I'm home
Kakababa lang nang eroplano, finally! I'm home na! Excited na akong makita sila mommy,daddy at kuya. Pati na din ang mga friends ko.
"Excited to see them hun?" pag bunggo ng balikat saakin ni Dino, "Oo naman." ngumiti ako sakanya at inilagay ang braso ko sa braso niya.
"O Dino, pano mauna na ako. Thank you ha, see you sa mga susunod na araw. You know the plan already okay? Thanks. Good bye! Love you!" sabi ko sakanya at niyakap siya, "Oo naman, bibisitahin din kita sa bahay niyo. Para sabihin sakanila na tayo na." napangiti naman ako, "Yup. I can't wait! basta tayong dalawa lang muna ang makakaalam nito ha? Bye."
Pumara ako ng taxi at sinabi ang address ko.
After 2 hours nakarating na din kami sa bahay. "Thank you po, manong. Ingat." ngumiti ako sakanya, "Salamat din po ma'am. Kayo din po." nakakatuwa na makitang na may napapangiti ako.
Agad-agad akong nag doorbell. At pinagbuksan ako ng kasambahay namin. "Hi po, I'm back!" ngumiti siya at niyakap ako, "Buti nagbalik ka na ma'am. Namiss ka namin." tumawa ako, "Sympre naman no babalik ako. Namiss ko din kayo."
Pagkatapos namin magdaldalan ng kasambahay namin ay agad akong pumasok sa bahay, hinanap ko sina mommy,daddy at kuya.
Nakita ko sila sa garden na tatlo at nag-uusap. Nakangiti silang tatlo. "I'm home!" napatingin naman silang tatlo sa direksyon ko at nanlaki ang mata, "Anak! You're finally home!" niyakap naman nila ako isa-isa.
Namiss ko talaga silang tatlo, "So kamusta ang pag mumove-on anak?" ngumiti saakin si mommy at hinimas ang malambot kong buhok, "Naka move-on na ako, ma. I am braver and stronger. By the way ma, may ipapakilala ako sainyo bukas." napatitig naman saakin si mommy, "That's good, anak. Pero sino ang ipapakilala mo?" ngumiti ako, "Yung bago ko pong inspirasyon ma." sabi ko, napatango tango naman sila. "Did you mean your new boyfriend?" napa-smirk ako, "Hehe. Opo, ma." nanlaki ang mata ni mommy, "Bakit ang bilis mo naman magkaron ng bago anak? Hindi ba't three months palang mula nang mag break kayo?" hinawakan ko ang kamay ni mommy, "Ma, siya nga may iba na habang kami pa e. Atleast ako sinunod ko amg three month rule. Atska, I love him mom. My new boyfriend." ngumiti naman si mommy, "Hmm, sige na nga. Basta ipakilala mo siya bukas huh?" mag papaalam sana ako sakanila para umakyat ako ng biglang nagsalita si mommy, "May photoshoot ka daw bukas na pupuntahan anak. Ikaw ang napili na photographer at fashion designer. And by the way, na-enroll na kita sa Wright University." ngumiti naman ako kay mommy, "Wow mom, kakauwi ko pa lang I already have work na. That's cool. And thanks ma, na-enroll mo na ako." hinalikan ko si mommy sa cheeks at nagpaalam para magpahinga.
Habang inaayos ko ang mga gamit ko biglang tumawag saakin ang secretary ko, yes mag secretary ako. Kasi sympre isa na ako sa sikat na photographer at fashion designer. Hindi lang saatin, kundi pati sa ibang bansa.
Secretary: Ma'am, may photoshoot pa kayo tomorrow. 10am. Sa studio niyo daw po mismo.
Samantha: Okay, thank you Sarah. Text mo na lang ako tomorrow okay. Have a great day ahead!Oo nga pala, mag studio na din ako. Pinagawa ni mommy habang nasa Canada ako. Pinagawa niya yun nung doon ako nag aral. At ngayon tapos na. At pag nakaipon ako, tska na lang ako magpapatayo ng clothing line. Sympre, mag aaral muna ako mg business management.
10am pala ang photoshoot ko bukas, isama ko kaya si Dino? Or pasunurin ko na lang siya. I'll text him nga.
To: Dino
Dino, 10am tomorrow may photoshoot ako sa studio ko. Mga 12nn siguro matatapos yun, basta I'll call you na lang para imeet mo ang parents ko. Okay? Bye.
Fr: Dino
Okay, babe. Ingat ka sa photoshoot mo bukas ha. I love you!
To: Dino
Baliw! Sige na. Talk to you tomorrow.
Ang boring naman sa bahay. Gusto kong umalis kasama si Sallie, miss ko na siya e. Maitext nga.
To: Sallie
Bes, let's meet later sa mall. Mga 3pm, sama mo si Clarence.
Fr: Sallie
You're home na pala, bes!!! I love you. Sige. Kasama ko siya ngayon e. See you.
Hindi na ako nag reply sakanya. Naisipan kong itext si Dino. Ipapakilala ko siya kela Sallie kahit alam kong kilala na naman nila si Dino.
To: Dino
Hey, punta tayo ng mall? Kasama ko si Sallie at Clarence. Mamayang 3pm. Sasabihin kong tayo na. Para alam nila ;) galingan natin ang pag acting mamaya. Okay?
Fr: Dino
Sure, i'll pick you up at 2:45pm. Yes, ako pa. I'm really good when it comes to acting ;)
1pm na pala, kaya nagsimula na ako mag-shower.
2pm nang matapos ako sa lahat ng gawain ko sa katawan ko. Nanuod muna ako ng Dora the Explorer while waiting for Dino.
2:30pm nang magtext si Dino na papunta na siya. So I replied 'Okay'
Saktong 2:45pm nang makarating si Dino, "You're just in time, babe." sabi ko. Sa labas lang siya nag hintay e. So agad agad na kaming umalis.
Tinext ko na si Sallie na papunta na ako sa mall. She replied 'we're here na. Kita tayo sa MCDO.'
3:10pm nang makarating kami sa mall, agad-agad nag park si Dino. Tapos dumeretso na kami sa MCDO. Nakita namin agad sina Sallie at Clarence kumakain. Nakatalikod sila saamin kaya hindi nila kami nakita. Sabay kaming bumulong ng 'Let's do this.'
"Hi guys!" bati ko agad sakanila na ikinagulat naman nilang dalawa.
"Dino?!" sigaw ni Sallie, "Bakit kasama mo siya?!" ngumiti ako, "Sympre, he's my boyfriend e." nanlaki ang mata nilang dalawa, "Your what?!" ngumiti ako at nagsalita ulit, "My boyfriend."
"I can't believe it, Sam." sambit ni Sallie, "You can't believe what?" tumingin siya, "I can't believe na naka move-on ka na kay Christian, to think that you're deeply and madly inlove with him." nag smirk ako, "But that was before, naka move on na ako. At si Dino na ang mahal mo." while saying those words, parang may sumampal sa puso ko. Ang sakit. Ang sakit magsinungaling kasi alam naman ng isip at puso ko na si Christian parin ang mahal ko.
Naupo na kami ni Dino, umorder muna siya ng pagkain namin. Habang tatlo kaming tatlo lang ang natira dito, "So how are you, bes? kamusta ang pag mumove-on?"
ngumiti ako, "Nagmahal noon, nasaktan noon, naka move-on ngayon." nakatitig lang sila saakin at hindi nagsasalita, "Joke. Got that from Lyda Magtalas." tumawa ako, pero nakatitig parin sila saakin, "Are you serious, bestfriend?" tumango ako.
"O, andito ka na pala, babe." sabi ko, ngumiti siya, "Sympre, babe." sumama ang tingin ni Clarence kay Dino, "Seriously though, seryoso ka ba sakanya dude?" tumawa naman si Dino, "Of course. Highschool pa lang ako seryoso na ako sakanya. Ngayon nga lang ako nagkaroon ng chance to ask her out." kumuyom ang kamao ni Clarence, "Pag sinaktan mo siya, sinasabi ko sa'yo malalagot ka kay Christian." tumawa siya, "Seryoso? Eh siya nga ang nanakit kay Samantha. Remember?" nanahimik naman si Clarence.
Sorry Sallie at Clarence, ayokong saktan kayo. I just have to do this.
Great acting, Dino :)
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover