31.

77 4 5
                                    

Ikaw Lamang

Gabi na, at hinihintay ko maka-uwi si kuya mula sa kanilang pagkikita ni Jane. Nag-aalala ako, kasi hindi pa din nagtetext si Jane saakin kung ano na ba ang nangyari sa usapan nila ni kuya.

Agad akong nag tipa ng mensahe kay Christian.

Ako:

Nag text na ba sa'yo si Jane?

Christian:

Hindi pa e. Bakit?

Ako:

Wala pa kasi si kuya dito, ano kaya sa tingin mo ang nangyari? Nagka-ayos kaya sila?

Christian:

Hintayin na lang natin, magiging ayos din ang lahat. Don't worry :)

Habang nanunuod ako ng tv sa sala ay nagulat ako dahil, biglang bumukas ang pinto, ang lakas nang pagkakabukas. Nakita ko si kuya na gegewang-gewang doon, pinunasan niya 'yung mata niya, tinignan ko ang oras, 12am na.

"Kuya!" tawag ko sakanya, agad ko siyang nilapitan para alalayan.

"Wala na," naupo siya at pinunasan ang luha niya. Alam ko na kung anong nangyari.

"Bakit, anong nangyari sa usapan niyo?" kumuha ako ng tubig at pina-inom siya atska siya hinimas himas, ayoko muna itext si Nadine, hahayaan ko munang maka-usap si kuya.

"A-akala ko, wala na siyang nararamdaman saakin, akala ko matagal na siyang naka move on, akala ko wala na, akala ko tapos na ang lahat. Shit! Ang tanga tanga ko! Bakit ko siya pinag laruan? Bakit ko siya pinaasa? T-tama siya, sana hindi ko na lang siya niligawan kung hindi naman ako seryoso sakanya. I'm such a jerk, ang gago ko talaga. Pero wala na e, alam kong hindi niya ako mapapatawad. Wala e, hanggang doon na lang." kumalma na si kuya pag katapos niyang magsalita.

"Kuya, I have a question...m-minahal mo ba si Jane? O pinaglaruan mo lang talaga siya?" kinakabahan ako sa maaring isagot niya.

"I loved her, pero noon, para saakin laro lang ang lahat, hindi ako gaanong seryoso sa relasyon namin. Minahal ko naman siya, kaso pakiramdam ko noon ay hindi pa ako handang mag seryoso. At ang gago ko naman, sympre babae siya, seseryosohin niya 'yun. Samantalang saakin, parang nakikipag laro lang ako."

"Naka-ilang sorry naman ako sakanya, tanggap ko naman na hindi niya ako papatawarin, sympre ginago ko siya e. Pinaglaruan ko."

"Atska, aaminin ko, masaya na ako ngayon kay Nadine, seryoso na ako sakanya. Alam naman ni Jane 'yun. Kaya nag sorry talaga ako sakanya. Ang gago ko kasi e." tumawa si kuya.

Hinimas ko ang likod niya, "Okay lang 'yan, kuya. Matulog ka na."

Sinamahan ko siya sa itaas para makatulog na, agad naman siyang nakatulog dahil sa sobrang lasing.

Naupo ako sa may veranda, at nag-isip tungkol sa nangyari kay kuya at kay Jane. Nakakaawa si Jane, sympre, mahal na mahal niya pa ang kuya ko tapos malalaman niya na hindi pala seryoso noon si kuya sa relasyon nila, tapos malalaman niya na, mahal na talaga ni kuya si Nadine. Ang sakit sakit ng ganoon, kaso kailangan na lang tanggapin. May mga bagay kasi na hindi talaga para saatin. Maaring, pinakilala lang tayo sa isa't isa, pero wala din naman silang balak mag stay sa buhay natin. Ganoon naman talaga ang buhay, acceptance lang iyan.

Naka tanggap ako ng text kay Jane.

Jane:

Sam, wala na e.

Ako:

I'm sorry, Jane. Everything's gonna be alright.

Jane:

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon