12.

90 5 1
                                    

Tell me you love me

Samantha's Point of View

Bakasyon na, kaya ibig sabihin ay malaya na ulit akong makakapunta kahit saan ko gusto. Malaya na ulit ako sakanya. Kahit ngayong christmas break lang ay sana hindi ko siya makita. Ayoko muna, naiinis padin ako sakanya. Hindi pa ulit ako handa na kausapin siya.

Nakatitig ako sa teddy bear na ibinigay niya saakin nang mag ring ang phone ko.

"Hello?"
[Tara bar tayo, mamayang gabi?]
"Ha? Ah hindi ako pwede eh."
[Please! Christmas vacation naman eh, pagbigyan mo na ako please.]
"Okay fine. Pero saan ba and what time?"
[Yaaay! Sa may Infinity Bar, I'm sure alam mo naman yun diba? Malapit lang naman saatin. But, susunduin ka namin ni Clarence. Ihahatid ka na din namin pauwi.Okay?]
"Okay, mga anong oras niyo ako susunduin?"
[8pm. See you. Bye!]

Pumayag na din akong sumama mag bar tutal ay bakasyon naman, at ang boring sa bahay. Wala akong magawa. Gusto ko din naman makasama ang mga kaibigan ko- sino nga pala ang mga kasama bukod kay Sallie at Clarence? Ugh! Nakalimutan kong itanong. Pero di' bale. Hindi na naman importante yun e.

7pm na, kaya kailangan kong makapag ayos na. Disente naman ang Infinity Bar kaya okay lang siguro kung mag dress ako. Wala namang masama doon.

Naghanap na ako ng dress sa aking closet, geez ang hirap mag hanap. Ang dami kong dress.

Pero may nakita ako na dress, yung favorite ko. Nabili ko pa yun sa Canada. Color black siya, at fit siya saakin, makikita mo ang curves ko. Butas ang likod noon, kaya makikita ng kaunti ang likod ko pero hindi naman ito nakakabastos tignan.

Inilabas ko na ang black dress ko sa closet pati ang stilletos ko. Kakaligo ko lang naman kaya deretso ayos na ako, nag kulot ako ng buhok at nag lagay ng eyeliner, kinulot ko ang pilikmata ko at nag lagay ng red lipstick.

"Bessy! We're here!" Rinig kong sigaw ng bestfriend ko, "I'm coming!" Agad agad na akong bumaba sa hagdanan. Nanlaki ang mata nila at napaawang ang bibig "Woah! You're smoking hot, bes!" ngumiti ako sakanya, "Thanks, Sallie. Ikaw din no! Ganda mo."

"Mahuhulog na naman yun sa'yo panigurado." Sabi ni Clarence, pero hindi ko masyadong naintindihan.

"What? Anong sabi mo Clarence?" ngumiti siya, "Nevermind bestfriend. Let's go?"

Saktong 8pm kami nakarating sa Infinity Bar. Medyo kaunti pa ang tao, kaya hindi pa ganoong kaingay. Pumasok na kami sa loob at nadatnan ang iba naming kaibigan at ibang kakilala.

Bumeso ako sa mga kakilala ko, at laking gulat ko nang nandon pala si Dino.

"Babe!" bati niya saakin at hinalikan ako sa cheeks, "Sorry, hindi kita nasundo pinagpilitan kasi nila na sila na susundo sayo e." ang tinutukoy niya ay si Sallie at Clarence, "It's okay, babe."

Naupo na ako sa sofa, naka handa na ang mga iinumin namin mamaya. Umiinom na ang iba sakanila, pero wala parin akong gana kaya nag cellphone muna ako. Nag scroll ako sa aking Instagram account nang bigla kong makita ang post ni Jane 'On my way to Infinity Bar #ootd' okay, so invited din pala siya dito. Sabagay, kaibigan nga pala siya at girlfriend ni Christian, sa malamang nyan ay invited siya.

Hindi ko ni-like ang Instagram post niya, wala akong pakielam sakanya. She looks like a slut in her photo. Hindi ako nagla-like ng mga ganon.

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon