21.

57 1 1
                                    

Akin ka pa rin

Nag-aayos ako sa shop ng mga damit na kakatahi ko pa lang nang biglang nag ring ang telepono ko.

Ako: Hello?
Sallie: Bessy!
Ako: Oh, napatawag ka?
Sallie: Tara beach tayo, this coming Friday hanggang Sunday. Please?
Ako: Hmm, sige sige. Just text me the details or punta ka dito sa bahay.
Sallie: Yay! Alright. Bye see you!

-end call-

Tinawag ko si Sarah, ang aking secretary para sabihin sakanya na aalis agad ako.

"Sarah, ikaw na ang bahala dito sa shop okay? Kailangan ko ng umalis. Bye!" tumango naman saakin si Sarah.

Tinext ko si Sallie na magkita kami sa coffee shop dito, 'di kalayuan sa school namin.

Agad ko naman siyang nakita kasama si Clarence. Ang tatag talaga nilang dalawa. Nakakatuwa sila. Ang tagal na nila, pero hanggang ngayon sila pa din.

"O, 'bat mo 'ko pinapunta dito?" Umupo agad si Sallie sa upuan at para siyang hinihingal, nakita ko kasi silang tumawid sa initan dahil sa kabila naka park ang kotse ni Clarence.

"Baliw, kasi sympre we'll talk about the trip. Remember?" Sabi ko sakanya, "Ahh. Oo nga pala."

"Napag isipan kasi ng barkada na mag break muna tayo sa klase, sa stress and everything. Tutal naman ay sembreak na bukas. So napag isipan namin na mag beach. Sa La Union. Balak sana namin ay one week. Pero, baka hindi ka pumayag atska 'yung iba." Paliwanag saakin ni Sallie,"

Tumango-tango ako, "Para saakin, ayos lang naman kung one week tayo dun. Tutal sembreak nga naman. At tulad ng sinabi mo dapat ay mag refresh tayo."

Sumangayon naman siya sa sinabi ko, kaya naman tinawagan niya lahat ng mga kaibigan namin at pinapunta sa bahay nila. Ewan ko ba doon, pwede naman na dito na lang mag-usap, sa bahay pa niya nag aya.

Ako pa lang ang nandito at si Clarence. Nanunuod lang kami ng tv dahil napaka tagal ng mga kaibigan namin. Kakaunti lang naman kami. Pero, napaka tagal nila.

Sa wakas, ay nag si datingan na sila kuya, Nadine, Carl, Summer at last but not the least ay si Christian.

Invited din siya? Oh well, kaibigan nga din pala namin siya. At ano naman ang masama doon? Hindi ba.

Nasa veranda kami ni Sallie at doon nag uusap tungkol sa La Union trip namin. "Guys, one week tayo dun. Ayos ba? Para naman ma-relax ang mga isip at puso natin."

Sumangayon kaming lahat. "O sige, dating gawi, sa Friday 4am kela Sam tayo magkikita kita. O kung gusto niyo over night na lang sakanila?" Tanong ni Sallie saamin, biglang nagsalita si Christian, "Sa condo ko na lang? Ako lang naman mag isa doon. Dun na lang kayo mag overnight. Inuman tayo. Sagot ko beer."

"Ayun naman pala e! Sige!" Sabi ni kuya, sumingit si Summer, "Eh, si Jane? Baka nandoon siya, I dont want to see her face."

Lihim naman akong napangiti.

"She's busy. So wala siya. At hindi pa siya nakakapunta sa condo ko. Ayoko siya dun. Ang gulo niya." Really Christian? Eh doon ko nga kayo nahuli na nagmemake-out. Mga lalaki nga naman talaga.

Hindi ko napigilang mag salita, "Really? hindi pa napunta si Jane sa condo mo? Eh bakit noong nahuli ko kayo doon 'yun sa condo mo, hindi ba?"

"Patay na! Nagtatanong na si ex!" Sigaw ni Carl. "Gago Carl. Manahimik ka pa." Nagsalita muli siya, "Fine. Mga 3 beses pa lang siya nakapunta doon. Pero hindi ko siya pinayagan na ulit. She's so annoying. Ang dami niyang arte."

Nagsalita si Carl, "Eh girlfriend mo 'yun e. Kaya pag tyagaan mo."

"Sam, bakit hindi mo iinvite si Dino sa trip natin?" Tanong ni Nadine saakin.

Nagkatinginan kami ni Sallie, kuya at ni Christian, "Ah, he's probably busy. Kaya i think hindi makakasama ang isang iyun. But we'll see."

Nakita kong ngumisi si Christian, kaya naman nag pigil na lang ako ng ngiti. Ugh this guy!

Tinawagan ko si Dino, para naman hindi siya mag tampo saakin.

Ako: Hello, Dino?
Dino: Yes babe?
Ako: May La Union trip kami this Friday hanggang next Friday. Sama ka?
Dino: Yeah sure! Saan magkita kita?
Ako: Ah, sa gasoline station na lang malapit sa school. Mga 4:30 am. Ayos lang ba?
Dino: Oo naman, para sa'yo.
Ako: Alright. Bye!
Dino: Good bye! I love you!
-end call-

"Guys, Dino's joining us." Sabi ko sakanila, nakita ko naman na sinamaan ako ng tingin ni Christian. Natawa naman ako sa reaksyon niya. He's jealous. Sana nga talaga nagseselos siya. You know, 'yung saamin it's complicated.

Thursday ng hapon ako dumating sa condo ni Christian dala na ang aking gamit para sa trip. May dala rin akong junk foods, tska mga kakainin nila sa inuman mamaya.

Ako pa lang ang unang dumating, kaya medyo kinabahan ako. Sympre, talagang kakabahan ako dahil I am with my ex boyfriend!

Kahit na mahal ko pa rin siya, ang awkward pa rin nun. Kahit na minsan nagkakasama kami na kaming dalawa lang talaga.

"Ang aga mo ata." Sabi niya saakin, nasa kusina kasi siya nagluluto ng pulutan nila mamaya. Sisig. Ang sarap!

And he is topless for Pete's sake! My ex boyfriend is topless infront of me! Paano naman ako makakahinga ng maayos neto kung ganito? Naka apron siya, at ang hot niyang tignan.

"Uhm, kasi napa aga ako ng alis e. Namili pa nga ako ng makakain e." Ngumisi siya, at tinanggal ang apron, "Really? Or gusto mo lang akong makita at masolo?"

Umatras ako pero nagulat ako dahil, pader na pala ang naatrasan ko, "Kapal mo ha! Talagang maaga lang ako naalis ng bahay! Feeler mo!"

Kinulong niya ako sakanyang bisig, at nakangisi siya ngayon. This is not good.

"Christian, lumayo ka saakin." Utos ko sakanya. "What if, I don't like?" Pinalo ko siya sa dibdib, "Layo sabi e!"

"Bago ako lumayo, bakit mo muna inaya si Dino? At sasali ba siya dito sa over night natin?" Ahah! This boy is jealous.

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko sakanya, naging seryoso ang mukha niya, "Paano kung sabihin kong oo? Oo nag seselos ako."

Tinulak ko siya, "Pwes! Wala kang karapatan! Kasi hindi naman tayo."

"Magiging akin ka pa rin, magiging akin ka sa huli. Saakin ka pa rin naman e. Lagi kang magiging akin." Ang mga salita niya ay tagos sa puso ko. Nag huhurumentado na naman ito.

Dumating na ang iba pa naming kaibigan. Nag ayos na kami sa terrace ng condo ni Christian. 6 na rin naman kasi ng gabi.

Kaming mga babae, ay nandito sa loob nanunuod ng movie. Habang sila ay nagsisimula nang uminom.

Rinig ko ang tawanan nila, grabe nakakamiss talaga ito. 'Yung ganitong inuman.

"Hoy mga gago! 9pm na oh! Maaga pa tayong gigising bukas. Matulog na tayo!" Rinig kong sabi ni Carl.

Tinulungan namin sila mag ayos ng mga kalat nila. At nag ayos na kami. Napag usapan nila na, sa sala na lang kami matutulog ng biglang nagsalita si Christian, "Samantha's sleeping with me."

Nagulat ako.

"Hoy! Anong sinasabi mo? I'll sleep with them!" Sabi ko sakanya at binatukan siya, "No. Masikip na o. Saakin ka na matulog. Para namang hindi pa tayo nagtatabi matulog."

Wala na akong nagawa kaya sinunod ko siya. Oh God! I will be sleeping beside my ex boyfriend.

"Tara na?" Tanong niya saakin, "Ha?" ngumisi siya, ang hilig niya talaga don, "Matulog kasi. Ang utak mo Sam ha." Binatukan ko siya, "Hoy! Wala akong sinasabi."

Ang sarap pala sa feeling na ayos na kayo. Ang problema na lang ay si Jane at si Dino. Ayos na kami, mahal namin ang isa't isa. Kaso, hindi ko pa rin alam ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya kayang makipag hiwalay kay Jane. Kaya hanggang ngayon, parang nahihirapan pa rin akong patawarin ng tuluyan.

"Beb, tulog na." Ang boses niya ay parang bagong gising, pero ang sexy pa din.

"I love you, Samantha Alley Uy."

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon