Trust me
Madaling araw ako umalis sa bahay ni Dino, ayoko ng isipin ang pinagtalunan namin. Ayoko ng mag-isip ng madami dahil ako ay mababaliw na.
Hindi ko inakala na kaya niyang gawin saakin ito, akala ko ba nagkausap kami na pagpapanggap lang ang lahat? Bakit kailangan may ganito? Ang kiss ay okay na saakin, payag ako. Pero 'yung ganon? Parang hindi ko yata kaya.
Kung mahal niya talaga ako, dapat ay respetuhin niya ang nararamdaman ko. Respetuhin niya ako bilang babae. Sinabi ko na naman sakanya na susubukan ko, pero hindi ako nagmamadali. Ayokong mag madali, gusto kong siguraduhin ang feelings ko lalo na't mahal ko parin si Christian.
Nahiga na ako sa kama ko, tinignan ko ang phone ko at nakita ko ang text niya,
Dino:
I'm sorry, Sam. Sorry sa nagawa ko. Patawarin mo sana ako. I respect you and your decision.
Ako:
Sige, okay lang. Dino, please sa susunod huwag mo nang gawin 'yun. I'm really disappointed with you.
Dino:
Yah, sorry ulit.
Ako:
:)
Napagod ako sa kakaisip, kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
First period pa lang ay buryong buryo na ako, gusto ko nang mag break time. Napaka boring ng subject na ito lalo na't kaklase ko pa si Jane. Ayoko sakanya. Ayoko.
"Class, may biglaang meeting kami sa faculty. Osige, may break kayo for two hours. Bumalik sa tamang oras para hindi magalit ang prof niyo. Enjoy!" sabi ng aming prof at umalis na.
"Sus, baka magalit 'yung mga prof, eh sila nga 'yung parating late." Sabi ng kaklase kong lalaki kaya natawa kami.
Mag isa lang akong lumabas dahil wala naman si Dino dito sa school. Hindi ko alam kung bakit hindi siya pumasok.
Ako:
Sallie, asan ka? Vacant ako ng 2 hours. See you sa canteen.
Sallie:
Ako din! Kaso 1 hour lang. Okay see you, bessy! (:
Inilagay ko na ang bag ko sa bakanteng upuan at kinuha ang mga importante kong gamit tulad ng wallet at cellphone. Pagkakuha ko ay dumeretso na ako para bumili ng pagkain.
"Ate, sizzling nga po. 'Yung tapa, 2 and a half rice po. With gravy. Thank you." Sabi ko sa nagtitinda at inantay ang order ko, ilang minuto ako nag antay at pagbalik ko sa upuan ko ay andun na Sallie, "Tagal mo. Order na ako."
Naupo na ako at nag simula nang kumain, hindi ko na siya inintay kasi nagugutom na talaga ako.
"Bakit kayo 2 hours ang vacant? Kami one hour lang? Ang unfair ha." sabi ni Sallie sabay subo ng kangkong, "Hindi ko rin alam e. Ang unfair nga no?"
"Alam mo, Sammy..." pag bitin ni Sallie saakin, "Ano 'yun?" tanong ko sakanya, "Miss ko na kayo ni Christian. Hays, kung hindi ka lang niya niloko i'm sure kayo padin hanggang ngayon. I'm sure na masaya ka ngayon, hindi mo kailangan mag panggap."
"Bessy, what if, seryoso na si Christian sa pag hingi ng sorry sa'yo? What if, nagsisi talaga siya sa mga ginawa niya? Will you forgive him? Or forever ka nang mag tatanim ng sama ng loob dyan sa puso mong sira." seryosong sabi saakin ni Sallie, "Baliw. Hindi sira ang puso ko. At baliw ulit, hindi mo ba nakikita na mukha na siyang masaya sa piling ni Jane? Bakit ba manggugulo pa ako? Past is past ika nga nila. Mahal ko siya, gusto ko maging masaya siya. Masaya na ako pag nakikita kong masaya siya."
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover