Friends
Bumalik na kami ni Christian sa lugar namin kanina, baka kasi hinahanap na rin kami ng mga kaibigan namin. Nagtataka ang iba sakanila dahil magkasama kami, bakit? Hindi ba pwedeng magkasama ang mag-ex? Ipinagbabawal ba iyun ng batas, hindi naman diba.
"The two of you, saan kayo nanggaling?" tanong ni Sallie, ako na ang sumagot baka kasi kung ano pa ang isagot ni Christian kay Sallie, "Nagkasabay lang kami, ako nag ikot-ikot, siya ewan ko lang."
Sumingit naman si Christian, "Yup, ako naman naghanap ng mga babae." nakakairita talaga siya. Ang gara ng excuse niya ha! Ako ang tino tino, tapos siya puro kalokohan.
Ito na ang huling gabi namin sa San Juan, La Union. Bukas ay aalis na kami, dahil malapit na ang klase. Kailangan na namin mag enroll. At dahil ito na ang huling gabi, ay lulubuslubusin na namin ito.
Nagyaya ang mga kaibigan ko na sa labas na kami kumain, dating gawi, sa buhangin, may mga nakalatag na kumot at unan, tapos may maliit na table at doon ilalagay 'yung mga inorder namin. Mayroong inihaw na isda, barbecue, hotdog, adobo, menudo at iba pa. Excited na kaming lahat kumain, pero bago iyun ay nagdasal muna kami. Kahit naman mga barumbado ang mga kaibigan ko ay sanay pa rin itong magsi-dasal.
Pinamulan ni Sallie ang dasal, "Lord, maraming salamat po sa biyayang ibinigay niyo saamin ngayong araw na ito, sa biyaya araw-araw. Maraming salamat po dahil kumpleto po kaming barkada. Sana po ay kung sino man ang may tampuhan, ay magka-ayos na saamin..." napatingin ako sa tapat ko, si Dino. Sana ay magkaayos na kami.
"Thank you, Lord. Mahal ka namin. Amen." nag sign of the cross sila at pumalakpak dahil sila'y mga gutom na.
"What do you want?" pabulong na tanong ni Christian saakin, medyo naiilang ako dahil sobrang lapit niya saakin. "Uhm, gusto ko ng inihaw na isda, barbcue, hotdog tska adobo."
"O edi kumuha ka." pang-aasar niya saakin, sinamaan ko siya ng tingin, "Nakakairita ka!"
Tumawa naman siya saakin, "Joke lang. Oo na, ikukuha na kita."
Kainan. Tawanan. Kwentuhan. Ayan, ang ginawa namin sa huling gabi namin. Nagyaya pa nga ang iba na mag swimming ngunit umayaw na ako dahil gabi na, malay mo may dikya na mangagat saakin dyan. Masaktan pa ako. Sinabi ko sakanila na bukas na lang ako ng umaga mag swi-swimming.
"Ihahatid ko lang si Sam," sabi ni Christian sa barkada, nanlaki ang mata ko. Kinakabahan ako at nahihiya, "Uh, no need, Christian. Kaya ko na ang sarili ko." nagsalita muli siya, "I insist. Kaya ihahatid na kita." napatango na lang ako sakanya at nag paalam na sa iba.
Habang naglalakad na kami ay kinausap ko siya, "Hindi mo na ako kailangan ihatid, Christian. Andoon si Dino, gusto mo bang masaktan iyun? I don't want to hurt him, tapos ikaw gagawa ka ng breezy moves mo sa harapan niya."
Tinignan niya ako, "Diba ay break na kayo? So wala na siyang pakielam sa kung sino man ang maghatid sa'yo, and besides, ako naman ang maghahatid sa'yo. Kilala naman nila ako. So there's nothing to worry about." sinamaan ko siya ng tingin, "Pero mahal pa ako no'n. So may pakielam pa saakin 'yun. Don't you get it, Christian?"
Humalukipkip siya at binasa ang ibabang labi niya, "Ang tanong, mahal mo rin ba siya? Diba hindi naman. So, labas na siya doon."
Napapadyak ako sa inis, "Urgh! Hindi mo naman kasi ako maintindihan e! Ayoko ngang makita na nasasaktan 'yung tao, o kahit sino pa man. Ano, mag aaway na naman ba tayo?! Nang dahil lang dito ha?!"
Nakita ko ang pagkabigla ni Christian, hinawakan niya ang kamay ko, "I'm sorry, okay fine. Sige, tatahimik na ako, 'wag ka lang magalit saakin. Please. Sorry na. Bati na tayo." pagkatapos niyang sabihin iyun ay niyakap niya ako ng mahigpit. Pakiramdam ko ay nawawala ang lahat ng problema ko sa tuwing niyayakap niya ako. I feel safe when I'm around him.
"Good night, Samantha." ani Christian, "Good night din, pumunta ka na sa kwarto mo ha." ngumisi naman siya, "Tss, protective girlfriend naman nito. Opo, boss. Deretso tulog na ako." tumawa ako at hinampas siya, "Kapal mo! Anong girlfriend ka dyan. Hindi pa naman tayo e." nakita kong nangiti siya, "So... may balak ka pala makipag balikan saakin? Hm, that's good." inirapan ko siya, "Tse! Punta na sa kwarto niyo, or else." ngumisi siya, "Or else..." hindi ko na siya sinagot, sinaraduhan ko na siya ng pinto.
"Tss. Sungit." rinig ko pang sabi niya nang nakasara na ang pinto.
Grabe, I missed this. 'Yung ganto lang kami, parang walang problemang hinaharap, 'yung masaya lang kami at nagmamahalan, 'yung kami lang. Sana pwede pang ibalik ang lahat sa dati, lahat ng pagkakamali na nagawa namin sa isa't isa. Sana pala hindi kami nag give up sa isa't isa. Pero kung hindi ako nag give up, panigurado ay masasaktan ako. Dahil makikita ko sila ni Jane. At ayoko iyun. Pipiliin ko na lang na maghintay ng tamang panahon para saamin ni Christian.
Maaga kaming nagising, napagdesisyunan kasi namin na mag swimming kami bago umalis, kaya naman ganoon ang ginawa namin. Nakasuot na kami ng aming mga bikini. Nag picture na kaming mga girls. At dumeretso na sa dagat upang lumangoy.
"I want to surf." Sabi ko kay Summer, "Tara, let's try. Paturo na lang tayo sa crew nila." sabi ni Summer. Sumangayon naman kaming lahat na mga babae.
Nag rent kami ng surf board at nagpaturo sa taga resort. Sa una ay parang kay dali lang sakyan ng surf board pero ang totoo ay napakahirap nito. Kapag andyan na ang alon ilang segundo pa lang akong nakatayo ay nahulog na agad ako.
Ibinalik ko na kaagad ang surf board habang sila ay nag-eenjoy pa roon. Habang naglalakad ako ay nagulat ako ng makasabay ko si Dino.
"Akala ko ba saakin ka mag papaturo kung paano mag surf." aniya, unti-unti kong inangat ang tingin ko sakanya, "Yup, kaso I thought you were mad at me, kaya hindi na lang ako sa'yo nagpaturo. I know na galit ka saakin dahil sa nangyari kaya nahiya ako. Ang kapal naman ng mukha ko, sinaktan kita tapos magpapaturo ako."
"That's okay with me, Sam. We're friends right?" tanong niya saakin, dahan dahan naman akong napatango, "Really? Yeah, we're friends. Pero, akala ko ba ay hindi mo agad-agad matatanggap iyun?"
Tumawa siya ng mapait, ramdam ko iyun, "Yeah, pero na-realized ko na life is too short to care about other stuffs. We only live once, kaya naman ieenjoy ko na 'to. Who cares about the heart breaks, who cares about people who doesn't love you back, right? Ienjoy lang natin ang buhay. And I also realized na, mahal kita, pero may mahal kang iba. Kailangan lang ng acceptance doon, Sam. At tanggap ko na iyun, though hanggang ngayon, masakit pa rin. Sympre, the wounds are still fresh. Kaka-break lang natin. Ala nga namang magpa-party ako diba? Pero, like what i've said, life is too short, ayoko ng problemahin iyun. Makaka move on rin ako."
Napangiti ako sa sinabi niya, that's right Dino. You are doing the right thing! That's my boy!
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover