18.

59 2 0
                                    

Complicated

Nang matapos kaming mag usap na dalawa, bumaba na agad kami sa bleachers para kumatok dahil isang oras na kaming na-stuck dito.

"Samantha, umarte ka na parang walang nangyari ha. Ipagpatuloy mo pa din 'yung hindi pag pansin saakin. Ayokong idamay ka ni Jane saamin. Understand?" Hinawakan niya ang batok ko at niyakap ako, "Oo, sige."

"Tulong!!!!" katok ko sa pinto ng gym, "Help! We're stuck here!" napagod na ako sa pagsigaw kaya naupo muna ako.

Ilang minuto ulit kami naghintay nang magbukas ang pinto ng gym.

Si manong guard.

"Salamat po talaga, manong guard." Sabi ko sakanya, "Christian, I have to go. May klase pa ako." akmang aalis na ako nang hinawakan niya ang kamay ko, "No, sasamahan kita. Kailangan malaman ng teacher mo ang nangyari saatin. Baka akalain niya ay nag cutting class ka." Nagpatianod na lang ako sa sinabi niya.

"Ma'am, sorry po at ngayon lang nakadating si Samantha. We're stuck at the gym for almost 2 hours. Hindi po kasi kami agad nakalabas." paliwanag ni Christian.

Inalis ni Ma'am Monaliza ang kanyang eyeglasses, "Oh.. Kaya pala wala ka difo, Ms. Uy. I thought you were absent. Okay sige, magsulat ka ng letter kung bakit ka late at pa-pirmahan mo sa magulang mo atska mo ibigay saakin."

Tumango ako.

"Christian, alis ka na." Tapik ko sa likod niya. Tumingin siya sa huling sandali, "Samantha, mahal kita."

Tumibok ang puso ko.

Hindi na ako umimik at iniwan na siya at patuloy ng pumasok sa classroom. Bakit ganon? Nang sinabi niyang mahal niya ako ay para bang naniniwala na ako. Hindi tulad noon, nung sinabi niya saakin iyun akala ko ay nag sisinungaling siya. Pero, hindi pa rin dapat ako mag palinlang sakanya. Paano kung patibong niya lang ito? 'Oh, Samantha, pagkatiwalaan mo kasi 'yung mahal mo. Mahal ka din niya, pagkatiwalaan mo siya.'

Eto talagang konsesya ko, nakakabaliw na.

Maaga akong umuwi ng bahay dahil marami akong gagawin na assignments. Ang hirap pala talaga maging isang college student.

Umakyat ako mg kwarto at nahiga muna, kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinignan ang mga pictures namin. Nasa recently deleted pa din kasi ito, ayokong i-delete all kasi hindi pa naman talaga ako nakaka move on.

Tinignan ko ang mga litrato namin, napaka saya namin noon. Bakit ba kasi nagkahiwalay kami? Ano ba kasi ang dahilan kung bakit naging sila ni Jane? Kailan ko ba maiintindihan ang mga bagay bagay dito sa mundo. Kailan ko malalaman ang katotohanan? Kapag kumplikado na ang lahat? Ngayon pa nga lang, kumplikado na kaming dalawa. May Jane siya, may Dino ako. Ang pagkakaparehas nga lang namin ay hindi kami masaya sa mga ito. Kasi hinahanap-hanap pa din namin ang isa't isa.

Bakit ba kasi ganoon ang tadhana? Ayaw mo pa kaming pagsamahin na dalawa, naging masama ba kami? Hindi ba kami naging masaya nung mga panahon na kami pa? Ang gulo gulo talaga ng isip at puso ko. Nakakabaliw.

Nagulat ako nang may biglang mag text na unknown number.

Unknown number:

I miss you already :( sana pwede tayong mag usap sa public places. Sana hindi 'yung patago. Gusto kong malaman ng buong mundo na ikaw lang ang mahal ko, at hindi siya.

Base sa salita at sa laman ng mensahe ay si Christian ito. I saved his number.

Ako:

Yeah, ako din. Sana maging ayos na ang lahat. Christian, huwag mo sanang sirain ang tiwala na ibinigay ko saiyo. Kasi, kapag sinira mo, hindi na kita bibigyan ng chance. Last mo na 'yan.

Christian:

Yes po, does it mean, binibigyan mo na ulit ako ng chance?

Ako:

Hala, no! I mean, chance. Chance to prove yourself again. Hindi ito tungkol saatin. Matagal pa iyun. Kumplikado pa tayo, ang paligid natin. Gusto ko bibigyan ulit kita ng chance kapag naayos mo na ang problema mo kay Jane. Gusto ko kapag ayos na talaga tayo. Kapag hindi na masakit sa puso ko.

Christian:

Aayusin ko 'to ng mabilis para saating dalawa. Gusto ko maging tayo na ulit. Ipapakita ko sa'yo na hindi na ako 'yung gagong nanakit sa'yo noon. Ipapakita ko sa'yo na mas mahal na kita ngayon. I will never break your heart anymore, beb. Trust me.

Ako:

Sige, basta ngayon, ayoko muna na mag usap tayo. Things are complicated Christian. We are complicated.

Christian:

Yes baby. I love you!

Hindi na ako nag reply sakanya. Ayoko munang mag 'i love you too.' Dahil kapag sinabi ko 'yun ay tuluyan na talaga akong mahuhulog. Tuluyan na akong magpapatawad. Tuluyan ng mawawala ang galit ko sakanya. It takes time to win my heart back. Though, alam kong alam niya na nasakanya na ulit ang puso ko. Basta ngayon, ang gusto ko maayos ang gulong pinasok ni Christian.

Habang ginagawa ko ang assignment ko ay may biglang nag text saakin.

Dino:

Hi, what are you doing?

Ako:

Hello, I'm doing my homework, Dino. Talk to you later.

Medyo nagtatampo pa din ako sakanya. Gusto ko muna lumayo. Gusto ko muna mapag isa.

I know I am breaking his heart, alam kong nasasaktan siya ngayon sa hindi ko pag pansin sakanya. Pero kasalanan niya iyun. He already said that he is sorry. Tanggap ko iyun. Pero paano kapag nauulit iyun? I don't want that to happen again.

Sasabihin ko din sakanya ang lahat sa tamang panahon. Sasabihin ko din sakanya na, I tried, pero siya pa din talaga. Alam kong alam niya iyun. Hahanap lang ako ng tiyempo, para sabihin sakanya na ayoko na, ayoko nang mag panggap.

And I will also tell Christian na nag papanggap ako, I don't want secrets anymore. Sasabog na ako kapag hindi ko pa sinabi sakanya ang totoo.

I will find a perfect time, para sabibin kay Dino at Christian. Gusto, magkasama kaming tatlo.

Ayoko na kasing saktan si Dino, masyado na siyang umaasa saakin.

I love Dino, but only as a friend. God knows how much I tried. Pero hindi e, hindi natin pwedeng pilitin ang sarili natin sa isang tao. Dahil kapag pilit ang pagmamahal mo sa tao na iyun, masasaktan ka lang, at mas lalo lang siyang masasaktan.

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon