37.

29 0 0
                                    

Wonderland

Alas sais na ng gabi, kaya naman kaming lahat ay naligo na para kumain. Ginawa ko na ang mga ritwal ko pagkatapos maligo. Nag suot lang ako ng romper. Color white ito at off shoulder. Nag lagay lang ako ng lip tint sa aking labi para naman may kulay kahit papaano ang aking mukha.

"Naka cycling shorts ka ba?" Nakatingin si Christian sa suot ko.

"Oo, bakit?" Tinignan niya muli ako at sa aking suot, "Good. Maiksi kasi 'yang romper mo e. Mas maganda kung may cycling shorts. You know, just making it sure." Tumango naman ako at ngumiti.

This is what I like about Christian. Hindi na siya katulad dati na sobrang higpit pag dating sa mga suot ko. Buti na lang at nag matured na ang isipan niya. Kasi, karamihan sa mga lalaki ayaw nilang pinag susuot ang mga girlfriend nila ng maaksi. You know, it's not about the clothes. Kung manyak ang lalaki, mamanyakin ka talaga. Pero minsan, dapat inaayon natin ang mga suot natin sa ating pupuntahan. Kapag alam mong ma-eexpose ka masyado sa lugar na maraming tao, wear decent clothes. And nasa galaw din iyon. But again, it is not about the clothes. Nasa lalaki 'yon at paano mo dalhin ang damit mo.

"Let's go?" Tanong niya sa akin, hindi niya na hinintay ang sagot ko. Hinawakan niya na lang ang kamay ko at pinag salikop ito sa kanyang kamay.

"What took you so long?" Tanong sa amin ni kuya.

Nagkatinginan kami ni Christian, siya na ang sumagot, "You know girls, mababagal kumilos." I smirked.

"Tara na?" Aya ko na sa kanila.

Dahil nakakasawa ang Max's, so we decided to leave Canyon Cove for dinner. Mag hahanap na lang kami ng kakainan na hindi namin madalas matikman sa Maynila.

Kanya kanya kami ng sasakyan at tumigil kami sa isang restaurant bar. Maganda ang resto bar na ito, dahil hindi lang siya 'yung mukhang pipitsugin na resto bar. Maganda ang pagkakagawa sa restaurant na ito, at ang mga furnitures nila. Halos lahat ay gawa sa kahoy. Sa baba ay ang restaurant, sa second floor naman ay iyong bar. Mas maraming tao doon kaysa dito sa resto.

Seriously? 7pm pa lang, nag iinuman na ang mga tao? Oras pa lang ito ng dinner ha?

Um-order na sila ng pagkain at nagkwekwentuhan lang kami habang hinihintay ang order namin.

"So, kailan niyo balak pakasalan mga girlfriend niyo?" Pambungad ni Carl sa amin.

"Bago kami sumagot, ikaw muna." Pangantyaw ni Clarence, "Kung kailan siya ready."

Nag tawanan kami, biglang tumikhim si Christian, "Ako, I'm planning to marry Samantha this year."

Pumorma ng 'O' ang kanilang mga bibig, "Kinikilig ako." Ani Sallie.

Pakiramdam ko'y uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Christian. Ang tagal na naming dalawa, pero iba pa rin talaga ang nararamdaman ko sa tuwing nag sasalita siya ng ganyan.

"Anong masasabi mo doon, Sam?" Tanong sa akin ni Clarence, "We'll talk about it pa." Tumingin sa akin si
Chrisian atska uminom ng tubig.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami kaagad sa bar, para naman mag inuman.

Naupo na kami sa isang malaking sofa, kung saan kasya lang kaming magkakaibigan.

Lumapit na ang waiter para kuhanin ang aming orders.

Mag sasalita na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Christian, "You are not allowed to drink." Sinamaan ko siya ng tingin, "At bakit naman?"

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon