7.

89 5 2
                                    

Photoshoot

Maaga akong nagising, mga 6am pa lang ay gising na ako. Aayusin ko kasi ang mga gagamitin para sa photo shoot mamaya. At tinawagan ko ang secretary ko na si Sarah na ipadala na ang mga damit na gagamitin para sa photo shoot.

Ang theme kasi ng sinasabi nilang photo shoot ay parang banda. Parang 5 Seconds of Summer daw. Pero hindi naman ito gagayahin, ganon lang ang tema. At sabi saakin ni Sarah ay isang sikat daw na band ang kukuhanan ko nang litrato, isang banda na sikat sakanilang school. At malapit na raw itong mag-sign sa isang record label company.

Excited na ako sa first photo shoot ko. Ano kaya ang mangyayari? Sana maging maayos ang lahat para naman kapag kumalat sa social media ay hindi nakakahiya. At sympre para mas dumami pa ang clients ko.

Tinawagan ko si Sarah, at sabi niya 10am to 1pm ang photo shoot na magaganap. Tatlong oras din pala. Ang tagal, pero ayos lang. Para naman may magawa ako dito. Ang boring kasi kapag nakatambay ka lang sa bahay.

To: Dino

Dino, punta ka sa studio ko mamayang 12nn okay? See you there! :)

Fr: Dino

Okay, babe :)

Napangiti na lang ako sa text ni Dino, natutuwa akong makita siyang masaya, pero at the same time nalulungkot ako kasi alam kong wala kaming pag-asa na dalawa. Pero susubukan ko. Susubukan ko siyang magustuhan.

**

Maaga akong natapos maligo, nag ayos na ako. Nag suot lang ako nang ripped jeans, plain white cropped top at isinuot ko ang rubber shoes. Viola~ ang ganda nang suot ko.

8am na pala, kaya kailangan ko nang kumain ng breakfast at dumeretso na sa studio. Thirty minutes kasi ang byahe papunta doon. Kaya sakto lang akong aalis, and I don't want to be late for my first ever photo shoot.

8:30 nang matapos akong kumain, kaya nag paalam na ako sakanila na aalis na ako.

Kinuha ko na ang susi sa bag ko, at pinaandar na ang sasakyan ko. Nagpatugtog ako nang bagong kanta ni Justin at ang title nito ay Where Are Ü Now. Ang ganda talaga ng kantang 'to. Nakakaenganyo sumayaw.

Mga 9:25 ako nakarating sa studio ko dahil medyo traffic sa nadaanan ko. Andun na sa studio ang ibang staffs. Andun na din si Sarah, ang secretary ko.

"Ma'am, ang aga niyo naman po." sabi saakin ni Sarah, I smiled at her "Sympre, I don't wanna be late for my first ever work here saating bansa."

Tinignan ko ang buong studio, and all I can say is WOW. Ang ganda nang pagkakadesign. Fully furnished siya. Sobrang ganda and ang laki. Naglibot libot muna ako, nagpasama ako kay Sarah, itinuro naman niya saakin ang dressing room, at nandun ang mga damit na gagamitin mamaya. Naka ready na din ang lahat para sa photo shoot mamaya, yung models na lang ang kulang. Balita ko kasi ay apat sila.

Naupo muna ako upang makipag daldalan sa mga kasamahan ko sa trabaho, ang tagal naman ng mga models. 10:15am na, ang ayoko sa lahat yung nalelate.

"Sarah, asan na ba ang mga models? Napaka tagal naman nila. Sabihin mo nagiinit na ang ulo ko. My gosh, 15 minutes na silang late." sabi ko kay Sarah, "O-opo, ma'am. Tatawagan ko na po sila." Pagkatapos nang ilang minuto ay bumalik si Sarah saakin, "Ma'am, malapit na daw po sila." tumango na lang ako at uminom ng kape.

"We're here!" rinig kong sabi nang isang lalaki, ang angas angas naman neto. Late na nga sila e.

Nakatalikod ako sakanila, kaya nagsimula na akong magsalita, "Late ka na nga ang lakas pa ng loob m-" pagkaharap ko, nagulat ako sa nakita ko.

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon