26.

42 3 0
                                    

Hanggang Kailan

Pagkatapos namin mag-usap ni Dino ay nagpasya na kaming umalis sa lugar na iyun.

"Mamayang 3pm daw aalis na tayo." Sabi saakin ni kuya.

"Ah okay sige, thanks kuya." Inayos ko na ang sarili ko para makapag picture kaming lahat.

Nagpakuha lang kami ng litrato doon sa isang tour guide. Mayroong normal, wacky, jump shot at magkakayakap kaming lahat. Nagulat na lang nga ako ng inakbayan ako ni Christian. Bilis ha.

Nag swimming muna ulit kaming magkakaibigan, last na swimming na namin ito ngayon kaya naman susulitin namin siya.

"Sammy, picture tayo. Summer, papikturan kami ng bestfriend ko." Tumango naman agad si Summer para kuhanan kami ng litrato ni Sallie.

"Guys! Pack up na. Malapit na tayong umalis." Rinig ko ang sigaw ni kuya saamin, kaya naman agad kaming nagsi-ahon.

Naligo na kami at nag ayos na, pinatuyo ko muna ang buhok ko at sinimulan gawin ang ritwal ko. Pagkatapos nun ay nagbihis na ako.

High waisted shorts, crop top at ang aking flannels. Inayos ko ang buhok ko ng messy bun. At hindi na ako ng make up. Light lipstick lang dahil pauwi na rin naman kami.

Inayos na rin nila ang mga kailangang ayusin sa hotel. Nag check out na kami sa hotel. At sa huling pagkakataon ay nag group picture muna kami.

Nagulat ako nang malaman kong nauna na pa lang umalis si Dino kaysa saamin.

"Anong oras siya umalis?" Tanong ko kay Sallie, "Hindi ko alam bes e, like I think mga 1 hour na siyang naka-alis."

Agad agad kong kinapa ang cellphone saaking bulsa at agad kong tinipa ang sasabihin ko kay Dino.

Ako:

Hindi ka man lang nag paalam na mas mauuna ka pa lang umalis kaysa saamin.

Ilang minuto akong nag intay sa kanyang reply, ngunit wala akong natanggap. Nag text muli ako sakanya.

Ako:

I know na hindi ka mag rereply. You're probably driving right now. Hm, take care, Dino! Sorry for disturbing and hurting you. Mag iingat ka. Lagi mong tatandaan na I am always here for you.

Tinawag na ako ng barkada, at sinabing aalis na kami.

"Saakin na sasakay si Samantha." Ma-awtoridad na sabi ni Christian. Wala naman ng pumalag pa.

Ngunit nag salita si Carlo, "Nangangamoy balikan na ito!" Nag tawanan sila ni Clarence.

Sumakay na agad ako kay Christian, ini-start niya na ang engine ng sasakyan. Inayos ko naman ang sarili ko at sinuot ko na ang seatbelt.

Tahimik lang ang buong sasakyan, nakakabingi sa sobrang katahimikan. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko makapa ang mga tamang salita.

"Bakit mo tinatanong kung nauna na pala si Dino? Do you still care for him?" Kumabog naman ang dibdib ko sa kaba.

"Oo naman, I still care for him. Kahit naman na ganoon ang nangyari ay mahal ko pa din si Dino. As a friend. At lagi akong mag-aalala para sakanya. I'll always care for him." Hindi ako tinignan ni Christian, patuloy pa rin siya mag drive.

"Are you mad?" Tanong ko sakanya, tumingin siya saglit at nag igting ang bagang, nagsalita siya, "Yes, I am. Not just mad but also jealous."

Natawa ako, "Why are you jealous?" Umismid siya, "Are you serious? You are asking me that kind of question? Of course, I am so damn jealous. You act like you still love that guy."

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon