22.

63 4 0
                                    

Taguan ng Feelings

Maaga kaming nagising lahat, dahil lahat sila ay excited. 1am pa lang ay gising na ang mga kaibigan ko. Nag umagahan kami sa kusina ni Christian, at nagkwekwentuhan. Ang iba naming kaibigan ay nakadalawa yatang kape, dahil gusto daw nilang magising ang mga kaluluwa nila.

"Grabe! Excited na ako sa ating trip! Sana walang makasira ng trip natin no?" sigaw ni Sallie, ang aga aga ay ang ingay niya na, binatukan siya ng bahagya ni Clarence pero agad namang nag-sorry ito, dahil lambingan nila iyun. "Ang ingay mo!"

"O, ligo na guys!" sabi ni kuya, dalawa ang cr sa condo ni Christian, kaya naman mas mapapabilis kaming lahat sa pag galaw.

Nanuod muna ako ng cartoons, habang nag iintay ng aking turn para makaligo. Nagulat ako nang tumabi saakin si Christian, nakangiti siya saakin kaya naman ngumiti din ako sakanya. "Excited na akong makasama ka." bulong niya saakin na nag patindig ng mga balahibo ko. Inirapan ko siya, "Asa ka naman! Remember, I am with Dino, my boyfriend. Sakanya ako dapat sasama. Hindi sa'yo. Kung gusto mong may makasama ayain mo si Jane."

Tumayo na ako, dahil turn ko na para maligo, nang makatayo ako, tumabi si Clarence kay Christian, narinig ko ang usapan nila, "Dumadamoves ka na naman kay Sam?" nakita kong seryoso ang tingin ni Christian kay Clarence, "Yes, I want to win her back."

"Hindi ako makakapayag na manalo ang Dino na 'yun. Ako ang nauna kay Samantha, ako ang mahal niya kaya ako ang mas may karapatan." seryoso nitong sabi, "Pero dude, you broke her heart. Sa tingin mo ba you'll win her back?"

Nag igting ang baga niya. "Oo, nasaktan ko siya, kinamunhian niya ako, I know she still hates me. Pero I love her bro, I can't lose her. Itatama ko ang mali ko. Aayusin ko 'tong gulong pinasok ko. Magiging akin ulit ang babaeng pinakamamahal ko."

Isa-isa kaming sumakay sa van na dala namin, si Christian ang driver, ako sa harapan, sa likod naman ay sina kuya, Nadine, Carl, Summer at sa may pinakalikuran ay si Sallie at si Clarence.

"Christian, daanan natin si Dino sa may gasoline station ha." Biglang sumimangot saakin si Christian, ngunit sinamaan ko siya ng tingin, "Fine."

Nakita namin na nag iintay si Dino doon sa may parking lot, naka halukipkip siya at nakasandal sa pinto ng sasakyan niya. Bumaba agad ako para salubungin siya, niyakap niya ako ng mahigpit, ganoon din naman ako sakanya. Pagka kalas ko ng yakap ay nakita kong ang sama ng tingin saamin ni Christian.

"Bakit may dala kang kotse?" Tanong ko sakanya, ngumiti siya, "Para dito ka na sasakay." Natahimik na lang ako.

Nagsalita bigla si Christian, "No, she's coming with us." Lumapit naman si Dino kay Christian, "No. She is my girlfriend, kaya dapat automatic na saakin siya sasakay. Bakit, ikaw ba ang boyfriend niya?" nakita kong kumuyom ang kamao ni Christian. Huwag naman sana please.

"Shut up bro, saamin siya naunang sumakay. And besides, she just invited you, kasi nga boyfriend ka niya. You dont belong to the group though." Nakita kong nag igting ang bagang ni Dino. Uh-oh, this is not good.

"I know. At wala akong pakielam kung, hindi ako parte ng barkada niyo. Ayoko rin naman sumali dyan lalo na kung makakasama ko ang ex ng girlfriend ko na nanakit sakanya ng sobra noon." Sabi ni Dino kay Christian. Kaya naman natihimik kaming lahat.

"Now, babe. Kanino ka sasabay? Sakanila or saakin?" Maawtoridad nitong tanong, nagdadalawang isip ako kung kanino ako sasama. Pero para matigil na ang gulo, "Sa'yo malamang. Boyfriend kita e."

Hindi na sila umimik, alam ko namang naiintindihan nila ako e. Kaya naman kinuha ko ang pouch ko sa van at sumakay na kay Dino.

"I thought you'd pick him up over me." Sabi saakin ni Dino, ngumiti ako ng alanganin, "Of course not. Ikaw ang boyfriend ko, so sa'yo ako malamang na sasama. Diba."

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon