32.

62 3 3
                                    




Girlfriend

Alas dose na ng madaling araw nang makalabas kami sa resto bar na pinuntahan namin. Binabalak pa na ihatid ako ni Christian sa bahay nina Sallie, ngunit sabi ko sakanya ay dala ko ang sasakyan at hindi pwedeng maiwan doon.

"Sige na please, ihahatid na kita. Payagan mo na ako please. Kakasagot mo lang naman saakin e, sige na baby." pag mamakaawa niya saakin.

"Pero, lasing na si Sallie. Walang mag babantay sakanya, ala nga namang sakanya ko ipa-drive 'yung kotse ko 'di ba?" hinawakan niya ang kamay ko at pinag laruan iyun.

"Andyan naman boyfriend niya o, please." natatawa na lang ako sakanya, "Okay fine. Kotse ko na lang ang gamitin natin tapos balikan mo dito 'yung kotse mo. Ayos ba?" ngumiti siya saakin, "Yay! Thank you, girlfriend."

Tinawag na ni Christian si Clarence para isakay sa loob si Sallie, si Clarence na ang mag da-drive gamit ang sasakyan ko, sa harapan naman si Christian at ako ang nasa likod upang himasin si Sallie. Dahil sobra siyang nalasing. Paano naman kasi ay ang daming nainom.

Agad naming naihatid si Sallie. Nakita namin sa labas ng gate si tita, "Tita, sorry po at ginabi kami. Ayaw po kasing paawat ni Sallie e." halatang kinakabahan si Clarence dahil baka magalit sakanya ang mommy ni Sallie. Close naman silang dalawa, pero kinakabahan pa din siya tuwing may ganitong nangyayari.

"It's okay. O sige, ipasok niyo na sa loob si Sallie. Humanda talaga saakin ang batang 'to. Pasensya na kayo ha, alam niyo naman 'yang kaibigan niyo." sabi saamin ni tita Sarah.

"Nako, pag sabihan mo nga 'yang girlfriend mo, Clarence. Takutin mo, sabihin mo makikipag break ka na kamo kapag hindi siya tumigil, ang tigas tigas ng ulo. Ayaw sumunod, e." natawa na lang kami nina Clarence at Christian sa sinasabi ni tita.

"Ah, tita. Kuhanin lang po namin ni Sam 'yung kotse ko doon sa bar." sabi ni Christian, tumingin saamin si tita at nag salita, "O bakit naiwan naman ang kotse mo doon, Christian?"

Nagkatinginan na lang kaming tatlo, dahil napaka walang kwenta ng dahilan ni Christian.

"Eh kasi po tita, kakasagot lang ulit netong si Sam kay Christian, e pilit ng pilit ihatid ni Christian si Sam dito. Gusto daw pong makasama ang girlfriend niya." tumawa si tita Sarah, "Ganoon ba? Ang harot ninyo talaga. Eh, nasaan naman ang kotse mo, Clarence?"

"Nasa bahay po, naki-sabay lang po ako kay Christian, e." tumango si tita Sarah, "Ah ganoon ba? O sige, dito na kayong matulog na tatlo ha." tumango naman kaming tatlo, "Thank you, po."

Tumawag na nang taxi si Christian para ihatid kami sa bar, naka sakay naman kami kaagad.

"Ayan kasi e, mapapagastos ka pa tuloy ulit. Kulit mo kasi." sabi ko sakanya, hinawakan niya ang kamay ko, "Sorry na po, gusto lang naman kita makasama, e."

Naiintindihan ko naman siya kaya bilang pag sangayon ay mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"Na-miss mo ba 'ko?" tanong niya saakin, natawa naman ako, "Sympre naman."

"Baka naman napilitan ka lang na sagutin ako. Baka siya pa rin." bakas sa tono niya na siya ay malungkot, tumawa ako ng bahagya, "Noon pa man, ikaw lang naman ang laman ng puso ko, e. Wala nang iba."

"Grabe, ang sweet naman ng girlfriend ko." natatawa ako sakanya dahil feel na feel niyang kami na ulit, "Grabe ha, feel na feel mo naman ang pag tawag ng 'girlfriend' saakin ha."

"Ayaw mo ba?" natatawa ako sa ka-dramahan niya, "Nakakainis! Ang drama mo."

"Na-miss lang talaga kita sobra." ngumiti ako, "I missed you more!"

Nakarating na kami sa bar, kinuha na agad ni Christian ang kanyang sasakyan at agad na kaming bumalik sa bahay nina Sallie.

Doon na kami nag palipas ng gabi. Tinext ko si mommy.

Ako:

Mommy, good night po. Kakauwi lang namin dito kina Sallie. I love you, ma.

Mommy:

Okay, ingat anak. Good night. I love you too.

"Oh, Samantha at Christian, doon na kayo sa guest room matulog ha. Naka handa na ang mga gamit niyo doon." Sabi ni Tita. "Thank you po, tita."

Binisita muna namin si Sallie para tignan kung ayos na ba siya. Nakita naming nag babantay doon si Clarence. Nakatabi kay Sallie. Ang sweet talaga nila.

"Uh, chineck lang namin kayo." Paliwanag ko kay Clarence nang nakita niya kaming naka silip sakanila.

"Sus, okay lang 'yun 'no." Ngumiti siya.

"Matutulog na kami, pare. Ingatan mo 'yang si Sallie ha. Baka pag samantalahan mo. Lasing pa naman iyan." Sabi ni Christian, sinamaan ng tingin ni Clarence si Christian, "Gago. Tulad mo 'ko sa'yo. Sam, mag ingat ka dyan. Kakasagot mo pa lang dyan nako."

Nag tawanan na lang kaming tatlo at nag paalam na.

Dumeretso na kami sa guest room. Nahiga agad si Christian sa kama.

"Grabe, nakakapagod ngayong araw. Pero sobrang saya." Ngumiti siya saakin. Nasilayan ko na naman ang kanyang nakakabighaning ngiti.

Inilapag ko ang aking bag sa lamesa sa tabi ng kama nang bigla akong hinila ni Christian dahilan kung bakit napapatong ako sakanya. Napahawak tuloy ako sakanyang dibdib.

"Christian, ano ba!" Pag palo ko sakanya. Nakaramdam kasi ako ng hiya sakanya.

"Shhhh, can we stay like this for a while?" Hiling niya saakin. Unti-unti naman akong tumango.

"Alam mo bang ang saya ko ngayong araw?" Hinaplos haplos niya ang aking buhok. Inilagay niya ang mga natirang buhok ko sa gilid ng akong tenga.

"Hmm," sagot ko sakanyang sinabi kanina, "Hulaan mo kung bakit dali,"

"Hmm, bakit nga?" Tanong ko, "Kasi, girlfriend na ulit kita."

Napa tingin ako sakanyang mata. Kitang kita ko talaga ang kasiyahan sakanyang mga mata. Puno ito ng kasayahan at pag mamahal.

"Ako din, masaya ako kasi boyfriend na kita." Ngumiti ako sakanya.

"Hinding hindi na ulit tayo mag hihiwalay. Pangako ko sa'yo 'yan." Hinalikan niya ako sa noo.

"Hinding hindi na kita lolokohin, hinding hindi na kita papakawalan. Pangako."

"Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko, ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. Ikaw lang ang gusto kong makasama sa pang habang buhay, walang iba. Ikaw lang, nangangako ako sa'yo, ikaw lang. Ikaw lang talaga. Mahal na mahal kita."

Nakaramdam ako ng likido saaking mata, naiiyak na pala ako. Napangiti na lang ako sa sobrang saya. Mahal na mahal ko talaga siya.

"I love you, Christian."

"I love you always and forever, Samantha."

Mahal na mahal kita Christian. Nangangako ako na ikaw lang.

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon