10.

84 3 0
                                    

My revenge

Three pm natapos ang klase ko. Grabe, akala ko masaya yung first day, hindi pala. Ang sakit lang nung nalaman ko. Na mahal niya pa ako noon, pero nung dumating si Jane sa buhay niya para akong bula na biglang nag laho.

Nahiga ako sa kama ko, naka tingin lang sa dingding. Iniisip kung paano ako makaka move on, kung paano ako makakapag higanti. Ipapakita ko sakanya na ako yung sinayang niya.

Pinunasan ko ang luha ko sa aking mukha at kinuha ang cellphone ko, nakita ko ang text ni Dino.

Fr: Dino

Okay lang yan, babe. Cheer up! I love you <3

Napangiti ako sa text ni Dino kaya nag reply ako.

To: Dino

Thanks, Dino.

Nag desisyon ako na pumunta kay Sallie. Nag dala ako nang damit at uniform ko. Doon na ako matutulog sakanila.

Wala sila mommy dito kaya nag text na lang ako sakanila na kela Sallie ako matutulog at pumayag naman sila.

Ilang minuto lang ay nakadating na ako sakanila, nag doorbell ako bilang pag galang.

"Hi ma'am Samantha. Pasok po." sabi nang kasambahay nila, ngumiti ako "Hello po, thank you."

Umakyat na ako sa kwarto ni Sallie, nakita ko siyang nagsasalitang mag isa. Lumapit ako sakanya at nakita ko na kausap niya pala sa Skype si Clarence.

"Ay, wait lang ha. Andito si Sam e. Kita na lang tayo bukas. Bye! I love you." sinarado na niya ang laptop, "Oh bessy, ba't dito ka ata matutulog?"

Gusto ko nang sabihin kay Sallie yung plano ko. Ayokong mag lihim sakanya. Siguro naman maiintindihan ni Dino yun kasi bestfriend ko si Sallie.

"Bes, I have something to tell you." hinawakan niya ang kamay ko, "Ano yun? Nabuntis ka na ni Dino? Omg ang bilis ha!" natawa ako, "Tungak, I'm serious kasi. This is important."

"I still love him.. Sallie. I really do." sabi ko sakanya, tinignan niya naman ako, "Halata nga.. pero bakit kayo na ni Dino? Nakakagulat lang kasi alam kong mahal mo talaga si Christian kahit niloko ka niya." hinawi ko ang side bangs ko, at nagsalita "Kasi, I have a plan. Gusto kong mag higanti sakanya. Gusto kong makita niya na masaya na ako, kahit na iniwan niya ako. Atsaka, sinusubukan kong mag move on kaya ako ganito. Mag hihiganti." tumawa siya, "For real? Mag momove on ka? Pero mag hihiganti ka? What are you doing Samantha? For Pete's sake, Samantha Alley, huwag kang gumamit nang ibang tao para makapag higanti ka, huwag kang gumamit ng ibang tao ibang tao para makasakit ka. Huwag kang mag paasa. Kung gusto mo mag move on, kalimutan mo siya. Hindi yung maghihiganti ka sakanya."

"But..." tinitigan niya ako, "Huwag mo akong ibut-but jan, Sam. My God, hihingi ka na nga lang nang tulong sa iba kay Dino ka pa humingi. Alam mo naman na mahal na mahal ka nun. Edi sympre aasa siya sayo!" umiling ako, "Hindi. Sinabi ko sakanya na I'll try to fall inlove with him." napasabunot siya sa buhok niya, "Hindi mo mapipili kung sino yung mamahalin mo. Kusa yang dadating. Kusa kang maiinlove dun. Hindi mo kailangan pilitin na magustuhan siya. Tadhana na ang bahala doon."

"Okay sige... dahil bestfriend kita, hahayaan kong gawin yang plano mo. Pero, kapag nakita kong nag mumukha ka nang tanga papatigilin na kita." sabi niya saakin, ngumiti ako at niyakap siya, "Thank you, pinasaya mo ako. Bes, please tayong tatlo muna nila Dino ang makaka alam nito, okay?" tumango siya at niyakap ako.

"Uhm, nga pala, Sumasabay pa ang barkada kay Christian?" tanong ko sakanya, "Minsan. Hindi maiiwasan e, sympre may banda sila. Kaya kahit medyo nagkakailangan sila sa nangyari dahil sainyo e magkakasama parin sila, kami."

Tumango tango ako, "Nagalit ba sila kay Christian dahil sa ginawa niya?"

Tinignan niya ako, "Oo naman, kasi kaibigan kanila, para ka na daw nilang kapatid e. Kaya ayun, nag kagulo sila dati. Nag away sila, nag suntukan sila. Lalo na yung kuya mo, galit na galit. Pero ngayon, tanggap na nilang wala nang kayo."

Nanlaki ang mata ko, "nagkagulo sila dahil saakin? Sana pala tinago ko na lang yung problema namin." hinawakan niya ang mukha ko at inilagay ang ilang hibla nang buhok sa tenga ko, "Okay lang yun, para natuto siya. Sana magsisi na siya sa mga ginawa niya sayo."

Naiyak na naman ako, bakit ba kasi nangyari 'to? "Huwag ka nang umiyak, nasasaktan ako bes." mas lalo akong naiyak sa sinabi niya, "Sorry. Hindi ko lang mapigilan."

Niyakap niya ako ng mahigpit, naramdaman kong pinunasan niya yung luha niya, "Sam, wag ka nang iiyak ha. Andito pa naman ako e. I love you, bes."

Pinunasan ko ang luha niya, "Thank you, I love you too."

••

Maaga kaming pumasok ni Sallie, dumeretso muna kami sa tambayan nila. Nakita ko agad sina Clarence, kuya, Nadine at sina Jane at Christian.

"Ba't sila nandito?" bulong ko kay Sallie, "Alam mo naman diba, kasali sa banda si Christian, so kailangan nandito sila pati yung haliparot nyang girlfriend." napatango na lang ako sa sinabi ni Sallie.

Pansin ko lang, hindi pinapansin nila kuya masyado si Christian. Siguro dahil doon sa nangyari. Siguro hindi na sila tulad ng dati. Kaya lang sila magkakasamahan ngayon nang dahil nga sa banda. Hindi dahil magkakaibigan parin sila.

Naupo muna ako sa sulok, at tinignan ang cellphone ko. Nakita ko ang fiifteen text messages ni Dino saakin. Napangiti naman ako.

Fr: Dino

Babe, where are you?

To: Dino

Andito ako sa tambayan nila Sallie, punta ka dito. Maaga akong pumasok e.

Pagkatapos kong isend ang text napatingin ako kay Christian, nakatitig siya saakin. Pero binawi niya din agad ito, at umakbay kay Jane. Tss, sige mag landian lang kayo dyan. Wala akong pake.

Ilang minuto ang nakalipas ay biglang dumating si Dino, may dala siyang french fries na sa tingin ko ay para saakin. Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa pisngi, "Hi babe, fries for you!" ngumiti ako sakanya, "Thanks, babe." nakita kong nag igting ang panga ni Christian, ngumiti ako nang patago. Good job, Dino!

Naupo siya sa tabi ko at inakbayan ako, sinusubuan niya ako ng french fries. Wow! heaven sa feeling. Ang sarap talaga ng barbeque fries. Habang kumakain kami ni Dino, nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya saakin. Sige, ipagpatuloy mo lang 'yan. Mas lalo kitang iinisin.

"Tara na babe, baka malate tayo sa first subject." sabi saakin ni Dino at hinawakan ang kamay ko.

"Guys, mauna na kami ha. Bye!" nag paalam ako sakanila at umalis na kami ni Dino. Pagkalabas namin ng tambayan tumawa kami ng malakas, nakipag apir ako sakanya, "Good job, Dino! Galing mo talaga." ngumiti siya saakin at inakbayan ako. "Naman. Ako pa ba?"

Ngayon pa lang ang simula nang revenge ko, Christian.

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon