Usapan
Samantha's POV
Pabalik na ako sa loob ng bar nang marinig ko ang usapan nila, "Dude, bakit may mga pula ka sa pisngi mo? May kahalikan ka ba?" Tanong ni Drew kay Christian
Kahit madilim ang ilaw ay nakita kong namula siya, "W-wala, nakagat lang siguro ako ng lamok."
"Dude, hindi kagat yan ng lamok. Lipstick 'yan e. Lagot ka kay Jane." Ani Drew, "Pwede ba? Shut up? Its non of your business, bro." Napatahimik na lang si Drew sa sinabi ni Christian.
Nakita nila akong papabalik sa upuan, "Where have you been?" tanong ni Dino, "Uh, sa comfort room." Napatango naman siya, "Bakit parang nagulo buhok mo? At medyo kalat ang lipstick mo babe?" Oh my goodness! Ano ang isasagot ko? "Huwag niyo na nga siyang tanungin!" sigaw ni Christian, "Kayo siguro yung naghalikan no?!" Tanong ni Carl, "What? No way!" Parehas naming sigaw. "Uyy, bakit defensive kayong dalawa?" tumawa sila, "It's non of your your fucking business, bro."
Nanahimik na lang ako, at tinuon ang aking tingin sa cellphone ko. Nakita ko ang text ni Dino.
Dino:
What did you guys do?
Ako:
Um, wala Dino. I just went to the bathroom. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling.
Hindi ko na muna sasabihin kay Dino ang nangyari saamin ni Christian, dahil panigurado akong mag aalburoto na naman yun sa galit. Kahit ba na peke lang ang relasyon namin, nirerespeto ko parin siya, "boyfriend" ko parin naman siya e.
1am na, at nakatulog na ang iba sa sofa, "Sam, kami na ang maghahatid kay Dino. He's drunk." Ani Carl
Tumingin ako kay Carl, "S-sigurado ba kayo? A-ako na ang maghahatid sakanya. Sanay naman akong mag drive e. And I am not drunk. So I can take care all of this. Thanks." umiling si Carl, "No. Gabi na, Samantha. Baka mapaano ka pa. Kami na bahala okay. Ako na din maghatid sa mga kupal na 'to." sabi ni Carl kaya naman tumango na lang ako.
Inihatid ko sila sa labas ng bar, kasama na din si Jane sa ihahatid niya, nakabalik na ako sa loob ng bar upang kunin yung bag ko, at habang naglalakad ako pabalik sa pwesto namin ay nakatingin ng deretso si Christian saakin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha. Naguguluhan ako.
Na-realize ko na kaming dalawa na lang pala ang natitira at umuwi na ang lahat ng mga kabarkada namin pati si kuya. This is not good. They left me with my ex.
"Maupo ka muna." tinapik ni Christian ang tabi niya, nag aalinlangan ako kung mauupo ba ako o aalis na.
"Let's stay for a while," mapupungay na ang mata niya, at gulo na ang buhok niya. God! Bakit ba kahit lasing na siya ay ang gwapo parin niya? Ang mga labi niyang mapupula, mga pilikmatang mahahaba, chinitong mata, matangos na ilong. Ang gwapo niya.
"No. Let's go home, ihahatid na kita sainyo. You're drunk, Christian." hinawakan ko ang braso niya para hilahin siya, pero kahit na lasing na siya ay nakuha niya parin akong hilahin, kaya naman napaupo ako sa binti niya at napahawak sa dibdib niya. Malapit ang mukha namin sa isa't isa. This is so awkward.
"You look so damn beautiful, beb." kinilabutan ako sa pag tawag niya ng 'beb' saakin. Na-miss ko ang pag tawag niya ng beb saakin, matagal tagal ko ding hindi narinig yun. Ang sakit sa puso.
"You can't fool me, Christian." sabi ko sakanya, ngumisi siya, "Sinong nagsabi sayo na niloloko kita?" nakaupo parin ako sa binti niya, at hawak niya ang mga braso ko, "I mean, hindi mo ako maloloko. Akala mo madadala mo ako sa charm mo? Sa pag papa-pacute mo? Akala mo maniniwala ako na mahal mo parin ako? Akala mo maniniwala ako na hindi mo na ako lolokohin ulit? Pwes, nagkakamali ka. Now, get off me!" itinulak ko siya.
"Okay, okay. Let's go home." Sabi niya, at hinawakan ang kamay ko.
Ako na ang nag drive papauwi, ihahatid ko na siya sa bahay niya, napatingin ako sakanya habang nagmamaneho ako, bakit kahit tulog siya ay ang gwapo niya parin?
"We're here, Christian. Wake up." sambit ko, "Hmm." pag ungol niya, "I said wake up!"
Inakay ko siya papaakyat sa kwarto niya, inihiga ko na siya sa kama niya, tulog parin siya. Ang bigat niya.
Ambang aalis na sana ako ng bigla niyang tinawag ang pangalan ko, "Samantha."
Lumingon ako sakanya, "Hmm?"
"Please stay. Stay here with me." nakapikit parin siya habang sinasabi niya yun.
Bakit ako nasaktan sa sinabi niya? Mag ste-stay pa ba ako kung alam kong wala na talaga? Mananatili parin ba ako sa tabi niya kahit hindi na ako ang mahal niya?
Oh shoot you, Samantha! Huwag kang mag drama, hindi iyun ang ibig sabihin niya.
"No, I can't Christian. I need to leave." sabi ko sakanya, "No. Stay here with me. Dito ka na matulog, kahit ngayon lang p-please?"
Naupo ako sa sofa niya at pinag masdan siya. Napaisip ako sa nangyari kanina, maybe he's just drunk kaya niya ako hinalikan kaya niya sinabi na mahal niya parin ako. Yes, maybe. Ganoon naman talaga pag nakakainom diba? Kung ano ano ang sinasabi?
Gusto ko nang lumayo sakanya, kasi sa ginagawa niya mas lalo akong nasasaktan. Mas lalo akong nahihirapan mag move on. Mas lalo akong umaasa at nagpapakatanga.
I think I should just focus with my studies and with my work. Pagkatapos nitong gabi na 'to ay lalayo na ako sakanya. Hindi ko na siya ulit kakausapin. Susubukan ko ng mag move on ng tuluyan.
I hate you, Christian! Bakit mo ba kasi ginagawa saakin 'to? Bakit mo ba ako pinapaasa na ako parin ang mahal mo? Pinag mumukha mo lang akong tanga e.
Sinabi mo saakin, na nilandi ka lang niya at isang pagkakamali lang yun. Pero bakit ganon? Mukha ka namang masaya sakanya? Mukhang hindi mo naman na ako kailangan. Mukhang naka move on ka na at ako na lang ang hindi.
Ayoko na munang masyadong mag-isip, basta kahit anong gawin niya ipagpapatuloy ko parin ang plano ko. Ipapakita ko sakanya na masaya na ako ngayon sa piling ni Dino. Na hindi ko na siya kailangan sa buhay ko.
I wiped my tears, "Bakit ka umiiyak? Dahil saakin ba?" husky ang boses niya, at mapupungay na ang mata niyo.
Humalakhak ako, "Hindi no. Ang kapal ng mukha mo! Hindi kita iniiyakan."
"Umiiyak ka dahil saakin e," pag pipilit niya, "Bakit ba ang hilig mong ipag pilitan ang mga bagay na alam mong hindi naman, hindi naman pwede. Bakit ba ang hilig mong ipag pilitan kahit alam mong wala na. Tapos na."
"Umiiyak ka kasi nasasaktan ka, umiiyak ka kasi ang gago ko sayo diba? Umiiyak ka kasi sinayang ko yung relasyon natin. Umiiyak ka kasi mahal mo parin ako?" nabasag ang boses niya sa huli niyang sinabi.
"Umiiyak ako kasi naiinis ako, naiinis ako kasi ikaw yung kasama ko at hindi si Dino. Umiiyak ako kasi baka magalit siya saakin, baka mag selos yun." I lied.
"Ang babaw naman ng iniiyakan mo?" tanong niya, "Mababaw kasi mahal ko siya." ganti ko sakanya.
Tumitig siya saakin, namumula ang mga mata niya, "M-mahal mo ba talaga siya?"
Shit! He is crying. Bakit siya umiiyak? Hindi pwede 'to. Pag umiiyak siya ay lumalambot ang puso ko. Hindi ito pwede.
"Yes, I love him more than I loved you." Pag sisinungaling ko, alam kong masyadong masakit ang sinabi ko pero alam kong iyun ang tama, gusto kong masaktan siya.
"Christian, diba sabi ko let go of me? Pero bakit ginaganito mo ako?" tanong ko sakanya, "Oo nga pala, ile-let go na kita. Nakalimutan ko e. Akala ko kasi pwede na ulit tayo."
"Sam, yung pag sagot mo sa mga halik ko kanina ano yun? Anong ibig sabihin nun?" tanong niya saakin, "That's...nevermind."
"Sige, h-hindi na kita pipilitin kasi alam kong hindi mo naman sasabihin e."
"Samantha, you can now leave my house." sumakit ang puso ko sa sinabi niya. Nasaktan ko ba siya sa mga sinabi ko? Sa malamang oo, kaya niya nga ako pinapaalis e.
Hindi ko pinakita na nasaktan ako sa sinabi niya, tutal yun naman talaga ang plano ko, na paalisin niya na ako sa buhay niya.
"Okay, I'll leave now.."
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover