Lalayo
Samantha's Point of View
Dumeretso higa agad ako sa aking kama. Sobrang daming nangyari ngayong araw na 'to. Pagod na pagod ako. Sumakit ang puso ko nung pinaalis niya ako sa bahay niya. Pero tanggap ko naman 'yun. Siguro ay nasaktan lang talaga siya sa mga sinabi ko kanina. Siguro ay hindi na ako susuyuin nun. Siguro ay titigilan niya na ako. Siguro ay dapat na din akong tumigil sa kahibangan ko na ito.
Hindi ko na siya ulit kakausapin, hindi ko na siya titignan. Kasi baka magkaaway pa sila ni Jane. Mukha naman siyang seryoso kay Jane. Baka ako lang talaga tong ambisyosa, umaasa na mahal niya parin ako. Baka, sinasaktan niya lang ako. Pinagtritripan. Sabagay, Christian's a jerk. Hindi malabong gawin niya ang mga bagay na naiisip ko.
Siguro nga'y dapat ay pag tuonan ko na lang ng pansin si Dino. Tutal siya naman ang boyfriend ko ngayon. Siya dapat ang bigyan ko ng pansin hindi na ang nakaraan ko.
Naligo ako sandali, at humiga na muli sa kama. Tinext ko si Dino.
Ako:
Good mornight, Dino! I love you. Alagaan mo sarili mo.
Unang beses kong mag 'I love you' sakanya sa text message. Sign na kaya ito para seryosohin ko siya? Sign na kaya ito para tignan ko kung mag work out kaming dalawa? Ewan ko.
Maaga akong nagising, kinapa ko ang cellphone ko at binuksan ito. Bumungad ang napakaraming text messages ni Dino saakin.
Dino:
Good morning, baby ko. Gising ka na ba?
Dino:
Huhu mukhang tulog pa ang babe ko, sige hihintayin na lang kitang magising. I love you!
Dino:
Pag nagising ka kumain ka ng breakfast ha. May pasok pa naman tayo. Ingatan mo sarili mo.
Dino:
Kinilig ako sa 'I love you' mo saakin.
Napangiti naman ako sa mga mensahe na ipinadala niya saakin. Kaya agad naman akong nag reply.
Ako:
Hello, kakagising ko lang. Maliligo lang ako tapos kakain ng breakfast at aalis na. Nasa school ka na ba?
Agad agad siyang nag reply.
Dino:
Very good. Oo, nandito na ako sa school. Sorry babe, hindi kita nasundo ha. Babawi ako mamaya. I'll treat you later.
Ako:
Asus. Okay lang yun no. Sanay naman akong mag commute. 'Wag ka nang mag-alala saakin.
Isang oras ako nag prepara para sa school, agad agad akong bumaba ng hagdan para kamustahin sila manang. Naupo na ako sa dining table, at kumain na.
"Manang, mauna na po ako. Maaga pa kasi yung klase ko. Mag iingat po kayo dito. Pakisabi na lang kay kuya na nauna na po ako." Ngumiti na ako sakanya, "Osige iha, mag ingat ka" aniya.
Pumasok na ako sa classroom at naabutan ko ang professor namin "Sorry sir, I'm late." sinuri niya ako ng mabuti, "Sit down."
Naupo na ako sa tabi ni Dino, "Bakit ka late?" tumingin ako sakanya, "Ang tagal ko kasi nakapag prepare e. Sorry." ngumiti siya, "Okay lang yun, ayoko lang kasi na napapagalitan ka ni sir. Terror pa naman 'yan."
Dumeretso na kami sa canteen ni Dino, umorder na siya ng aming kakainin habang ako ay abala sa mga paper works na dapat kong tapusin.
"Kain ka muna." Aniya, "Okay. Salamat."
"Ano ba yang ginagawa mo?" tanong niya saakin, "Yung mga paper works na dapat ko ng ipasa."
Abalang abala ako sa pag sulat nang biglang dumaan sa gilid namin sina Christian at Jane. Hindi naman ako nag-react dahil nangako ako sa sarili ko na hindi ko na sila papansinin at lalayo na ako.
Kailangan kong mamuhay ng normal, hindi sa lahat ng oras ay nakadepende ako kay Christian. Hindi sa lahat ng oras ay sakanya umiikot ang mundo ko, na siya ang laging iniisip ko. Baka nga, tama sila hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Masaya na siya kay Jane, kaya dapat ay maging masaya na lang ako para sakanila.
"You okay?" Tanong saakin ni Dino, "Yeah. I am okay. Tara? Ikot muna tayo sa campus, ang boring dito sa canteen e. Tutal naman ay tapos na ako sa mga ginagawa ko. Samahan mo na lang ako mamaya mag pasa." ngumiti naman saakin si Dino at tinulungan akong ayusin ang aking gamit, "Yes boss."
Magkahawak kamay kami habang naglalakad, medyo awkward pero dapat ay masanay na ako. Dahil ganito naman ang ginagawa ng mga magkarelasyon hindi ba?
"Dino," napatingin siya saakin, napakaganda ng pilikmata niya, mahaba ito. Ang kanyang mata ay color brown, ang kanyang panga ay kapag hinawakan mo ay parang masusugat ka dahil matulis ito. Ang kanyang buhok, ay sobrang ayos. "Hmm?" hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya, "May naalala ka ba?" ngumiti siya, "Ano yun?" tumawa ako, "Lilibre mo ako ng dinner mamaya." Nagtawanan naman kaming dalawa.
5pm ang tapos ng huli kong klase, at nakita ko si Dino na nag aabang sa labas ng room namin. Hindi ko kasi siya kaklase sa subject na 'to.
"Let's go?" inalis niya ang pagkakabulsa ng kamay niya at hinawakan ang kamay ko, tumango naman ako.
Pinindot niya na ang sasakyan niya, at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse, "Thank you."
Ilang minuto lang ang naging byahe namin at nakarating na kami sa destinasyon namin. Sa MAX's Restaurant.
Agad kaming pumasok sa restaurant at itinuro ng waitress ang table for two. Binigyan niya kami ng menu, at nagsimula nang mamili ng aming kakainin.
Medyo matagal ang order sa MAX's kaya naman naisipan namin na mag twofie muna. "Babe, one two three.. Smile" iba't ibang pose ang ginawa namin, may normal at may wacky. Meron din yung naka halik siya saaking pisngi. Kinuryente ako sa ginawa niyang paghalik saaking pisngi. Pakiramdam ko ay namumula na ako.
"I'll upload this on Facebook right now. Tutal naman ay naka 3g ako." ngumisi siya.
Habang nag iintay ng order ay nag decide akong mag Facebook muna dahil titignan ko ang pinost niya. Nakita ko ang Facebook post niya n umabot na agad ng 200 likes. At ang caption niya dito ay 'Dinner date with my girl.'
Napangiti naman ako sa kanyang caption kaya agad akong nag comment 'Aw sweet naman ni boyfriend!'
"Eto na po yung order niyo ma'am and sir" sabi ng waitress saamin at inilagay na ang mga inorder namin na pagkain.
"Dino, cr lang ako ha." tumango naman siya saakin.
Dumeretso na ako sa cr, nag re-touch muna ako. Naglagay ng pulbos at inayos ang mahaba at wavy kong buhok. Inipit ko saaking tenga ang akong side bangs at ngumiti sa harap ng salamin.
Lumabas na ako ng comfort room at nagulat ako dahil nakita ko si Christian na nakasandal sa pader.
Humarap siya saakin, "Iniiwasan mo ba ako?" ngumisi ako, "Tss, napaparanoid ka lang. Hindi ako umiiwas sayo."
Inilapit niya ang mukha niya saakin, "Eh anong 'yang ginagawa mo?" inirapan ko siya, "Okay fine, lalayo na ako sayo simula ngayon. Ayoko na ng gulo, okay?"
Iniwan ko siya dun at pumunta na sa table namin ni Dino para kumain.
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover