Epilogue

44 1 0
                                    

Thank you for supporting this book. After three years, natapos ko rin ito. Matagal man, because nag writer's block ako but at least natapos. I know, it's not good katulad ng mga librong nababsa ninyo. But this story is special to me, dahil isa 'to sa mga kauna-unahang naisulat ng bata kong puso. Thank you!





Ang Huli


Suot suot ang kanyang puting damit, puting belo, hawak ang nagandahang bulaklak, suot ang malapad na ngiti. Nakita ko ang naglalakad patungo sa akin, ang babaeng mamahalin ko ng pang habang buhay. Ang babaeng makakasama ko sa hirap at ginhawa. Ang babaeng tatanggapin ako maging sino pa man ako. Ang babaeng mahal ko.

Naka ngiti akong nakatingin sa kanya, naluluha. Hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang babaeng nasa harapan ko, ay papakasalan ko ngayon. Ang babaeng pinangarap kong dalhin sa altar, eto na ngayon. Naka ngiti at naiiyak na naka tingin sa akin.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya bilang suporta. Iniharap ko siya sa altar, saksi ng paring magkakasal sa amin...saksi ng mga taong importante sa amin, saksi ng Diyos.

Wala akong ibang nakikita kundi siya. Ni hindi na ako nagkaroon ng oras para lingunin ang aking best man. Ang atensyon ko ay nasa kanya lang. Palaging sa kanya.

Ginawa na ang ritwal sa kasal.

Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng pari, dahil ang tingin ko ay naka deretso lang sa babaeng nasa harapan ko.


Naglalakad ako kasama ang mga kamag-anak ko patungong sa isang bar sa Boracay. May naglalakad na babae, tingin na tingin sa kanyang cellphone, 'di inalintana ang matatamaan na tao sa ginagawa niya. Samantalang ako, nag tetext din katulad niya pero itinigil ko rin agad 'to nang alam kong tatama ako sa kanya. Alam ko na ang susunod na mangyayari, mabubunggo ako ng isang ito at paniguradong mag iinit na ang ulo ko.

At eto na nga, nangyari na nabunggo ako ng babaeng panay ang text. Hindi tumitingin sa dinadaanan. Nakakainis ang mga ganito!

"Aray, hindi mo kasi tinitignan ang dinadadaanan m-" naputol ang sasabihin ko dahil nag angat ng tingin ang babaeng naka bunggo sa akin. She's beautiful, huh.

Hindi ko na alam ang susunod na sinabi ko, basta ang alam ko lumabas na lang ito sa bibig ko, "Sorry, miss. Sorry hindi ko sinasadya. I'm sorry." hindi naman talaga dapat ako mag so-sorry, pero damn, ewan ko. Baduy man pakinggan, nabighani ako.

"So ako pa ang sisihin mo? Eh ikaw nga ang nakabunggo sa akin. Tapos ngayon you are going to say sorry." pagkatapos niya akong sigawan ay nanlaki ang mata niya. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya. Kung kilala niya ba ako. Ewan ko.

"Kaya nga, I said sorry. I'm sorry miss. Alam kong ako 'yung may mali. Kasi nag tetext din ako katulad mo." Hinawakan ko ang kamay niya para alam niyang sincere ako sa mga sinasabi ko.

Natahimik siya ng sandali, "Y-yeah it's okay. Kasalanan ko din naman. Nag tetext kasi ako. Sorry."

Ngumiti na lang ako sa kanya, "No, it's okay."

Nilagpasan ko na lang siya dahil ayaw kong matulala. Man, it was my first time to be like that. Kung ibang babae 'yon, panigurado ay pinormahan ko na. There's something about her. She's intimidating. Nakakatakot gawan ng masama. Nakakatakot magkamali.


"Samantha, I never thought na magugustuhan kita ng ganito. I remember when we were in highschool, para tayong aso't pusa. Palagi tayong nag aaway. Palagi kang inis sa akin. Nung una kitang nakita, gustong gusto kitang asarin. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Basta, first time. Unang beses akong nakaramdam ng ganitong saya kapag naasar kita. Ang sabi nila gusto mo raw ang isang tao kapag palagi mo itong iniinis." tumawa ako, habang pinag papatuloy ang wedding vow namin sa isa't isa.


STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon