Pag-uusap
Pumasok ako ng maaga dahil may kailangan pa akong ipasa sa prof ko. Ngayon din nga pala kami mag-uusap ni Jane tungkol sa lahat lahat.
Nag tipa ako ng sasabihin kay Christian.
Ako:
Anong oras tayo magkikita-kita mamaya?
Christian:
After class mo. Hindi kita masusundo ha. Sorry, kasi kailangan si Jane ang kasama ko. Remember? :)
Ako:
Yes, I know. 'Wag mo nang ipaalala, para namang ulyanin ako. Sige, bye!
Christian:
Bye baby ko! See you! I love you!
Hindi na ako nag reply sakanya.
Sinabi ni Christian saakin ang plano niya, ngayon niya tatapusin ang pag papanggap. Ngayon siya makikipag hiwalay kay Jane at ngayon kami maghaharap-harap.
Aaminin kong kinakabahan ako, sympre dahil magkakausap na kami, malalaman ko ang side niya. Naawa din ako para kay Jane. Alam kong nagmahal lang din siya sa kapatid ko, pero siya pa din itong nasaktan sa huli.
Uwian na, kaya naman agad akong nag paalam kay Sallie na may lakad ako. Pumara na ako ng taxi at pumunta doon sa park na sinasabi ni Christian saakin. Ewan ko ba kung bakit sa park niya gusto kami magkaharap-harap.
Nakita ko na silang dalawa doon, nag-uusap. Nag tago muna ako. Nakinig ako sa usapan nila.
"Jane, tapusin na natin'tong pag papanggap. Naka ganti ka na, nasaktan mo na ang babaeng mahal ko. Kung gusto mong maghiganti sa kuya niya, sige tutulungan kita. Pero, 'wag mo nang idamay si Sam. Alam mo kung gaano ko siyang kamahal." Napayuko si Jane at tumango-tango, "I know. I'm sorry, Christian kung ginamit ko kayo ni Samantha para mag higanti sa walang hiya niyang kuya. Sorry, kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako maka move on kay Carlo. Kahit alam kong may mahal na siyang iba. He's happy with his new girl."
Lumabas na ako, nagpakita na ako sakanila. Nanlaki ang mata ni Jane, mag sasalita sana siya nang bigla akong nagsalita, "Jane, I know everything. Don't worry hindi kita sinisisi. Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ng kapatid ko sa'yo. We all know that he's a jerk, right?"
Ngumiti siya at lumapit saakin, niyakap niya ako at humagulgol na, "Sam, I am really sorry for what I've done. Alam kong ang laking gulo ng dinala ko sa relasyon niyo ni Christian. Alam ko nang dahil saakin, nagka ganito kayo, nag break kayo. Sorry, sorry talaga. Sorry for using you guys. Gusto ko lang talaga mag higanti sa kapatid mo, kaya ikaw ang ginamit ko. Gusto ko siyang saktan, kaso parang wala lang naman sakanya na ginago ka ng kaibigan niya, parang wala lang sakanya na ako ang pinalit ni Christian. Sam, slap me if you want. Deserve ko naman ang sampal mo e. C'mon slap me, please.."
Hinagod ko ang likod ni Jane para kumalma siya, "No, hindi kita kayang saktan. Naiintindihan kita. Pero, alam mo, mali ang maghiganti sa taong nanakit sa'yo, sa taong minahal mo. Kasi, parang mas ginagawa mo lang na kawawa ang sarili mo e. Aaminin ko, I tried din. Sinubukan kong maghiganti kay Christian sa ginawa niya saakin, pero hindi ko naisip na mali pala iyun. Hindi ko napapansin na may nasasaktan na pala ako sa paligid ko. Ang selfish ko kasi e. Ang manhid ko. Ang tanga ko."
"Kaya, Jane. 'Wag ka nang maghiganti kay kuya, I'm not saying this dahil pinagtatanggol ko ang kapatid ko, I'm saying this para sa'yo, wala kang mapapala. Isipin mo ang sarili mo. You know what, I suggest na mag-usap kayo ni kuya, I'll set you guys a date. Hindi naman magagalit si Nadine. You guys need to talk, closure ba ganon. Malay niyo, hindi pa ito ang huli diba? Who knows."
Umiling-iling si Jane, "No, hindi ko kaya... ayokong magkaroon kami ng closure na dalawa. Baka mas masaktan lang ako." hinawakan ko siya, "Kailangan niyo 'yun. Para saakin, lahat ng nagtatapos na relasyon ay kailangan ng closure. Para alam niyo kung hanggang saan kayong dalawa."
Pinunasan ni Jane ang luha niya at tumango, "Fine. I'll do this because of you. Dahil ang laki ng kasalanan ko sa'yo. And oh, Samantha. I'm really sorry, kung ako ang dahilan kung bakit kayo nag break. Alam kong aminado si Christian na he cheated on you, right? Pero trust me, nung nalasing kami, wala siyang ibang bukangbibig kundi ikaw. Ikaw lang talaga ang mahal niya, Samantha."
Ngumiti ako, "Thank you, Jane." umiling siya, "No..thank you, Samantha. Thank you dahil tinanggap mo 'ko."
Tumingin siya saakin, "Can we be friends?" tumango ako, "Oo naman!"
"Sam, kailangan niyo din magkausap ni Francheska once na makabalik siya dito sa Pilipinas. Hindi pa din siya nakaka move on kay Christian e. Kailangan niyong mag-usap na dalawa." Tumango ako.
Umalis na kami sa park, hinatid namin si Jane sa condo niya. Dumeretso kami sa Tagaytay na dalawa, gusto niya daw kasi magpalamig sa taas e. Nag drive thru kami at pinarada niya ang kotse niya sa may damuhan, para itong hills. Kita namin ang ibaba ng Tagaytay.
Naupo ako sa hood ng kotse niya, "Maari pa lang bumalik si Francheska dito e. Nasaan ba siya?"
"Nasa New York." Tinignan ko siya, "Wow! Updated ha." ngumisi siya, "Nag post kasi siya sa Facebook. Selos ka naman?" ngumisi din ako, ako nagseselos? Hindi no. "Hala, hindi no. Wala yata sa bukabularyo ko ang salitang 'selos'" tumango-tango siya, "Talaga lang ha?"
"Pero Christian, sa tingin mo ayos lang na magkausap si kuya at Jane?" kumain siya ng ilang piraso ng fries, "Oo naman, closure nga diba tulad ng sinabi mo." tumango-tango naman ako.
"Sa tingin mo, may natitira pa kayang kaunting feelings si kuya for Jane?" tumingin siya sa langit, "Siguro..I mean hindi ka naman mawawalan ng feelings sa taong una mong minahal e."
Napatingin ako sakanya, so ibig sabihin may 'feelings' pa din siya kay Francheska, "So it means, may kaunting feelings ka pa din for Francheska? She's your first love right?" tumawa siya, "O, anong nakakatawa?"
"Hindi ka talaga nagseselos no?" sarcastic niyang sabi, "No. Why would I get jealous? May dapat ba akong ipagselos? And besides, hindi naman tayo." tumingin siya saakin ng seryoso, "Wala na akong feelings for Cheska. Once na sinaktan na ako, hindi na mababalik ang feelings ko."
Napangiti ako ng mapait, "So it means, hindi na din babalik ang feelings mo saakin?" tumingin siya ng nakakapagtaka saakin, "Seriously, Sam?"
"Ikaw na ang the one ko, kaya kahit ilang beses mo akong saktan, babalik at babalik ang nararamdaman ko para sa'yo." tumawa ako, "Hala. Cheesy mo."
"Eh ikaw ba? May feelings ka pa ba sa ex mo?" Sinamaan ko siya ng tingin, "Seriously? Ang tagal nating magkarelasyon pero hindi mo alam na ikaw ang unang boyfriend ko?"
"Kaya nga, may feelings ka pa ba saakin?" Hala siya oh.
"Hm.." pabitin kong sagot. "Ano na?"
"Oo na."
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover