24.

51 2 0
                                    

Break na kami

Napaupo na lang ako sa buhangin sa sobra kong pag-iyak. Ramdam ko ang sakit na naidulot ko kay Dino. Alam kong masakit iyun para sakanya. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra. Kailangan ay maayos ko ang problema naming dalawa.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako bumalik sa kwarto namin, ayoko namang mahalata nila na galing ako sa iyak. Niyakap ko ang sarili ko sa sampal ng hangin saakin. Napaka lamig naman.

Pumasok na agad ako sa kwarto, at nadatnan ko sina Sallie, Nadine at Summer na nag-uusap at nagtatawanan. Buti pa ang mga kaibigan ko masaya, pero heto ako, malungkot. Pakiramdam ko ay miserable ang buhay ko ngayon e. I'm such a mess.

"Where have you been, Sammy?" tanong saakin ni Nadine, "Ahh, dyan lang nagpahangin." Tumayo si Sallie mula sa kinauupuan niya, lumapit siya saakin at hinawakan ang balikat ko, "Tell me the truth, kilala kita. Did you cried?"

Kilalang kilala talaga ako netong bestfriend ko, wala talaga akong matago sakanya, "Break na kami ni Dino." nanlaki ang mata nila, "What? Bakit?" dumeretso na ako sa pag-iyak. Umiiyak ako, dahil nasasaktan ako ngayon. Nasasaktan ako dahil nasaktan ko siya, nasaktan ako dahil minahal ko rin naman siya. I hate seeing him crying. I hate seeing him hurt, lalo na't ako ang dahilan.

"Why, tell us what happened," tinapik ni Summer ang balikat ko, kailangan kong magsinungaling, ayokong malaman nila ang dahilan, si Sallie lang ang nakakaalam ng sitwasyon namin ni Dino, "Nagkasumbatan kami, nagkainisan, hindi kami nagkaintindihan. Hanggang sa magka-away kami, so I decided to break up with him."

"Dahil doon nag hiwalay kayo? Ano ang malalim na dahilan? Ano ba ang pinag awayan niyo?" tanong saakin ni Summer, "Our insecurities, maraming bagay. Pakiramdam ko nagkalabuan na kami e. Parehas kami ng desisyon, ang maghiwalay."

Umiiyak pa rin ako ngayon, dahil pati si Dino wala na saakin, "Don't worry, baka naman hindi lang kayo nagkaintindihan. Baka bukas maging okay na kayo. Mahal ka nun, hindi 'yun susuko."

Ayun na nga e, mahal niya ako kaya kahit may mahal akong iba hindi siya susuko. At ayoko 'yun, dahil ayoko siyang masaktan. Pinunasan ko ang luha ko, "I don't know, baka hindi na maayos e."

"Kapag mahal mo, hindi mo susukuan." sabi ni Nadine, "Kami nga ng kuya mo, we always fight. Pero kahit minsan siya ang tama, ako pa rin ang paniniwalaan niya, hahayaan niya lang ako. Kahit na mag away kami palagi, hindi niya ako sinusukuan. Mahal na mahal niya ako e, ganoon din naman ako sakanya." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Nadine. I'm glad na, nag seryoso na si kuya sa isang babae. "Nadine, you are so lucky! Minsan lang mag seryoso ang kuya ko. At masaya ako na ikaw ang girlfriend niya." ngumiti naman siya, "Mas swerte ako, Sam. Kasi, ang daming may gusto sa kuya mo, pero ako ang napili niya."

Ako ang huling nagising saamin, nakita ko sila sa reception, nakaupo. Inaya na nila akong kumain. Nasa isang long table kami, magkalayo kami ni Dino. Lahat ay masaya except saamin ni Dino. Ayoko muna maging masaya, I'm still sad because I broke his heart.

"O, ba't parang semana santa ang mukha niyong dalawa, Dino at Sam?" tanong ni Clarence, pinalo siya ni Sallie, "Clarence, manahimik ka pa. Epal ka e!" kumamot na lang ng ulo si Clarence, "Curious lang naman ako."

Hindi na namin sila pinansin, nag patuloy na lang kami sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay nag bihis na kami upang mag surf. Lahat kami ay mga naka two piece at ang boys ay mga naka pang beach shorts at shirtless.

"Sino na magtuturo ng surf sa'yo?" Pabulong na tanong saakin ni Sallie, "Bahala na, baka hindi na lang ako mag surf. Kayo na lang."

Nakita ko si Dino sa isang sulok, nakaupo siya sa damuhan at nasa malayo ang tingin, umupo ako sa tabi niya, "Dino," hindi siya lumilingon. I know he's still mad at me.

"Bakit ka nandito? Diba dapat andun ka sa Christian na 'yun? Ay shit, wala nga pala akong karapatan mag selos, dahil isa lang akong hamak na kaibigan mo." hindi pa rin siya tumitingin saakin.

Hinawakan ko ang kamay niya, inalis naman niya agad 'yun, "Can you please stop that kind of move? 'Yung hahawakan mo 'yung kamay ko para pagaanin 'tong nararamdaman ko, kasi ngayon, wala ng talab 'yan. You broke my heart. You know what, I have to go. Mag surf na lang ako."

Tumayo na siya pero pinigilan ko siya, "Patawarin mo ako."

Nakita kong ngumisi siya, "Oo, pinapatawad na kita. Tanggap ko naman kasi na hindi mo ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo kay Christian e, tanggap ko na. Friendzoned na naman ako. Well, I'm glad na ibang level 'tong pagka-Friendzoned ko. Kasi 'yung saakin, naging tayo. Pero 'yung iba, binasted, friendzoned. Ayun 'yung mas masakit. Kaya nga dapat mag pasalamat ako e, kasi naging girlfriend ko 'yung taong pinakamamahal ko, pero ang masaklap don, sa huli naging friends lang kami. Friendzoned na naman ako."

Pinunasan ko ang luha ko, "Sorry,"

"Alam mo kung bakit ako nakipag break sa'yo? Kasi nga, ayoko nang masaktan ka. Kasi ayoko nang mas palalimin pa 'tong nararamdaman mo para saakin." niyakap ko siya, "Dino, patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan na ginawa ko sa'yo. Patawarin mo ako."

Kinalas niya ang pagkakayakap ko, "Tanggap ko naman, ang hindi ko lang matanggap, ang aga naman nag tapos ng storya nating dalawa. Akala ko, matuto ka rin na mahalin ako, akala ko sa ginagawa natin, makakalimutan mo siya, pero hindi pala."

Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin saakin iyun. Napa sabunot na lang ako sa sarili ko, kailan ba kami magkakaayos?

Pumunta ako sa isang malayo na lugar, naupo ako roon sa may bato, nag iisip ako ng kung ano ano. Nagulat ako ng may biglang tumabi saakin, "What are you thinking, Ms. Uy?"

Si Christian.

"W-wala." sabi ko at medyo lumayo sakanya, "C'mon, sabihin mo na saakin. Baka makatulong ako."

Napaisip ako sandali, sasabihin ko na ba sakanya na wala na kami ni Dino? Ugh! I don't know.

"Break na kami." Sabi ko sakanya nang hindi nakatingin, napatingin siya saakin, "What, yes! finally" sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi ako masaya, kaya pwede ba Christian?" sinamaan niya rin ako ng tingin, "Bakit, mahal mo na ba? Hindi na ba ako?"

Napa-iling na lang ako, "Mahal ko naman talaga siya e..." napamura na lang si Christian, "As a friend. Patapusin mo muna kasi ako. Yes, I liked him, pero hindi pa sapat iyun. Nasaktan ko siya, kaya kailangan kong maka bawi sakanya."

"Hindi mo kailangan bumawi sakanya, ang kailangan niya ay tanggapin na wala na kayo, na ako pa rin ang mahal mo." seryoso niyang sabi saakin, napatawa naman ako, "Wow, ang confident mo naman na ikaw pa rin ang mahal ko. Paano ka naman nakasigurado?"

Ngumisi siya, "Hindi ka naman tutugon sa halik ko kung hindi mo na ako mahal, at I can see it in your eyes, baby." sinamaan ko siya ng tingin, 'yung tipong kakainin na siya ng lupa, "Feeler mo."

"'Di bale ng feeler, mahal mo naman ako." ngumisi siya, "Pero kidding aside, dapat tanggapin na lang niya ang desisyon mo. Wala e, hindi talaga kayo ang itinakda. Dahil tayo 'yun, beb. Tayo."

"Alam mo, hindi na kita nakausap ng matino. Nakakainis ka!" akmang tatayo na ako ng hinila niya ako, kaya naman napaupo ako sa lap niya, "Ayos lang, mahal naman ako ng babaeng naka-upo sa lap ko."

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon