Kung Tayo Pa
Nagising ako, tinignan ko ang oras, 2am. Madaling araw pa lang pala. Tumingin ako sa tabi ko, at nakita ko wala si Christian dito. Nasaan ang isang iyun?
Napatingin ako sa balcony ng hotel. Nakita ko si Christian doon na nag sta-strum ng guitar. Bukas ang bintana at ramdam ko ang simoy ng hangin.
Hindi ako nagpakita sakanya, pinapakinggan ko lang siyang tumugtog at kumanta. Napaka ganda talaga ng boses niya at ang galing niya.
Migraine ang kinakanta niya. Bakit naman iyun ang kinakanta niya? Umaasa ba siya saakin? Sa tingin niya ba ay hindi ulit magiging kami?
"Come here." Nagulat ako sa boses niya, kaya pala naramdaman ko na tumigil ang pag strum ng gitara ay dahil nakatingin siya saakin.
Lumapit agad ako sakanya, "Bakit gising ka pa?" naupo ako sa tabi niya, "Wala, naalimpungatan ako e. Tapos pag tingin ko wala ka sa tabi ko. Ikaw, bakit gising ka pa?"
"Wala.. I can't sleep." Maikli niyang sagot.
"You can't sleep kasi katabi mo 'ko? Hindi ka na sanay?" Tanong ko sakanya.
"No. It's just that, napuyat ako kakatingin sa'yo. So I decided not to sleep na lang. Hindi lang kasi ako makapaniwala na nakatabi na ulit kita, nang malapitan. I can now hug you, smell you, kiss you and stare at you." Napatahimik ako sa sinabi niya, corny niya talaga. "Cheesy mo, dude."
"Nope, just telling the truth. Eh ikaw, bakit ka nagulat na hindi mo ako katabi? Natakot ka na baka iniwan kita?" Tanong niya saakin, "No. I was just shocked and scared. Shocked kasi, baka kung saan ka nagpunta, nakakagulat kaya. Scared kasi, mag-isa lang ako, baka iniwan mo 'ko. Hindi ko alam kung paano umuwi mag-isa."
Tumingin siya saakin na parang disappointed siya sa sinagot ko, "Akala ko naman namiss mo ako."
"Nahhh." Sagot ko sakanya. Pero ang totoo, sobrang miss ko na siya.
"Nakakatampo naman 'to. Hindi ako namiss." Tumawa ako, "You sound like a girl." Nagtawanan kaming dalawa.
"Pero, seriously, I really missed you." Seryoso niyang sabi saakin.
I can't say it back, not right now. Sorry.
"Uwi na kaya tayo?" I diverted the topic.
"Galing mag iba ng topic ha. 'Wag muna. I'm enjoying here. It's very relaxing. And nag e-enjoy ako kasi kasama kita. Mamayang umaga na lang tayo umuwi." Aniya.
"I can't sleep na, Christian." Sabi ko sakanya. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog.
"Gawaan kita coffee. Wait for me here." Tumango naman ako sakanya.
Ilang minuto ay bumalik na siya na may dalang coffee. "Thanks."
"Tara, jamming tayo?" He asked me. "Sure."
Nagsimula na siyang mag-strum ng gitara niya. Pamilyar saakin ang kantang 'to. Napatahimik ako ng ma-realized na ito ang theme song namin. Walang Iba by Ezra Band.
~Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano ikaw pa rin ang gusto, kahit na sinasampal mo ako at sinisipa't nasusugatan mo, ikaw pa rin walang iba. Ang gusto kong makasama, walang iba~
Ang ganda talaga ng boses niya. Ang lamig pakinggan.
Sa susunod na chorus ay sumabay na ako sakanya.
"Ang ganda talaga ng boses mo." Sabi niya saakin. Ngumiti ako, "Bolero. Ikaw kaya maganda boses."
"Samantha..." Pag tawag niya saakin, naka tuon ang tingin ko sa langit. "Hmm?"
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover