Lifetime
Nagising kami ng alas sais ng umaga dahil sa katok ng mga tao sa labas. Gulo gulo ang buhok ni Christian na tumayo at naka busangot ang mukha, dahil siya ay nagising ng kung sino man ang kumakatok sa labas.
"Ano ba?" Iritadong sabi ni Christian nang buksan niya ang kanyang pinto.
"Sorry, kakain na tayo." Sagot naman ni Carl kay Christian dahil nga mainit ang ulo nito dahil masyado pang maaga.
"Oo na, susunod kami." Binalibag niya ang pinto dahil siya'y naalimpungatan.
"'Wag na ngang mainit ang ulo mo, hayaan mo na sila. Mag ayos na tayo." Hinimas himas ko ang likuran niya para siya ay kumalma.
Tumango na lamang si Christian, at nag tungo na kami pababa sa restaurant.
Magkahawak kamay kaming pumunta sa Max's, at lahat ng mga kaibigan namin ay nandoon na.
Hinila ako ng upuan ni Christian para doon ako maka-upo, at umupo naman siya sa tabi ko.
"Christian, sorry sa pag katok namin kanina ng pinto." Ani Carl sa kanya dahil alam niyang nairita ang kaibigan niya.
Tumango si Christian, "It's okay,"
"Sam, anong order niyo? Pili na kayo." Iniabot sa amin ni Sallie ang menu para kami ay makapamili na ng umagahan.
Tinawag namin ang waiter para kami ay maka order na. Tinignan ko ang waiter atska nag salita, "Ito pong bangus with adobo flakes and egg po, how 'bout you, Christian?"
Tumingin naman si Christian sa menu atska tumingin sa waiter, "Mine is, bangus with hotdogs and egg."
"Okay po, how about your drinks, ma'am and sir?" Tumingin sa akin si Christian, "Anong gusto mong drinks?"
"Hot chocolate na lang," he nodded.
"One hot chocolate and coffee." Ani Christian sa waiter.
Ilang kwentuhan lang ang aming napag-usapan nang dumating na ang mga order namin.
"So, anong plano natin ngayon?" Binasag ni kuya Carlo ang katahimikan dahil lahat kami ay kumakain.
"We'll do something special today," ani naman ni Christian sa aking kapatid.
"At ano naman iyon?" Tanong ni Clarence habang umiinom ng kanyang Iced tea.
"You'll find out later," Ngumiti si Christian atska na kumain.
Nag bihis na kaming lahat ng aming mga bathing suit para naman makapag swimming dahil mamayang 10pm ang alis namin dito sa Batangas.
"Enjoyin na natin ang last day natin dito ngayon," naka ngiting sabi sa akin ni Sallie habang siya ay nag lalagay ng oil sa kanyang katawan.
Lumabas na kaming lahat para mag swimming na, tinawag ako ni Sallie para naman makapag picture kaming dalawa.
Tumambay muna kaming lahat sa may pool, habang ang iba naman ay nasa sun lounger nag papahinga.
Nag pahinga muna ako sa sun lounger dahil napagod na akong lumangoy, sinuot ko ang aking sunglasses para maka tulog muna ako kahit papaano.
Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin at hinawakan ang legs ko, kaya dumilat ako at tinignan kung sino iyon. Si Christian lang pala.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit?" nag kibit balikat lang siya at kinuha ang oil sa aking tabi, "Do you want this?" Iniangat niya ang oil, pinapakita na iyon ang kanyang sinasabi.
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover