Ayoko
Pagkatapos ng nangyari ay inihatid na ako ni Dino sa bahay, tahimik lang ako sa buong byahe at iniisip kung ano ba ang nagawa kong kalokohan. Dapat pala ay hindi ako nagpadalos dalos sa mga desisyon ko. Hindi ko inisip na maaring makikita niya. Pero sa kabilang banda ay masaya ako, dahil nag tagumpay na naman ako. Nakita na naman niya na masaya ako. Nakita niya na nakalimutan ko na talaga siya.
"Sam," hinawakan ni Dino ang kamay ko at ang isa niyang kamay ay hawak ang manibela, "Hmm?"
"Is something bothering you.. your mind?" tanong niya saakin, tumingin ako sakanya at tumingin sa bintana, "Ha, wala. I'm fine." hinigpitan niya ang hawak niya saaking kamay, "Alam ko, alam ko kung ano ang eksaktong iniisip mo ngayon. Pero tatahimik na lang ako. Iintindihin kita kasi mahal kita." ngumiti ako sakanya, "Thank you."
Ibinaba niya na ako, "Good night, sweetie. I love you." ngumiti ako sakanya, "Thank you, Good night din."
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama ko, at tumingin sa kisame. Ganito na naman ang pwesto ko. Kapag katapos lahat ng nangyari ngayong araw ganito padin ang bagsak ko. Nakatingin sa kisame...nakatingin sa kawalan.
Naghubad na ako ng damit at dumeretso saaking bathtub, doon muna ako nag stay ng ilang minuto. Ang sarap sa pakiramdam ng ma-relax ang katawan mo sa tubig. Sana laging ganto.
Isang oras din pala ako sa bathtub kaya napag isipan kong magbanlaw na. Pagkatapos kong magbanlaw ay nag bihis na ako at nahiga na sa kama ko.
Binuksan ko ang laptop ko at dumeretso saaking Twitter account. Nakita ko ang tweet niya, "Masaya ka naman pala sakanya.."
Nakita ko din ang tweet ni Dino, "Best night ever. Sarap ng labi niya." Woah, medyo na-offend naman ako sa tweet niya. I mean, bakit kailangan pang ipagkalat?
Pinatay ko na ang laptop ko at dumeretso ng matulog. I'm too tired...exhausted.
Maaga akong dumating sa school dahil marami akong ipapasa sa mga prof ko ngayon. Inayos ko na ang mga papasa ko. Iisa-isahin ko ng puntahan ang mga prof ko. Habang naglalakad ako may biglang humawak sa kamay ko, nagulat ako ng makitang si Dino 'yun.
"Let me handle those papers, baby." sabi niya at kinuha ang mga papel na hawak ko. Ngumiti ako sakanya at sinabing "Thanks."
15 minutes nang wala ang prof namin kaya ang ibig sabihin ay class dismissal na. Nagpasya kami ni Dino na dito muna mag stay ng ilang oras dahil wala naman kaming gagawin sa bahay.
Nakatambay lang kami sa likod ng gym, maraming puno dun kaya malamig.
"Baby..." Tawag niya saakin, "Hmm?"
"I love you..." sabi niya at mas inilapit ang katawan niya saakin, "I- I love you too." Hinalikan niya ako sa pisngi at papalapit ng papalapit sa aking labi. Saktong dumaan si Christian saamin kaya sigurado akong nakita niya 'yun.
Ngunit ang pinagtataka ko, parang wala lang sakanya. Ay hindi, hindi lang pala parang, wala lang talaga sakanya 'yun. Sino nga ba naman ako para pakielaman niya?
"Hmmp" sabi ko sa gitna ng aming halikan, "Dino, stop." sabi ko, "Why? Sobra ko bang nakagat ang labi mo? Kung ganoon, sorry baby."
Tinignan ko siya, "Hindi. Nakakahiya lang sa mga nakakakita saatin. Baka isipin nila isa akong kaladkarin na babae at isang malanding nilalang. Ayoko naman na ganon ang isipin nila saakin. Atska sayo, baka may masabi sila. Kung gusto mo ng ganto, sa tagong lugar. Sa bahay. Wag sa public places."
"Sorry," aniya "Sorry kung ganon ang naiisip mo. Nababaliw lang talaga ako sa mga labi mo kaya gustong gusto kong halikan ito."
"Let's go?" Tumayo na ako at lumakad papalayo sakanya.
Sumakay na ako sa sasakyan niya, "Sorry na." ngumiti na lang ako sakanya.
Dumating na kami sa condo niya, siya lang naman mag isa ang nakatira dito. Ni katulong ay wala siya, sabi niya saakin ay sanay na daw siya na mag isa.
"Take a rest, babe. Ipaghahanda kita ng makakain.
Binuksan ko ang tv at nanuod ng mga music videos sa MYX habang hinihintay siya.
"O, eto t-shirt ko. Mag palit ka muna. Mainit e. Medyo matagal pa 'tong niluluto ko." Tumayo na ako at nagpunta na agad sa bathroom.
Nararamdaman ko na may tumatapik sa aking balikat, nagising ako. Nakatulog pala ako. "Nakatulog ka sa sobrang tagal."
"Kain na." Ngumiti siya saakin, ang ganda niya talaga ngumiti. Ang bait bait saakin ni Dino. Kaso hindi ko kayang suklian ang pag ibig na inialay niya para saakin. Ang puso ko ay para kay Christian lamang.
"You got something on your lips, babe." Sabi niya at pinunasan ang labi ko, "Thanks. Ang sarap kasi ng luto mo."
Tinawagan ko si mommy, sinabi ko na dito na lang ako kay Dino matutulog, pumayag naman siya.
"Tara na sa kwarto?" He said and he wrapped his arms around my waist.
Naupo ako sa dulo ng kama niya at inipitan ko ang buhok ko, naramdaman ko ang kamay niya saaking beywang. Hinalikan niya ang leeg ko. Alam ko kung saan papunta itong ginagawa niya.
"Dino, stop." Patuloy parin siya sa paghalik hanggang sa binababa niya ang hawak ng kamay niya saaking thighs.
"I said stop," hindi niya ako pinakinggan, pumunta na siya sa harap ko at hinalikan ako.
"DINO, I SAID STOP!! CAN YOU PLEASE FUCKING RESPECT ME?" Sumigaw na ako sakanya dahil ayaw niya paring tumigil. Natauhan naman siya sa sinabi ko.
"I'm sorry, baby." Sabi niya at niyakap ako.
"Shit naman, Dino! Kapag sinabi kong ayoko, AYOKO. This is insane. Ayoko ng pre-marital sex. Hindi ako papayag."
"Learn to respect your fucking girlfriend, kapag sinabi kong ayoko, ayoko. Kaya pwede ba?"
Hindi ko na siya pinansin at natulog na ako.
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover