36.

46 2 0
                                    

Anak

Nagising kami ni Christian sa tawag sa kanyang phone.

"Puñeta, kanina pa kami tumatawag. Anong oras na oh! 10:30 na! Ano bang ginagawa niyo ha?" kahit hindi naka on ang loud speaker ay rinig ko ang boses ni kuya.

"Tangina, pwede ba kumalma ka. Nakatulog lang kaming dalawa. Nasaan na ba kayo?"

"Andito kami sa lobby, hinihintay kayo." Sabay baba ng telepono.

"Alam mo 'yung kuya mo, may sapak no? Parang gago lang." natawa naman ako sa kanya, "Tama na, paranoid lang talaga si kuya. Parang 'di mo naman kilala 'yon. Tara na."

Bumaba na kami, at nakita naming nakasibangot ang mukha ni kuya, "Ano ba kasing ginagawa niyong dalawa ha? Napakatagal niyo. Alam niyo namang may plano tayo e."

Nag igting ang bagang ni Christian, "Napagod si Sam kaya natulog muna kami. Edi sana nauna na kayo, hindi niyo na kami hinintay."

"Eh 'di ba nga, may usapan tayo? Sabay sabay tayong iikot dito." nagkakainitan na silang dalawa kaya inawat ko na sila.

"Tama na, okay? Kuya, I'm sorry. Napagod lang talaga ako sa byahe kaya pinag pahinga muna ako ni Christian. Sorry, hindi namin nasagot 'yung tawag mo. And Christian, 'wag mo na sagutin si kuya. Concerned lang 'yan. 'Wag na kayong mag away. Let's just enjoy this vacation, okay?" Tumango naman sila.

Lahat kami ay nag alisan na para gawin ang iba't ibang activities. Nag picture muna kaming lahat ng sama sama, tapos 'yung couple couple na kuha. Tapos naming mag picture ay nag swimming muna kami doon sa may pool. Tanaw mo naman doon ang hotel at ang beach. Malawak din ang pool nila. Maganda ang view.

After naming mag swimming ay nag pahinga lang saglit at tumungo naman sa beach para mag banana boat.

"Kuya, pwede po bang pa videohan kami dito sa go pro habang nag ba-banana boat?" Tanong ni Sallie, tumango naman 'yung lalaki.

"Thank you po." Ngiti ni Sallie.

Sumakay na kaming lahat sa banana boat. Si kuya sa harapan, si Nadine sa likod niya, si Clarence sa likod ni Nadine tapos si Sallie sa likod ni Clarence, si Carl sa likod ni Sallie tapos si Summer, tapos ako at sa likod si Christian.

Umandar na ang banana boat, habang naka bulong si Christian sa akin, "Kapit ka mabuti ha." Tumango ako at ngumiti.

Ang lakas ng alon at halos lahat kami ay muntik nang mahulog. Pero buti lahat kami ay nakakapit. Natatakot akong mahulog dahil hindi ko na makakapa 'yung sahig. Sanay naman akong lumangoy pero takot na ako pag malalim na, kahit pa may life vest pa kami.

Natapos ang 30 minutes naming banana boat. At lahat kami ay masaya at pagod dahil sa alon.

"Kapagod. Kain na tayo." Ani Nadine. Sumangayon kaming lahat.

Dahil Max's lang naman ang kainan sa Canyon Cove ay no choice na kami. Sa labas na lang kami pumwesto dahil galing kami sa basa, at baka kami ay lamigin.

Pagkatapos kumain ng tanghalian ay tumambay muna kami doon sa may pool, naupo muna kami sa sun lounger dahil busog kaming lahat.

"I'll take a picture of you." Gulat ako sa sinabi ni Christian sa akin, nag pose naman ako ng iba't ibang klase, dahil sa phone niya siya kumukuha ng litrato.

"Carl, can you take a picture of us?" tumango naman si Carl, at nag thank you si Christian.

Pumwesto siya likod ko, ibinuka niya ang legs niya, para maipasok niya ang maliit kong katawan at hinapit ako ng yakap, ang kanang kamay niya ay nakayakap sa dibdib ko, habang ang kaliwa naman ay nasa tyan ko. Iniayos ko ang legs ko sa magandang position para hindi awkward tignan sa litrato.

"One, two, three..." bilang ni Carl.

Iba't ibang pose ang ginawa namin, mayroong naka patong ang ulo niya sa aking balikat at mahigpit na nakayakap sa akin.

Kinuhanan niya din kami sa polaroid, may pose kami na naka kiss siya sa cheeks ko habang yakap ako. At marami pang iba.

Kinuha ko naman ang phone ko, para kuhanan ang polaroid pictures namin pang Instagram.

"By, look at this. Ang cute mo dito." Tawag sa akin ni Christian. Ngumiti naman ako sa kanya.

Nag upload ako sa Instagram ng picture namin. Iyun 'yung mga kuha namin sa polaroid ko.

@iamsamanthauy: my love.

agad namang nag comment si Christian sa inupload ko.

@iamchristianvincentsy: i love you!

nag comment din ang mga kaibigan namin, 'Ang lalandi niyo!' 'Walang forever.'

Nag swimming ulit kami, at nang medyo mainit na sa balat ang araw dahil ala una na ay nagsiahunan na kami.

"Guys, we'll take a bath muna." ani Summer kasama si Carl. Tumango kaming lahat.

Nag kanya kanya muna kami, kaming dalawa ni Christian ay nag patuyo lang at nag ikot ikot muna. We took a lot of pictures together.

Siya naman din ang naging official photographer ko, sa lahat ng lakad namin ay siya parati ang photographer ko.

Naupo muna kami sa may buhangin. Nakatingin lang kami sa dagat, hindi kami nag uusap na dalawa. Basta tahimik lang kami at ninanamnam ang ganda ng paligid.

Pinag salikop ni Christian ang kamay naming dalawa. Hinilig ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

Gusto ko ganito lang kami parati, masaya lang palagi. Pero sympre, hindi pwede sa isang relasyon ang palaging masaya lang. May mga araw na mag tatalo talaga kayo at hindi magkakaintindihan. Pero dahil mahal niya ang isa't isa ay magkaka patawaran pa rin kayo.

"Can we stay like this forever?" Tanong niya sa akin ngunit naka tingin pa rin sa tanawin.

Hindi ako nag salita, pero mas lali kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya.

Oo, we can stay like this forever.

"I can't wait to have kids with you, tapos dadalhin lang natin sila parati sa mga ganitong lugar. Gusto ko, mas ma-appreciate nila 'yung mga ganitong tanawin, kaysa puro sila gadgets. Gusto ko simpleng pamumuhay lang, kasama ka at ang ating mga anak." Napangiti ako sa sinabi niya.

Kitang kita ko sa kanya na sincere siya sa mga sinasabi niya. Na para bang pinlano niya na ang mga mangyayari sa amin kung sakaling magkaka pamilya na kami.

"Ilang anak ba ang gusto mo?" Nilingon niya ako kaya naman napatingin din ako.

"I want 2 kids, one boy and one girl." sabi ko, "Eh, ikaw ba?"

"Marami sana e, 'yung hanggang kaya mo pa." Sinapak ko siya, "Ayoko na, masyado nang masakit 'yon." Nag tawanan kaming dalawa.

"Kidding, gusto ko tatlo sana. Dalawang lalaki, isang babae para mapoprotektahan nila 'yung nag iisang prinsesa." I smiled.

Ah, this man! I love him so much, at hindi ko na yata kakayanin kung mawala pa siya sa akin.

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon