5.

129 4 3
                                    

Okay na ako

Flashback....

"Deal" pag sangayon ko sa plano ni Dino.

Tutulungan niya ako mag move-on at sa tingin ko naman ay gagana ang plano niya. Tutal, malapit na naman ako sa 100% nang pag mumove-on e. Kaya sa tingin ko ay hindi na mahihirapan si Dino na tulungan ako.

Excited na tuloy ako bumalik ng Pilipinas. Excited na akong makita silang lahat. Lalo na siya. Dalawang linggo na lang ay babalik na ako ng Pilipinas. At sa tingin ko ang natitirang dalawang linggo ko dito ay talagang lubusan ko na siyang makakalimutan.

Inihatid na ako sa condo ni Dino. Nagpaalam ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi. Okay lang naman yun dahil naging sobrang close na kami ni Dino. Sayang lang, hindi ko siya nabigyan ng pagkakataon noon nung inamin niyang gusto niya ako. Bakit ba naman kasi sa kupal pa na yun ako nahulog. Psh.

Kinabuksan.....

Tinawagan ako ni Dino at sinabi niya saakin na ngayon daw mangyayari ang Oplan: Tulungan maka move-on si Samantha. Natatawa nga ako kasi may pa title title pa siyang nalalaman sa pag tulong niya saakin.

Susunduin niya daw ako mamayang 3pm. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta e. Pero bahala na, may tiwala naman ako sakanya.

*ding dong*

agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at pinagbuksan ng pinto si Dino. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala talaga siya, kaya pala mainit ang dugo sakanya ni Christian- Ay kairita. Christian na naman! siya na naman ang nasa bukambibig ko. Tama na nga Samantha. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo mag move-on e.

"O, buti nakahanda ka na. Ano tara?" sabi niya saakin at ngumiti.

"Yep, sandali lang at kukuhanin ko lang ang phone at wallet ko." pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang phone at wallet ko. Agad agad akong lumabas at nakita ko si Dino na naka ngiti saakin. Ini-lock ko na ang pinto ng condo ko.

"Let's go?" aya ko sakanya, tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Napatigil naman ako sa paglalakad kasi nakakailang talaga. Ngumiti siya saakin, "Wag kang mailang saakin, Sam. Kasama to sa pag mumo-move on. Try mo, humawak ng kamay ng ibang lalaki. Baka makalimutan mo agad siya."

Napatango naman ako sa sinabi niya. Oo nga no, pero siguro naman hindi sa isang stranger lang ako makikipag holding hands.

Sumakay na kami sa sasakyan niya, inikinabit ko na ang seat belt ko. Tumingin ako sakanya, nakatuon lang siya ng tingin sa daan "Uh, Dino. Paano mo ako tutulungan mag move-on?"

Tumingin siya saakin sandali at ibinalik ang tingin sa daan, "Madali lang. Pupunta tayo sa isang lugar dito sa Canada. Lugar ito kung saan lahat ng taong broken hearted ay pwedeng pumunta. Tinatawag itong 'The moving-on place' dito ako dati pumunta nung nag mumove-on ako sa ex ko."

Napatango naman ako sa sinabi niya, "Ah, e anong gagawin dyan sa lugar na 'yan?" ngumiti siya saakin, "Marami. Yung lugar kasi na iyun parang by stages. Sige ibibigay ko sayo ang mga steps kung paano mag move-on.

1.Clear your baggage Acknowledge, accept and let go of your feelings. ... 2.Recognize he/she is not the one for you. ...

3.Share with your close friends. ...

4.Reduce contact with him/her. ...

5.Seek closure with him/her. ...

6.Forgive him/her. ...

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon