30.

60 4 0
                                    


Carlo & Jane

Pumayag na ako sa gusto ni Samantha na makipag-usap sa kapatid niya. Gusto ko na rin siyang kamustahin. Gusto kong malaman kung masaya na ba siya doon sa bago niyang girlfriend. Gusto kong malaman kung mag pag-asa pa....may pag-asa pang maging mag kaibigan kami. Ayoko kasing isipin niya na napaka bitch ko. Na ang sama ng ugali ko, dahil sa totoo lang ay nag mahal lang naman ako....at nasaktan.

Nakipag kita ako sa isang coffee shop kay Samantha. Gusto ko lang siyang kausapin tungkol sa pagkikitang gagawin namin ng kapatid niya.

"Hi," bati ko sakanya, "Hello, kanina ka pa ba?" naupo agad siya.

Umiling ako, "Hindi naman, mga 15 minutes ago siguro..." tumingin siya saakin, "Hala, I'm sorry. Ang tagal ko pala. Tagal kasi nung prof namin e." tumawa ako, "Ayos lang 'yun no. Order ka na."

Mabait naman pala si Samantha e, akala ko kasi ay parang Carlo ang ugali niya, bastos din. I mean, si Carlo kasi ay bastos kausap. Nakakairita. Hindi ko nga alam kung bakit ako nahulog doon e.

Naka balik na si Samantha mula sa counter, "O, anong in-order mo?" ngumiti siya saakin, "Iced coffee lang. Ikaw ba?"

"Mocha frappe lang. Ang tagal nga e, uhaw na ako." tumawa kaming dalawa.

"Uhh, Jane... nakausap ko na si kuya." kinabahan agad ako sa sinabi niya. Baka tumanggi si Carlo. Parang kumirot ang puso ko doon.

"A-anong sabi niya?" nauutal kong tanong, ngumiti siya, "Pumayag siya. Itetext ka na lang daw niya kung saan kayo magkikita."

Kumabog ang dibdib ko, kinuha niya kaya ang number ko kay Samantha? Oh baka naman nag-iilusyon lang ako.

"Samantha, curious lang ako, alam niya na ba ang totoo? I mean 'yung pag re-revenge ko sakanya?" umiling si Samantha, "Nope, gusto ko kasi kayong dalawa na ang mag-usap. Ayoko nang manghimasok. Mas maganda kung magkakalinawagan kayo." Tumango ako.

"But, paano mo siya napapayag?" kinakabahan ako sa maaring isagot ni Samantha saakin, baka kasi napilitan lang ang kuya niya, "Baka kasi you know, napilitan lang siya.."

Umiling-iling si Samantha kasama ang kamay niya, "Hala no, sabi ko kasi sakanya na mag-usap kayo, hindi naman na siya nag tanong ng rason. Sabi niya ay sige daw, tapos hiningi na agad 'yung number mo. Tapos ayun."

Hindi ba't may girlfiriend siya? Bakit parang hindi manlang siya nag paalam doon, o kung ano pa man.

"Jane, kung iniisip mo si Nadine, don't worry. Hindi naman selosa iyun. I think ayos lang sakanya. Pero ang hindi ko lang alam ay kung sinabi niya kay Nadine na magkikita kayo." napatango naman ako sa sinabi ni Samantha.

"Jane, good luck sa pag-uusap niyo mamaya ha. Sana ay mabigyan kayo ng closure na dalawa. Text mo 'ko kung may problema ha. Andito lang ako, kami ni Christian." ngumiti ako sakanya, "Thank you so much, Samantha. Thanks for helping me."

She smiled, "Wala iyun, friends naman na tayo. Sana maging masaya ka."

Umalis na si Samantha dahil may aasikasuhin pa daw siya, ganoon din naman ako, umalis na ako agad sa coffee shop para makapag-ayos.

Habang nag da-drive ako ay nag vibrate ang cellphone ko.

Unknown number:

Sa La Jovell tayo magkita mamaya. 7pm. This is Carlo Uy.

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ang mensahe niya. Ang lakas pa din ng epekto niya saakin. Ganito pa din ang nararamdaman ko noong una ko siyang nakilala. Mahal ko pa din siya, kahit anong gawin niya saakin. I just can't move on. Ang hirap, sobrang hirap.

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon