4.

96 5 0
                                    

Moving On

Samantha's Point of View

Ang boring naman, wala akong magawa ngayong araw na to. Damn, ang hirap pala mag move-on.

Malapit na akong bumalik sa Pilipinas, excited na ako sobrang excited silang makitang lahat, lalo na siya.

Oo, gusto ko siyang makita kasi gusto kong maghiganti sa lahat ng sakit na pinadama niya saakin.

Hindi ko alam kung paano sisimulan mag move-on. Paano nga ba mag move-on? Bakit ba kasi ang hirap mag move-on, pwede naman kasi na kapag sinaktan ka niya e bigla na lang mawawala ang lahat ng sakit na nararamdaman mo para sa taong mahal mo.

Ano ba to, bakit umiiyak na naman ako? Ayoko na, ang sakit sakit sakit. Mas masakit pa sa mga sugat ko sa tuhod noong bata ako.

Andito lang ako sa condo, oo sa condo. Naalala ko na naman tuloy yung nakita ko nang mismong anniversary namin. O diba, ang sakit lang maalala.

Nakatingin lang ako sa bintana, may snow ngayon. Kaya nga sobrang nilalamig ako e.

Ang ganda ng paligid kahit na puno siya ng snow. Ang sarap pag masdan nito.

Naalala ko tuloy dun sa amusement park, yung nasa snow world kaming dalawa. Ang saya saya namin, noon. Pero ngayon, hindi na. Miserable na ang kanya-kanyang naming buhay.

Dahil napapagod na akong tumingin sa paligid, naupo na ako sa kama ko at binuksan ang laptop ko. Nag log-in ako sa Facebook ko. Tagal ko nang hindi nabuksan ang facebook ko, inamag na ata 'to.

Habang nag sco-scroll ako sa news feed ko hindi ko inaasahan ang nakita ko. Si Jane Jocson at Christian Sy, magkasama sa picture at mukha silang masaya, magkadikit ang mga labi nila.

Ang sakit sakit makita na siya masaya samantalang ako dito nagpapakahirap para makapag move-on, pero sabagay matagal na nga pala yang naka move-on. Kaya nga yan o, nambabae na siya.

Bakit ba kasi binuksan ko pa yung facebook ko. Tska bakit ganon, nung kami pa hindi naman siya nagpopost ng ganon. Kahit may pictures kami na magka-kiss. Bakit yung mga pinopost niya lang nung kami pa e yung pictures namin na naka-kiss lang siya sa cheeks ko o kaya naman magkayakap kami. Pero bakit kay Jane? Bakit ganito?

Bakit kahit masakit, pinindot ko parin ang facebook niya at nag stalk. Bakit kahit nasasaktan na ako nag sta-stalk parin ako? Para lang akong timang dito na umiiyak habang nag sco-scroll down sa Facebook niya.

Ang dami niya na palang post kasama tong higad na 'to. Matagal niya na pala akong niloloko, pero bakit hindi ko nalaman agad? Bakit hindi ko binuksan ang Facebook ko para malaman ang totoo?

Ang sakit sobrang sakit, kasi umasa ako na sa pag balik ko para parin kami yung dati, yung masaya, yung sweet. Pero ngayon, nawala yun sa isang iglap dahil sa aliparot na Jane na 'yan.

Pag sisihan talaga nila yung mga pangloloko na ginawa nila saakin. Be ready for my sweet revenge.

Habang umiiyak ako dito, biglang nag ring ang phone ko. Si Dino pala tumatawag.

"He-hello?"
[Sam, umiiyak ka ba?]
"Ha? H-hindi ah. Sinisipon lang ako."
[Wag ka na mag sinungaling, tatlong buwan na tayong magkasama dito. Kaya pwede ba, wag ka nang umiyak? Diba nga nag mu-move-on ka na sa lalaking 'yan? Kaya wag mo na yang iyakan. Labas na lang tayo."
[Ikaw talaga, napaka baliw mo. Oo na, mga stage 5 na siguro ako ng moving on stage. Oo na, labas na tayo. Sunduin mo ako. Please.]
"Buti naman. Oo naman, susunduin kita. See you."
-end call-

20 minutes nang makarating dito si Dino.

"Let's go?" Aya niya saakin, "Tara." sagot ko naman.

Nag drive siya papuntang noodle restaurant. Sobrang lamig dito, kaya doble doble ang jacket namin. Kaya nga hindi na kami naka aircon e. Ang lamig kasi.

"We're here." sabi niya saakin at nginitian ako. Ngumiti naman ako pabalik, "Excited na akong kumain."

Pumasok na kami sa restaurant, naupo na kami sa may dulo. Tapos nag simula na kami pumili ng order. Parang Korean style tong noodle restaurant nila. Ang cute.

"So, kamusta?" Tanong niya saamin pagkaalis ng waiter, "Okay naman." sambit ko

"Are you sure? You've got to be kidding me, Alley. Kanina umiiyak ka tapos ngayon you're already okay?" tumawa siya

tinignan ko siya ng masama, "Oo nga. Okay lang ako, pero masakit padin."

Ngumiti siya at ginalaw galaw ang kilay niya,"Alam mo ba kung bakit kita inaya?" Nagtataka akong tumingin sakanya, "Uhh, hindi." tumawa siya at nag seryoso ng mukha.

"I am going to help you move on with that douchebag."

"Seryoso ka?" I asked him, tumango naman siya, "Oo naman, expert yata ako dyan. Nung alam ko kasing wala akong pag-asa sayo nag move-on na ako. Pero ngayong break na kayo baka meron na ulit. But I'm just kidding, naka move-on na ako sayo. I guess. But, yun nga, tutulungan kitang mag move-on. At kung ano ano ang ibang ways para iprove sakanya na you don't love him anymore."

"So ano deal?" Tanong niya saakin

"Deal."

--

Itutuloy....

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon