Anniversary of Goodbye
"Christian?!"
May kahalikan siyang babae. Halos mahubaran niya na ang babae. Ang wild nila. They are making out. Hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Nakaramdam ako ng likido sa aking mukha. Please , huwag ka munang tumulo ngayon. Utang na loob.
" B-beb? " - tumigil sila sa paglalandian.
" Don't call me beb. How dare you? " - I slapped him.
Humarap ang babae saakin , at hindi ko inaasahan kung sino ito.Damn
it was Jane. Jane Jocson. Kuya's ex girlfriend.
" Oh hi Samantha " - bati niya saakin. Lumapit ako kaagad sakanya.
" Malandi ka! mang-aagaw! " - sinabutan ko siya at pinagsasampal.
" Manloloko kayo! Hayop " - I said and leave them speechless.
Tumakbo ako papalayo sa hell na condo na yun. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe na ang hikbi ko.
Bakit? bakit niya saakin nagawa ito?
Napaupo na lang ako sa sahig dahil hindi ko na nakayanan ang pangyayari ngayon.
" S-samantha. " - rinig kong tawag niya
Unti-unti akong lumingon sakanya at tumayo " I'm sorry "
"Sorry? ganyan ka naman e. Sa salita ka lang magaling. Pero sa gawa hindi! ilang beses ka na nag sorry saakin? Ilan?" - umiiyak kong sabi sakanya.
" Samantha , please. Nilandi niya ako. Hindi ko ginusto yun. " - sabi niya saakin habang yakap ako.
" Walang lalandi kung hindi ka magpapalandi " - palo ko sa dibdib niya. Sinusubukan kong makawala sa bisig niya pero mahigpit parin siyang nakayakap saakin.
" Christian , s-sabi mo ako lang. Ako lang! "
" Nasaan na yung forever mong sinasabi? Nasaan? "
" Sabi mo mahal mo ako , pero ginago mo ko. "
" Ganyan ka ba talaga mag mahal ng babae? Nanloloko?"
" S-sana sinabi mo saakin na hindi mo kaya ang long distance relationship para nakipag break na ako sayo. Hindi yung niloloko mo lang ako habang nasa ibang bansa ako. "
pinagpapalo ko siya. Nakakainis siya , manloloko.
Lumuhod siya saakin at sinabing " Sorry , nagkamali ako. Sorry kung nambabae ako. I'm sorry , hindi ko kasi kaya ang long distance relationship. Sorry sorry sorry. "
" Wala na Christian , nagawa mo na e. "
" Sorry " - nakayakap parin siya sa legs ko.
" Ang ganda ng anniversary gift mo saakin Christian , We are over " - pagkasabi ko nun ay umalis na ako kaagad.
**
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ako makakarating. Basta ang gusto ko lang ay ang mapag-isa. Gusto ko makapag isip isip. Gusto kong makalimot.
Habang tumatakbo ako biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pati ang ulan nakikisama sa nararamdaman ko.
Nakarating ako sa park. Hindi lang siya basta basta park. Kundi park na lagi naming pinupuntahan ni Christian.
Napaupo na lang ako sa damuhan. Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Gusto ko nang magpakamatay , gusto kong mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko.
Bakit niya ba ako niloko? hindi pa ba ako sapat para sakanya? Hindi ba ako yung karapat dapat sakanya? Hindi ba?
Siguro nga , hindi kami meant to be sa isa't isa. Kasi nangyari to e. Siguro may nakalaan na lalaki para saakin at hindi siya yun.
Bakit kailangan mismo pa sa anniversary pa namin siya magloko?
Sana sinabi niya saakin na hindi niya pala kaya makipag relasyon saakin habang nasa ibang lugar ako.
May pa forever forever pa siyang nalalaman. Eh mang gagago din lang pala siya.
" Hinding hindi mo na ako masasaktan muli Christian. Hindi na ako papayag na gaguhin mo ulit ako. "
" Humanda ka "
-
itutuloy...
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover