40.

31 2 0
                                    

Last Day 

Maaga akong nagising dahil sa naririnig ko sa sala, bukas ang tv. Paano? Hindi naman ako nanood kagabi ha, deretso pahinga na ako.

Nag hilamos muna ako, at nag toothbrush at dumeretso na sa kama ko para ayusin ito. Pagkalabas ko ay nakita ko si Christian sa sala, nakaupo sa sofa at kumakain ng breakfast na binili niya sa Mcdonalds.

"Anong oras ka pa nandito?" tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya, inabot niya sa akin ang isa pang paperbag ng Mcdo.

"Kani-kanina lang, 'di na kita ginising kasi kita ko na tulog na tulog ka pa..." binalik niya ang tingin niya sa tv screen, "Kainin mo na 'yang breakfast mo."

Ngumiti ako, "Thanks."

Tumango lang siya at binalik ang tingin sa tv, kumakain pa rin ng kanyang breakfast.

Naupo ako sa tabi niya atska binuksan na ang umagahan na binili niya para sa akin.

Hinilig ko ang ulo ko sa kanyang balikat, tinignan ko siya ng mabuti. Naka tuon pa rin ang tingin niya sa tv screen na para bang 'di inalintana kung ako'y dikit na dikit sa kanya.

Binaba niya ang isa niyang kamay upang mahawakan ang kamay ko, hinalikan niya iyon, "Thank you sa breakfast, Christian." ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti rin naman siya pabalik at binalik muli ang tingin sa nasa aming harap.

Kinuha ko ang phone ko para kuhanan ng litrato ang set up namin at para ipost sa aking Instagram account. Gusto ko lang talaga ipakita kung gaano ako kasaya.

Nasa lap ko ang aking umagahan, at hawak niya ang kanang kamay ko na nasa lap ko din. Gamit ang kaliwang kamay ko ay pinangkuha ko ng litrato. Ito ay naka bird's eye view, para makita ang ayos naming dalawa.

@iamsamanthauy: breakfast with my one and only love.

Agad nag comment ang mga kaibigan ko, at kapatid ko.

@carlouy: dyan siya natulog sa inyo?
@iamsamanthauy: no, kuya. pumunta lang siya dito para sa breakfast namin.

Tinapos lang namin ang aming umagahan at nag ayos na ng mga pinagkalatan, "Saan ba tayo pupunta ngayon?"

"F–fit mo 'yung gown mo hindi ba?" Tapos nanlaki ang mata ko nang maalala ko, "Oo nga pala! I almost forgot!"

Pumasok na ako sa aking kwarto para mag ayos na. Nag hanap na ako ng isusuot na presko lang at madaling tanggalin para sa pag susukat mamaya.

10 am nang kami ay umalis ni Christian sa condo ko. Kami ay kakain muna ng early lunch dahil marami pa kaming lakad ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay tumungo na kami sa The Event's Place to meet Terry. Natapos niya na ang gown ko. Kaya naman naeexcite na akong isukat iyon.

Pagkadating namin doon ay inasikaso agad kami ng kanyang secretary. Pinapunta niya na kami sa opisina ni Terry.

"Thank you," pag papasalamat ko sa secretary ni Terry.

Pumasok kami sa opisina ni Terry at nakita namin siyang nakaupo sa swivel chair niya nakatuon ang tingin sa laptop at mukhang seryoso ang ginagawa, nang mamataan niya kami ay agad siyang ngumiti, "Hi, Samantha and Christian!"

Bumeso siya sa akin at ganoon din kay Christian, pinaupo niya kami sa kanyang sofa at inalabas na ang timeline ng magiging daloy ng aming kasal.

"So, this is the timeline of your wedding. This will be our guide for the event. May mga oras na ring nakalagay dyan para iyan nga ang ating susundan..." tinuro niya sa amin ang mga oras, "By the way, available ba kayo sa Sabado?"

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon