaktan tong feelings ko. Gusto kong ibaon sa limot ang lahat ng mga masasayang alaala namin habang kami pa. Gusto ko manahimik ang buhay ko, gusto kong pumatay.
I've decided na mag stay muna sa Canada for three months. Nag pa-book na ako, at bukas na ang alis ko.
Hindi ko alam kung magpapahatid pa ba ako kay mommy or wag na. Hindi ko alam kung mag-isa lang ba akong aalis. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam.
Gusto kong malaman niya na aalis ako, pero napaisip ako. Pakielam niya ba kung aalis ako? Eh hindi niya na nga ako mahal, kasi may mahal na siyang iba. Siguro nga habang wala ako naka-move on na siya. Kahit alam niyang kami parin, siguro habang wala ako matagal niya na akong pinagtataksilan.
Naalala ko nung graduation day namin, sabi niya saakin baka daw maka hanap ako ng iba sa Canada, pero siya pala tong gago na may iba na. Ang tanga tanga ko naman kasi e, bakit ba kasi ako nagpadala sa mga sinabi niya noon. Bakit ba ako naniwala na mahal niya ako, e niloloko niya lang pala ako.
Ang sakit, sobrang sakit na malaman kong may iba na siya, lalo na at ex-girflriend pa ni kuya.
Gusto kong kausapin siya at tanungin kung bakit niya nagawa sakin 'to. Pero, wala akong lakas ng loob para kausapin siya. Natatakot ako na baka masaktan lang ako lalo kapag kinausap ko siya at marinig ang katotohanan.
Kapag lumipad ako papuntang Canada, kakalimutan ko na talaga siya. Mag mo-move on ako.
Ayoko na, ayoko nang masaktan ang puso ko. This heart wants revenge.
6pm na pala ng lagay na to, kalahating oras na akong nakatunganga dito at nag mumukmok sa taong sinira ang puso ko.
Tss, bakit ba kasi nauso ang love na yan? Edi sana, walang taong nasasaktan sa tuwing iniiwan sila ng taong mahal nila. Edi sana hindi na nauso ang salitang 'move on' at 'let go' hay, ang pag-ibig nga naman, sobrang complicated.
7pm nang matapos akong makapag impake ng mga gamit ko. My things are ready, I'm ready.
Excited na akong umalis, excited na akong kalimutan ang lahat. Kung pwede lang na magka amnesia ako e, sana nagawa ko na.
••
Maaga akong nagising, 5am pa lang gising na ako. Maaga akong naligo, maaga kasi ang flight ko. 10:50am. Ayokong ma-traffic, ayokong ma-late sa flight ko.
6am nang matapos ako sa lahat ng gawain ko, kaya nag pasya ako na kumain muna ng almusal.
"O ija, ba't namamaga ang mata mo?" tanong saakin ni manang, oo nga pala. Hindi nila alam ang nangyari saakin.
Kahit si mommy, daddy at kuya hindi alam. Kahit mga kaibigan ko. Ang sinabi ko lang sakanila, mag liliwaliw muna ako sa Canada. Hindi na naman sila nag tanong pa kung bakit.
Ngumiti ako kay manang, "Ah, wala po ito. Kinagat po kasi ako ng ipis." mukhang hindi kumbinsido si manang sa sagot ko kaya ngumiti na lang siya, "Osige, kumain ka na dyan."
Ang tagal naman nila mag bihis, thirty minutes na akong naghihintay dito sa sala. Sabi kasi nila ihahatid nila ako, kaya um-oo na lang ako.
"We're ready." sabi ni mommy, "Oh God, after 45 years naka labas din kayo. Let's go malelate ako sa flight ko, ma."
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover