Masaya ka naman pala
Pagkatapos namin kumain ni Dino ay hindi muna kami umuwi, dumeretso muna kami sa Luneta Park. Gusto niya daw kasi ako makasama ng mas matagal pa kaya naman pumayag ako.
Ilang minuto lang ang naging byahe namin patungo sa park. Agad din kaming nakarating doon, maraming ilaw at kakaunti lang ang mga tao dun. Karamihan ay ang magkakarelasyon ang magkakasama, tulad namin.
Nagulat ako nang biglang may kinuha si Dino mula sa likod ng kanyang sasakyan, kinuha niya ang kanyang basket at naglatag ng kumot sa damuhan sa park. Nagulat ako ng naglabas siya ng mga chichirya tulad ng mga paborito ko, Lays, Piattos, Doritos, Potato chips at Clover. Naglabas din siya ng mga softdrinks. Nanlaki ang mata ko sa dami dahil puro paborito ko 'yun.
"Wait for me here, I'll just get something." Ani Dino at umalis sandali.
Kumuha muna ako ng ilang litrato mula sa park at sa mga inihanda ni Dino at inupload ito saaking social media account. Ilang sandali ay nakabalik na siya, may dalang bouquet of flowers. Nagulat ako, anong meron?
"Anong meron?" tanong ko sakanya, "Wala lang, gusto ko lang bigyan ng bulaklak ang babaeng mahal ko." ngumiti ako sakanya, "Thank you, Dino. Pero hindi mo naman na ako kailangan bigyan ng ganyan dahil wala namang okasyon." sumimangot siya, "Bakit? Tuwing may okasyon lang ba pwedeng magbigay ng bulaklak?" ngumisi ako, "Hindi naman sa ganon, I mean you know, sayang lang. Nag abala ka pa. Pero thank you talaga." hinawakan niya ang kamay ko, "Walang sayang kung para naman sa babaeng mahal mo ang effort na mga binibigay mo sakanya."
Nahiga kami sa kumot habang kumakain ng mga chichirya na binili niya.
Nakakita ako ng maraming bituwin sa langit, ang gaganda nila. Itinaas ko ang kamay ko at ipinagdugtong dugtong ko sa bituwin ang pangalan ni Christian.
Napatingin ako kay Dino at nakatitig siya saakin, "Alam ko naman na siya parin, hindi ko na ipipilit yung sarili ko sa'yo." kumabog ang dibdib ko, nasaktan ako sa sinabi niya. Nasaktan ko na naman siya. Naiinis ako sa sarili ko.
"I'm sorry, Dino." hinawakan ko ang kamay niya, "No need to say sorry, alam ko namang peke lang ang lahat ng ito. Pati nararamdaman mo saakin ay peke. Alam ko naman yun, Sam. Ako dapat ang humihingi ng tawad sayo, kasi kung hinayaan lang kita na mapunta ulit sakanya hindi ka na mapapasok sa ganitong relasyon."
"No, Dino. Tama lang naman ang ginawa mo e, iniligtas mo ako sa lahat ng sakit. Kahit na minsan, hindi ko maiwasan na masaktan. Pero nagpapasalamat talaga ako sa'yo. Kasi lagi kang nandyan saakin." tumingin siya saakin, "Eh ako? Nailigtas mo ba sa lahat ng sakit?"
Ang lalim ng kanyang huling sinabi, tumingin ako sakanya, "Sabi ko naman sa'yo, susubukan ko, susubukan kong magkaron ng 'tayo' susubukan kong buksan ang puso ko para sa'yo."
"Susubukan mo lang? Hindi gagawin? Edi hindi mo magagawa, Sam. Kasi kitang kita naman sa mga mata mo at sa mga salita mo na siya parin. Siya parin at siya lang ang mamahalin mo ng panghabang buhay."
"Samantha, sabihin mo sana saakin ng mas maaga kung hindi mo ko kayang mahalin pabalik. Para mabilis akong maka move on, para kahit laro lang ang lahat ng ito ay hindi na ako masasaktan pa." sabi niya saakin at umiwas ng tingin.
Napatigil ako, hindi muna ako umimik. Nag iisip ako ng sasabihin ko, nag iisip ako kung ano ba ang tama. Nag iisip ako kung sasabihin ko ba sakanya ang totoo, na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na ibinigay niya saakin.
"Dino, alam mo namang mahal kita...kaso hanggang kaibigan lang, muna. Huwag muna nating madaliin ang lahat. Sana naiintindihan mo ako." hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ang labi niya, isang malalim na halik para makalimutan niya muna kahit sandali ang mga sakit, dahil ayoko siyang masaktan.
Ipinagpatuloy niya ang mga halik namin, hinawakan niya ang aking bewang at pinaupo ako sakanyang binti, nakayakap ang aking braso sakanyang leeg, mainit ang kanyang mga halik pero wala akong maramdaman na kuryente, siguro ay dahil hindi ko siya gusto.
Napahiga kami sa kumot, nakapatong ako sakanya, tumigil ako sa paghalik "Baka may nakakakita saatin." itinayo niya ako, "Sorry. Nadala lang ako."
Inayos na namin ang mga gamit para makauwi na kami, 12mn na pala, hindi namin namalayan ang oras dahil sa nagawa namin. Shit! Nag make out ba kami? Hindi naman diba?
Tinulungan ko siyang dalhin ang mga gamit niya sa sasakyan, naupo muna ako sa loob dahil nangawit ako tumayo, "Maninigarilyo lang ako." tumango lang ako sa paalam niya saakin.
Medyo nababagot ako sa loob ng sasakyan kaya hinanap ko muna si Dino, pag tingin ko ay nakasandal siya sa isang puno sa Manila bay, naninigarilyo.
"O, sabi ko sa sasakyan ka muna ah? Baka mapano ka dito." sabi ni Dino habang bumubuga ng usok, "Ang boring sa sasakyan e, kaya hinanap na lang kita."
Niyakap ko siya mula sa likod niya, napatigil naman siya sa paninigarilyo "Bakit?" tanong niya saakin, "Wala lang, salamat lang sa lahat. Thank you for always taking care of me." humarap siya saakin at niyakap ako, "Wala 'yun." kumalas siya sa yakap namin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, "Ang cute cute mo." ngumisi ako, "Ngayon mo lang nalaman?" hinalikan niya ang noo ko, "Hindi, pero kasi lagi ka namang maganda kaya ngayon ko lang nasabi na ang cute mo."
Hinalikan niya muli ako, kinagat niya ang ibabang labi ko, kaya tumugon ako sa halik niya, hawak niya ang beywang ko at medyo naitataas niya na ang t-shirt ko dahil nadala siya sa mga halik ko.
"Masaya ka naman pala sakanya e," natigil kami sa aming ginagawa at napatingin sa nagsalita, si Christian.
"Masaya ka naman pala sakanya, nakakahalikan mo na si Dino, dati saakin hindi ka ganyan."
"Ikaw Dino, nakakailan ka na sakanya ha? Tangina. Akala mo hindi ko napapansin na minamanyak mo lang si Samantha. Tangina, libog lang yan. Layuan mo na si Samantha kung ayaw mong mangitim yang mukha mo." sabi niya at nag igting ang bagang.
"Paano mo nalaman?" tanong ko sakanya, "Tangina kanina ko pa kayo nakikita naghahalikan sa park. Nakakadiri kayo." sabi niya at umalis na.
Oh my God! Narinig niya kaya ang pinag usapan namin ni Dino? Sana naman ay hindi, kasi kung narinig niya 'yun ay buking na ako. Mababalewala ang plano ko.
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover