34.

43 3 0
                                    

Mundo

"Ano ready kayo bukas?" Tanong sa amin ni kuya Carlo.

Napag-usapan ng barkada na mag outing sa Batangas. Lahat naman kami ay sumangayon dahil matagal na rin kaming hindi nag bi-beach.

"Kita kita na lang tayo bukas sa bahay namin. 5am ha." Ani kuya

Tumango naman ang lahat.

Tatlong araw kami sa Batangas, sa tingin namin ay sulit naman iyon para sa aming barkada.

"Sige. See you bukas sa bahay nina Sam. Aalis muna kami." Sabi ni Christian sa barkada.

Nanliit ang mata ni kuya, "At saan mo naman dadalhin ang kapatid ko?"

Ngumisi si Christian, "Chill dude, aayain ko lang mag supermarket si Sam. We'll buy some foods for tomorrow."

Tumango-tango si kuya, "Ayusin mo buhay mo ha."

Ngumiti si Christian, "Oo naman, brother-in-law." tinignan ng masama ni kuya si Christian, "Gago. Hindi kita gusto para sa kapatid ko."

Sumimangot naman si Christian, "Ang tagal na namin ni Sam. Ngayon ka pa ba aayaw? Tropa mo kaya ako."

"Kaya nga, tropa kita kaya alam ko lahat ng kagaguhan mo. Pag 'yang kapatid ko niloko mo na naman. Tangina, mamatay ka." Tumawa si Christian, "Hinding hindi ko sasaktan kapatid mo."

"Shh, tama na. Tara na. Aalis na kami. Bye!" Nag paalam na kami sa kanila.

"Christian..." Tawag ko sa kanya, habang nakatuon ang tingin sa daan.

"Yes, baby ko?" Ngumiti ako sa tawag niya sa akin.

"Punta tayo ng mall, bibili ako ng bagong bikini." Biglang tumingin ng masama si Christian sa akin.

"At bakit?" Medyo galit ang tono niya.

"Luma na 'yung bikini ko, e. I want a new one." Tumingin sa akin si Christian, "Hindi pwede. Mag rush-guard ka na lang kung gusto mo. Kung pwede rin na 'wag kang mag shorts, at mag leggings ka na lang pang swimming. Kung pwede lang na iyun ang isuot mo ay iyun ang gagawin ko."

Sumimangot ako, nakakainis naman e. Sympre lahat ng babae, gusto ng bagong bikini lalo na't matagal na kaming hindi nakakapag beach.

"Nakakainis ka." Sabi ko sa kanya.

"O sige, bumili ka ng bago. Tapos hayaan mong pag pyestahan ka ng mga lalaki roon. Hayaan mong bastusin ka nila. Sige, bumili ka na."

"Kasi naman e, mag sho-shorts naman ako e. Gusto mo mag see-through pa ako e. Please, baby ko." Pag papaawa ko sa kanya.

"Hindi pwede." Sumimangot ako.

"Please na kasi."

"Ayoko."

"Please, baby."

"Hindi pwede."

"Please na baby ko. Payagan mo na akong bumili ng bagong bikini, tapos ikaw lang makakakita sa akin nang naka ganoon ako. Please baby..."

"Fine. Gusto ko sa akin lang ha."

Napapalakpak naman ako sa saya. Ganoon lang pala para pumayag siya e.

Dumaan kami sa isang mall, at doon na rin kami mamimili ng mga pagkain namin na babaunin bukas.

Pumunta kami sa isang swim wear, at nag hugis puso ang mata ko nang makita ko ang nagagandahang mga bikini.

Naka-pili ako ng two piece. Kulay itim ito, at meron siyang parang mahahabang ginupit gupit na tela nito.

Bumili rin ako ng bagong shorts na para sa beach at see-through dahil panigurado ay uusok na naman ang ilong netong boyfriend ko.

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon