39.

34 1 0
                                    

Doon lang

Alas nuebe na nang umalis kami sa Batangas, kanya kanya kami ng sasakyan. Sina mommy, ay nauna na pagkatapos ng proposal dahil may pupuntahan pa sila. Ganoon din ang magulang ni Christian. At kami namang magkakaibigan ay sabay sabay na lilisan at babalik patungong Maynila.

"Mauna na kaming umalis," dala dala ni Summer ang bagahe niya, nag papaalam sa amin. Tumango naman kaming lahat, "Sige, susunod na rin kami maya-maya. Mag iingat kayo."

Nag ayos lang kami ng mga gamit, at una una nang umalis sa resort. Kami na ni Christian ang pinaka nahuli na umalis, dahil inayos niya pa ang mga bayarin sa resort.

"Text mo 'ko kapag malapit na kayo," seryosong sabi sa akin ni kuya at niyakap ako. Alam ko na kung bakit ganyan siya. Masaya 'yan na nag seselos.

"Okay, kuya. Kayo din. Mag text kayo kung nakauwi na kayo. Mag iingat kayo," ngumiti ako sa kanya habang yakap yakap pa rin siya.

Nilagay na namin ang mga gamit namin sa sasakyan ni Christian at umalis na.

Tahimik lamang kami sa byahe, pero siya ang nag basag ng katahimikan.

"Wanna eat?" Naka tuon pa rin ang tingin niya sa daan, at ang parehong kamay ay nasa manibela.

"Mamaya na lang, 'pag may nadaanan tayo riyan na fast food chain." Ngumiti ako sa kanya, hindi yata napansin.

"I still can't believe that you are already my fiancée." Naka tuon pa rin ang tingin niya sa daanan, habang ako ay nakatitig na sa kanya.

I smiled, "Ako rin. Hindi ko inaakala na  tatanungin mo na ako."

Ngumisi siya at ibinaba ang kanang kamay to hold my thigh. Ipinatong niya lang ang kamay doon na para bang sanay na siya sa ganoong posisyon.

"I've been wanting to ask you to marry me ever since we were in high school." Gulat akong tumingin sa kanya, agad akong pinamulahan ng mukha.

"Talaga?" Tinatansta ko ang sasabihin niya.

"Yeah...pero alam ko naman na bata pa tayo, baka hindi ka pumayag." may pinaghalong lungkot at takot ang tinig niya, "Baka umayaw ka, baka hindi pala ako ang nakikita mong papakasalan balang araw."

I laughed, nababaliw na ba siya? Bakit niya naman naisip 'yon? Hindi niya ba alam na, high school pa lang kami seryoso na ako sa kanya. Seryoso na ang nararamdaman ko.

Ang bata kong puso, sigurado na sa nararamdaman ko. Siya ang una kong pag ibig, siya rin ang magiging huli.

"You should've asked me," ngumisi ako at tumingin sa bintana para hindi ko makita ang reaksyon niya.

"I already know your answer," mataman ko siyang tignan, "Kaya nga, you should've asked me! Para malaman mong oo ang sagot ko. Bata pa lang ako, alam kong ikaw na ang gusto kong makasama pang habang buhay."

He smiled at me, hinalikan ako sa noo, at ibinalik na ang tingin sa daanan. Mahaba habang byahe ang tatahakin namin kaya naman mayroon pang oras para makapag pahinga.

Medyo naging traffic lang sa may sctex dahil bumuhos na ang ulan. Mukhang matagal tagal na traffic ito. Dahil, 10 minutes na kaming nandito ay hindi pa rin umuusad ang trapiko.

Ayoko nang bumalik rito dahil nakaka trauma na ang sobrang traffic. Maiihi ka na sa sobrang tagal.

"Naiihi na ako..." namamalipit na ako dito sa aking inuupuan, hindi na kinakaya ang nararamdaman.

"Ihing ihi ka na ba talaga? Wala tayong mahihintuan dito." Nag aalalang tanong sa akin ni Christian. Lumilinga-linga na siya sa paligid upang mag hanap ng lugar na pwedeng pag ihian.

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon