Baby girl
Maaga kaming umalis sa bahay nina Sallie dahil may klase pa kami. Inihatid lang ako ni Christian sa bahay upang ipamalita sa kela mommy na kami na ulit. At para makapag handa para sa klase namin mamaya.
Habang nag mamaneho siya patungo sa aming bahay ay pinag-uusapan namin kung paano namin sasabihin.
Ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa manibela, at ang isa naman ay nakapatong sa aking legs.
"Hindi kaya sila magagalit kapag nalaman nilang tayo na ulit?" Tanong sa akin ni Christian habang nakatuon pa rin ang tingin sa daan.
"I mean, alam naman nila ang nagawa ko sa'yo, 'di ba? Baka ang isipin nila ay sasaktan na naman kita." Hinawakan ko ang kamay niya, "Alam naman nila, kung gaano kong gusto makipag balikan sa'yo e. I know they'll understand my decision. At alam kong susuportahan nila ako sa kung ano man ang desisyon ko."
"So, 'wag ka nang kabahan. Okay? Para namang first time mo magpapakilala sa kanila." I smiled.
He gave me an assuring smile at hinalikan niya ang aking kamay.
"I love you."
Nakarating na kami kaagad sa bahay, pinag buksan ako ng pinto ni Christian. Halatang siya ay kinakabahan dahil ang higpit ng hawak niya sa aking kamay.
Binigyan ko siya ng isang ngiti na alam kong mag papagaan sa loob niya.
"Don't be nervous. Chill ka lang." Humagikgik ako sa kanya dahil ang cute niya.
Pinag buksan na kami ng kasambahay ng gate, "Ate, andyan po ba sila mommy?" Tumango ang aming kasambahay, "Opo. Andoon po sa sala." Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Thank you."
Nang makapasok kami ay mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Natatawa na lang ako sa kanya.
"Para kang baliw." Tumawa ako.
Binuksan ko na ang pinto ng aming bahay. Nakita kong nanonood ng tv sila mommy't daddy. Panigurado ay mamaya pa sila aalis para sa kanilang trabaho.
"Hi, ma't pa." Kumalas ako sa hawak ng kamay ni Christian atska lumapit kay Mommy't daddy upang mag mano.
"Hello, Sammy." Ngumiti si mommy at hinalikan ako sa pisngi. Ganoon din si daddy.
"Oh, Christian, andito ka pala." Ngumiti si Christian at nag mano kay mommy at daddy.
"May klase kayo 'di ba? Kumusta nga pala ang gala ninyong magkakaibigan?" Tanong ni mommy sa amin. Tumango ako, "Opo. Mag aayos lang po ako tapos ay pupunta na kami sa bahay ni Christian para siya naman ang mag palit. Okay naman po, masaya. Sobrang saya."
"That's good. Buti nag enjoy kayo." ani mommy.
"Belinda," pag tawag ni mommy sa bago naming kasambahay, "Paki dalahan naman ng maiinom at makakain ang mga bata. Baka hindi pa sila nag uumagahan."
Tinignan ko si Christian at saka sinenyansan na ito na ang tamang oras para sabihin na kami na ulit. Naupo kaming dalawa.
"Ma, pa." Pag tawag ko sa kanila.
Hinawakan ni Christian ang kamay ko sa harap nila. At agad namang naintindihan nina mommy iyun.
"K-kayo na ulit?" Tanong ni mommy.
Unti-unti akong tumango, "Yes, ma. Kami na po ulit."
Nanlaki ang mata ni mommy, "Really? Finally. You guys are together again. I am happy for the both of you. Christian, 'wag mo na sanang saktan itong anak ko ha?"
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover