20.

57 2 1
                                    

Harana

Pag katapos nang usapan namin ni Sallie ay dumeretso na kami sa bahay nila. Tahimik lang ako. Hanggang sa makita ko si tita, "Hi tita." Nag mano ako sakanya.

Dumeretso na kami sa kwarto ni Sallie, naupo ako sa gilid ng kama niya, "Sam," rinig ko ang pag tawag ni Sallie saakin, "Hmm?" nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko, "I'm really sorry kung nasabi ko 'yun ha. Nag aalala lang ako para sa'yo, at para sa ibang tao. I hope you understand."

Ngumiti ako at niyakap siya, "It's okay. Bestfriend kita, kaya alam ko na iniisip mo lang ang kabutihan ko. Sorry kung naging ganito ako."

Nanuod na kami ng movie, The Purge ang naisipan naming panoorin. First time ko itong mapanood. At masasabi kong maganda ito. Gusto ko 'yung mga ganitog klaseng movies e.

Nakatulog ako dahil naka tatlong movies kami ni Sallie. Narinig ko siyang may kausap sa kanyang cellphone. Sa tingin ko ay si Clarence iyun.

"O, gising ka na pala." Sabi niya saakin, "Mag ayos ka na 8pm na e." Tumango naman ako at dumeretso na sakanyang bathroom.

Hinubad ko na ang aking damit at nagbabad na sa bathtub. Napaka dami kong iniisip. Ang pananakit ko sa damdamin ng iba, ang kumplikado na pagmamahalan namin ni Christian. 'Yung pakiramdam na alam niyo naman sa sarili niyo na mahal niyo ang isa't isa ngunit may humahadlang dito. May mga pag subok na dapat lagpasan. May mga dapat ayusin saaming buhay. Ang gulo gulo ng pag iibigan namin. Hindi naman ganito ang pinlano namin ngunit bakit naging ganito ka kumplikado?

"Sammy, matagal ka pa ba dyan?" nagulantang ako sa tawag ni Sallie saakin. Naalala ko na aalis nga pala kami. Tumayo na ako sa bathtub at nilinis na ang aking sarili, "Yeah, I'm almost done."

"God. Napakatagal mo naman sa bathroom, Sam. Nilamon ka ba ng tubig doon?" tanong saakin ng bestfriend ko, "Nope, nag-iisip isip lang ako."

"Andyan na si Clarence sa baba, mauna na ako ha." ngumiti naman ako sakanya.

Nag-ayos na ako ng sarili ko. Sinuot ko ang red dress ko, nakagaya ng dress ni Nadine Lustre sa cover niya sa isang sikat na magazine dito sa Pilipinas. Off shoulder iyun, at kita ang tyan ko. At above the knee naman ang taas nito. Kinulot ko ng malaki ang buhok ko, at nag apply lang ng light make-up. Ngunit ang lipstick ko ay para akong sinapak sa sobrang pula. Pero bagay naman saakin ang red na lipstick dahil sabi nila ay maputi naman ako.

Nag selfie muna ako at pinost ang aking selfie saaking Instagram account.

Bumaba na ako ng hagdan at napatingin ang mga kaibigan ko saakin. Nagulat ako dahil nandun na sila Carl at Summer, si Clarence na kanina pa dumating. At laking gulat ko nang makita ko sina kuya at Nadine. Kumpleto na sana ang barkada ngunit may kulang na isa, at iyun ay si Christian.

"You look good, my sister." pag puri saakin ni kuya, "Thanks kuya, I'm glad na naisipan niyong sumama." ngumiti si Nadine at siya na ang sumagot, "Yeah, pinilit ko kasi siyang sumama dahil mukhang masaya mag bar ngayon. Lalo na't weekend naman ngayon."

Masaya ako na, nagtagal si kuya at Nadine. Mukhang naka move-on na nga talaga siya kay Jane. Hindi ko na isasama si Amanda sa mga ex ni kuya dahil, sigurado ako na naka move on na 'yun ng tuluyan kay Amanda. Kalandian niya lang naman si Amanda noon.

Kayla Sallie na ako sumakay dahil wala naman akong kasama. Hinayaan ko na mag solo sina kuya at Nadine. Nakakainggit nga dahil ako lang ang walang kasamang date sakanila. Kung pwede ko lang talaga isama si Christian e. Kaso ay magtataka sila.

"Sammy, bakit hindi mo sinama si Dino?" tumingin sa rear mirror si Clarence saakin, "He's busy e. Ayoko naman na istorbohin pa siya." tumango tango naman si Clarence saakin, "Sayang at ikaw lang ang walang ka-date ngayon." ngumiti na lang ako sakanila.

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon