Christmas Party
Ang bilis naman ng panahon, December na agad? Parang kailan lang nung nagsimula akong mag college. Tapos ngayon, patapos na?
Papasok na ako sa school ngayon, at excited ako dahil ngayon ang bunutan namin para sa exchange gift. Sino kaya ang mabubunot ko? I am so excited.
I texted Dino
To: Dino
Huwag mo na akong sunduin ha. Okay na ako. Thank you! :)
Fr: Dino
Okay po, babe.
Andito na ako ngayon sa room, at nakatulala. Ang tagal naman kasing magsidatingan ng mga kaklase ko.
Nag scroll muna ako sa camera roll ko habang nag aantay sa iba. At Holy Cheeseballs! Bakit may mga pictures parin namin dito na dalawa? Akala ko nabura ko na lahat ng pictures namin dito. Hindi pa pala.
Ang hirap burahin ng mga litrato nato, dahil hanggang ngayon mahal ko parin siya. At hindi ko kayang kalimutan ang mga ito.
Nagsidatingan na ang mga kaklase ko, at as usual, late si Christian. Naupo na siya sa harapan ko. Para na naman akong timang dito na biglang nanghina. Ewan ko ba, ang lakas talaga ng epekto saakin ng lalaking 'to.
May iniabot na sulat si Christian saakin, at pagkabukas ko ito ang aking nabasa.
'Stop staring at me.
-Christian Sy'
Wow ha! Ang kapal naman ng mukha niya! Paano niya nalaman na nakatingin ako sakanya?
'FYI. Hindi ako nakatingin sayo. Sa whiteboard ako nakatingin.
-Samantha Uy'
Naka-kuha muli ako nang sulat galing sakanya,
'Hmm. Really? Eh tagos sa puso ko yung mga tingin mo saakin e ;)
-Christian Sy'
Hindi ko na siya sasagutin. Ang kapal talaga ng mukha niya. Nakakagigil.
"Anong problema, babe?" Tanong saakin ni Dino, umiling ako sakanya "Ah, wala. Bigla lang akong nainis."
Tumango na lang siya at inilapit ang upuan niya saakin.
••
"Okay, class. Dahil Christmas Party niyo na sa Friday ay magbubunutan na tayo!" sabi nang aming guro, wow I'm so excited na talaga.
Sinulat ng secretary ang mga pangalan namin at inilagay ito sa fish bowl. Hinalo ito ng aming guro at isa-isa kaming pinakuha.
Laking gulat ko nang makita ang pangalan ng nabunot ko,
'Christian Vincent Sy'
Okay, what the heck! Bakit siya pa yung nabunot ko? Kinakabahan tuloy ako. Biglang tumibok ang puso ko, nakakainis naman!
"Okay, so sa tingin ko ay lahat kayo nakabunot na. Ngayon naman ay ipapapasa ko isa-isa sainyo ang papel. At isulat niyo dun ang wish list niyo." napatango naman kaming lahat.
Ibinigay saakin ng kaklase ko ang papel, at hinanap ko agad yung kay Christian.
'Christian- Sa nakabunot saakin, ang gusto ko lang naman ay Rolex na relo. Alam kong kaya mong bilhin yun. Mayaman naman panigurado ang nakabunot saakin e. Atska, kahit personalized shirt lang. Yung mukha ng pinakamamahal ko na babae, si Samantha ;) Atska, gusto ko din yung panty ng ex-girlfriend ko. Sana makuha mo yun. Good luck sayo!'
Hindi ko alam. Pero napatigil ang pag hinga ko nang mabasa ko ang huling sinabi niya. Nasisiraan na ba siya? Panty ko? Like what the hell! Baliw talaga siya! Nakakainis.
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover