Mine
Maaga kaming nagising dahil nga pupunta pa kami sa Batangas. Dito na natulog ang mga kaibigan namin para sabay sabay na kaming aalis.
"Morning," bati ni Christian sa akin. Ngumiti ako dahil ang gwapo niya kahit bagong gising, "Good morning."
Agad na akong tumayo para mag-ayos ng sarili. 3:30am na kaya ako ay mag mamadali na.
"Ligo na ako ha," sabi ko sa kanya habang siya ay nakahiga pa.
"Sabay na tayo." Sinimangutan ko siya. "Manyak."
"Just kidding," tumawa kaming dalawa.
Kaming dalawa lang ni Christian dito sa kwarto niya, tapos 'yung iba ay nasa guest room at 'yung iba ay nasa sala ng condo niya.
Pagkatapos naming lahat mag ayos ay nag agahan na kami para madali kami.
4:30 am nang maka-alis kami sa condo ni Christian.
Hiwa-hiwalay kami ng mga sasakyan dahil may kanya-kanya na kaming love life. Gusto kasi nila ay masolo nila ang mga boyfriend/girlfriend nila.
Sumakay na kami ni Christian sa Eco Sport niya, at ikinabit ko na ang seat belt ko. Ganoon din siya.
"What do you want?" Tanong niya sa akin, nag tataka naman ako, "Huh?"
"Gusto mo ba ng mcdonald's or what?" I smiled. "Sige. Thank you."
Binuksan niya ang bintana, "Mauna na kayo. Mag drive thru lang kami ni Sam. Alam naman namin ang pupuntahan."
Pinaandar na ni Christian ang sasakyan patungong Mcdonald's.
"Good morning, may I take your order?" ani ng cashier.
"Dalawang nuggets, isang chicken fillet, isang bff fries at dalawang coffee float." ani Christian.
"Is that all?" tanong ng cashier, "Yes."
"Dami mo namang inorder. Kaka breakfast lang natin ha?" Tanong ko sa kanya, "Eh gutumin girlfriend ko e. Atska mahaba ang byahe. Para may makain ka."
Ngumiti ako, "Thank you, Christian."
"You're welcome."
Nag soundtrip naman kami habang nasa byahe, dahil mahaba-haba pa ang byahe.
"Baby," malambing niyang tawag sa akin.
"Hmm?" sagot ko habang kumakain ng fries.
"Kailan mo gustong mag pakasal?" Naubo ako sa tanong niya!
"What?" Nasamid ako kaya uminom agad ako.
"Wala, parang ayaw mo naman yata." Naka tuon lang ang tingin niya sa daan.
"Hindi ah, I'm just shocked! Bakit mo naman natanong 'yan? I mean, wala pa sa plano natin 'yan ha." Sabi ko sa kanya, "Kaya nga planuhin na natin. I can't wait to marry you."
Napangiti ako.
"This month ba gusto mo?" Nasamid na naman ako. Itong lalaki talaga na 'to! Deretsahan e.
"Agad agad? Sure ka na ba talaga sa akin ha?" Tanong ko sa kanya, tinatansya ang sagot.
Napasimangot siya, "I'm always sure of you."
Pakiramdam ko ay namula ng sobra ang pisngi ko.
"Seryoso kasi. Baka lokohin mo na naman ako e." Nakita kong nag bago ang ekspresyon ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover